SB 02 :

1.3K 19 0
                                    

Kira's Pov

Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang mga pictures na nakuha ko.

Kamukhang kamukha niya nga. Pati yung ngiti nakuha niya.

Sino ka ba talaga Katherine? Bakit parang nakikita ko sayo si Kathy? Napapraning na ba ako?

Brent's Pov

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa paligid ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko lang naman ang isang taong nagbibisibusyhan.

Bumangon ako at lumapit sa kanya.

"Ano naman yang ginagawa mo?"Tanong ko sa kanya ng makalapit ako

"May photoshoot pala tayo bukas. Bakit hindi natin alam?"Saad niya habang may kinukutingting sa laptop niya

"Anong natin? Alam kong may photoshoot bukas noh!"Saad ko

"What? Alam mo bakit hindi mo sinabi?"Saad naman niya

Pumunta ako sa kama at nahiga.

"Ilang beses ko kayang sinabi sayo nung isang araw pero your BUSY Mr.Zyrus Montes."Saad ko pa na may kasamang diin

"Tss. Dapat sinabi mo pa rin."Saad niya

"Bingi ka ba? O nagbibingihan ka lang. Kakasabi ko lang na nung isang araw ko pang sinasabi sayo pero busy ka."Saad ko at saka bumangon

"Tss. Hindi ako bingi. Hindi mo lang kasi linawin."Saad pa niya

"Tss. Hindi talaga kita maintindihan. Bahala ka na nga sa buhay mo."Saad ko at saka naglakad papunta sa pinto pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay may sinabi siya

"Si Katherine kasi yung katexx ko nung panahong sinasabi mo sa akin yun. Alam mo bang nakikita ko sa kanya si Ate Kathy."Saad niya at dun ako napatingin sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa kama at naghihintay ng mga sasabihin niya.

"Nung unang kita ko sa kanya sa America, akala ko nun si Ate Kathy siya. Kamukha niya ito, yung pagngiti niya, yung pagtawa. Kung hindi siguro namatay si Ate Kathy ay aakalain ko ring siya nga si Ate Kathy. Sa tatlong araw natin siyang nakasama ay nakilala ko agad siya. Napakabait niya, yung ugali ni Ate Kathy nakuha niya rin. Para bang siya si Ate Kathy. Napakagaan ng loob ko sa kanya."Mahaba niyang pagsasaad

Tama siya. Tatlong araw naming nakasama si Katherine sa America nun dahil nung sa Fashion Event. Napakagaan din ng loob ko sa kanya.

Flashback ..

Nakaupo kami ni Zyrus sa sofa malapit sa pinto.

"Kelan kaya nila balak mag-umpisa noh?"Naiiritang tanong ni Zyrus

"Ikaw talaga, buti nga't kinuha ka pa ni Aria ee."Saad ko pa

"Wow ha! Salamat sa napakaganda mong compliment."Saad niya

"Tss. Welcome."Saad ko pa na may kasamang ngiti

"Tss. Nakakaasar ka ha!"Saad niya

"Mas nakakaasar ka."Taas kilay ko pang saad

"Mas mas nakakaasar ka."Saad naman niya

"Nakakaasar mo to."Saad ko naman.

Iimik pa sana siya ng biglang may pumasok na babae. Pinagmasdan ko ito at dun ko lang napagtantong kamukha niya si Kathy.

Blonde ang kabuuan ng buhok nito, kulot ang dulo at maputi ito. At sexy pa. Si Kathy din naman ahh. Sexy. Maputi may pagkablonde din ang kulay ng buhok.

Hindi kaya bumangon si Kathy sa kanyang hukay? Gago ko talaga noh!

Kinirimate nga pala yun.

Tiningnan ko si Zyrus, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ganun din si Aria at Inigo.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito kila Aria.

"Hi, Im Katherine Williams."Pagpapakilala nito

"Kathyrine."Bulong naman ng katabi ko

"Lol. Ka.the.rine."Saad ko pa

"Kamukha niya si Ate Kathy."Naiusal na lamang niya

Fashion Show Practice

Kakatapos lang namin magpractice ng pagmomodel. Model dito. Model doon. Nakakapagod.

Naupo ako sa tabi ni Zyrus.

"Grabe noh! Nakakapagod."Saad ko

"Sobrang nakakapagod."

Napatingin agad ako sa nagsalita. Si Katherine.

"Hindi ako multo noh! Grabe ka magulat."Saad pa nito at tumawa

Yung tawang yan. Kilala ko yan.

"Hello, Talk to me kaya. Hindi ako hangin lang natitingnan mo."Saad pa nito at ngumiti

Yung ngiti niya. Kilala ko rin yan.

"Tss. Yeah. Ayun si Zyrus ohh!"Saad nito at tinuro si Zyrus na nakaupo habang nakadikwatro at nakatingin sa amin

"Paano mo siya nakilala? Ee hindi pa naman kayo nagkakausap."Naiusal ko na lamang.

"Idunno nga ee. Nung makita ko palang kayo ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa inyo. Brent."Saad niya at tumayo

Pinanuod ko pa itong lumakad, makipag-usap.

Paano niya kami nakilala?

End of Flashback ..

Tiningnan ko si Zyrus.

"At hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nakilala niya agad tayo kahit hindi pa naman natin siya nakakausap nun."Saad pa niya

"At napakagaan din ng loob niya sa atin."Naiusal ko na lamang

"Paano kung si Ate Kathy talaga siya? Tas yung kinirimate pala ay isang pekeng Ate Kathy lamang."Saad pa nito at dun ako napaisip

Paano nga kung si Kathy siya? Pero ang tanong paano niya kami nakilala? Hindi kaya?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon