twenty three

503 24 3
                                    

Montenegro sister

"Kambal?" Tawag ni Valerie sa kambal niyang si Valeen na busy sa pagpupulot ng kahoy..

"Ano ba iyon?" Sagot naman ni Valeen na halatang naiirita dahil ang pinakaayaw niya talaga ang magpulot ng kahoy o kung ano pa man..

"Kambal halika dito may sasabihin ako sa iyo." Tawag muli ni Valerie kaniya..

"Kapag iyan hindi importante kalimutan mo nang kambal tayo." Pagbibiro ni Valeen..

"I love you kambal ko." Malambing na sabi ni Valerie sa kapatid sabay yakap dito..

"Ano nga uli sasabihin mo?" Tanong ni Valeen sa pagitan ng yakap ng kapatid niya..

"Kambal nakita ko si Louise na masama ang tingin kina Kate at China lalo na kay Maine."  Bulong Valerie..

"Well hindi na bago iyan. Pero dapat tayong mag-ingat lalong huwag hayaang mag-solo si Maine baka mamaya may mangyari na hindi maganda. Pasalamat na lang tayo dahil laging andiyan sina Kate, siguro tama si Maine nagbago na sila. Paliwanag naman ni Valeen..

"Kambal sa tingin mo hika lang ba sakit ni Maine?" Nagtatakang tanong ni Valerie.

"Wow?! Ako talaga tatanungin mo tungkol diyan? Bakit kambal? Doctor ba ako? Saka bakit hindi si Maine ang tanungin mo para malaman mo ang sagot!" Inis na wika ni Valeen..

"Dami mo naman sinabi nagtanong lang ako." Pikon naman na tugon ng kambal ni Valerie ..

"Alam mo kasi kambal sa mga bagay na iyan si Maine ang tanungin mo di ako.. Paliwanag ni Valeen..

Ngumiti lang si Valerie bilang sagot sa sinabi ni Valerie sa kaniya..

Patricia and her cousin

"Sanya tingnan mo 'yong kambal nagtatalo na nama sila."  Bulong niya kay Sanya na tila ba pagod na..

"Oh? Eh ano meron sa kanila? Beside hindi na bago sa kanila ang magtalo. Lagi naman silang ganiyan kahit sa practice ng games nila." Tugon  ni Patricia.

"Kung sabagay tama ka. Wait asan pala si Barbie?" Pagtatanong niya habang palingalinga pa..

"Si Barbie? Andoon sa tent masakit ang puson niya." Sagot naman ni Patricia..

"Ganun ba? Sige tara na bilisan na natin para makamusta natin si Barbie." Wika niya..

Kate&China

Habang abala kami sa pagkuha ng mga kahoy ang mata naman namin ay hindi maalis kay Nico. Mahirap na baka mamaya kung ano pa gawin nila Louise sa kaniya..

"Kate, pwede bang mauna na ako sa inyo?" Pagpapaalam ni Nico sa amin..

"Sure? Pero gusto mo bang samahan ka pa namin?" Tanong pa ni kate..

"Nope. Kaya ko na." Wika niya habang nakangiti..

Pag-alis ni Nico agad namin binilisan ang pagkuha ng mga kahoy para masundan siya mahirap na, buti sana kung wala kaming alam...

Nakita ni Jake na umalis si Maine.

"Mukhang mauuna na siya bumalik sa camp namin well uunahan ko siya." Bulong ko kaya lang susundan ko palang siya ng harangin ako nila Alden..

"Bro kung ano man iyang balak mo kay Maine tigilan mo na dahil kami ang makakalaban mo." Wika nito kay Jake..

"Ano ba sinasabi ninyo?" Pagkukunwari ni Jake na walang alam..

"Kung ako sa iyo hindi na ako susunod." Pahayag ni Jerald.

"Huwag kami bro." Sabat pa ni Sam..

"Alam ninyo hindi ko alam sinasabi ninyo." Inis niyang sabi..

"Sige ganito na lang Jake kapag may nangyari kay Maine na hindi maganda kami mismo ang makakalaban mo. Bukod pa doon sa iyo at kay Louise namin isisisi ang lahat." Sagot ni Alden bago umalis..

Pagkaalis nila Alden agad binalibag ni Jake ang mga kahoy na dala niya...

"Fucking shit."  Pagmumura niya.. "Paano nila nalaman na may plano kaming hindi maganda."  Bulong pa niya..

"Cousin?" Tawag ni Louise sa pinsan niya...

Lumingon ito at kita sa mukha nito ang inis..

"Ano bang problema mo at ganiyan ang itsura mo?" Biglang tanong ni Louise.

"Wala!!!" Sigaw niya sabay alis..

"Bwesit ka Jake!" Balik sigaw niya dito, kaya lang hindi siya pinansin nito..

Alden

Sinadya naming harangin si Jake dahil iba ang pakiramdam ko sa kanila.. Bukod pa doon nadinig namin usapan nila Kate, China at Maine. Ito ang narinig namin..

"Kate thanks." Wika ni Maine habang namumulot ng mga sanga.

"Wala iyon basta dito lang kami hindi namin hahayaan na mapahamak ka." Sagot pa ni China.

"Nico hindi mo ba talaga ipapaalam kina Alden ang totoo?" Tanong nila Kate na halatang nag-aalala.

"Hindi muna sa ngayon." Sagot niya na may ngiti.

"Okay pero ingat ka lagi, basta need mo ng kasama dito lang kami." Wika ng dalawa sabay yakap kay Nico Charmaine...

Kaya alam na namin na sila Louise at Jake lang pwede ang gumawa ng hindi maganda kay Maine. Kaya naman hinarang namin agad iyon nga lang sadyang magaling magsinungaling...

"May mangyari lang talaga kay Maine na hindi maganda ako mismo magbubura sa kanila sa mundo." Bulong ko...

Samantala lahat kami nakabalik na sa aming mga tent pero ang pag-aalala ako ay hindi nawawala. Kung pwede lang na ako na ang magbantay kay Maine gagawin ko kaya lang bukod kasi ang tent namin sa tent nila..

Sam&Jerald

"Nakita mo ba kung paano titigan ni Alden si Charmaine?" Tanong ko kay Jerald na busy sa pag-aayos ng bag niya..

"Oo. Halata naman na may gusto siya doon." Sagot ni Jerald..

"Bro gusto mo pustahan?" Masayang sabi ni Sam..

"Pustahan? Sige pero isali natin si Alden para masaya." Sagot ni Jerald..

"Sure." Sagot niya na excited na kaya agad nila hinanap si Alden para kausapin sa plano nila....

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon