SB : 28 (Date with him Part 2)

595 8 0
                                    

DeeJhay's Pov

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may tumapik sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya.

Pinagmasdan ko ito head to toe.

Parehas na parehas kami ng suot.

Nakaripped jeans din siya at nakawhite shirt na pinatungan niya ng Black Leather Jacket tas nakaheels siya.

"Hey."

Napabalik naman agad ako sa reyalidad.

"Hello."Saad ko at napakamot na lamang ako sa batok ng dahil sa hiya

Bakit ba ako nahihiya?

Ngumiti naman ito at saka naupo sa tabi ko.

"I dunno, why? Pero alam mo bang namiss kita?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit kita namimiss."Saad niya at saka ngumiti sa kawalan.

"Hindi ko alam pero, alam mo bang gusto kitang kasama araw-araw, oras-oras, minuminuto, at segundo."Saad niya at saka ako tiningnan sa mata

"Hindi ko rin alam pero alam mo bang para kang bakal at ako yung magnet, magnet na kailangan kang dikitan."Nakangiti niyang saad habang nakatingin sa mga mata ko

Wala akong masabi.

Ngumiti siya at saka tinapik ang pisngi ko.

"Tara na, Magdadate pa tayo diba?"Saad niya at saka tumayo

Tumayo na rin ako at saka kami naglakad papunta sa toy store?

Inilibot ko pa ang paningin ko para masiguradong toy store nga talaga ang pupuntahan namin.

"Wag ka ngang palinga linga, mukha kang ewan."Saad niya at saka pumasok sa toy store

Taka ko naman siyang sinundan ng tingin. Tiningala ko pa ang pangalan ng store kung tama ba ang pinasukan niyang store.

Toy store?

Anong gagawin namin dito?

Kahit na may pagtataka ay nagawa ko pa ring pumasok sa store.

Pagkapasok ko ay inilibot ko ang paningin ko para hanapin siya.

Nakita ko siya sa Barbie doll section, naglakad ako papalapit sa kanya.

"Can i have this one, please?"Saad niya habang nakaturo sa Barbie na maraming damit.

Tumango ang sales lady at saka umalis.

"Aanhin mo naman yan?"Takang tanong ko sa kanya

"Akala ko hindi ka na susunod sa akin papasok dito, mukha ka kasing ewan sa harap ng store kanina."Natatawa niyang saad at saka lumakad papunta sa ibang mga toys section.

Napansin pa niya yun?

Katherine's Pov

Mula sa kinatatayuan ko ay tatawa tawa kong pinagmasdan si DeeJhay.

Tss. Mamamatay na siya kakaisip kung bakit kami andito. Tss.

Hindi ba obvious na gusto kong bilhan ng mga laruan si Steffie.

Napailing na lamang ako, dahil sa mukha niyang hindi maipinta.

Tiningnan ko muna siya at saka nagtingin tingin pa ng pwedeng mabili na laruan.

••••

"Nakakabusog noh!"Saad niya habang nakahawak sa tiyan niya

Nginitian ko lamang siya at saka ininom ang juice ko.

Pagkatapos kong mamili ng laruan na para kay Steffie na pwedeng maibigay sa kanya ay dumiretso agad kami dito sa restaurant para kumain.

"May nabanggit sa akin si Inigo."Saad niya habang nakatingin sa labas ng restaurant.

"Ano yun?"Takang tanong ko sa kanya, kutob ko kasi ay tungkol sa akin yun.

"Bumaba ang rate ng Kathena ng umalis ka sa pagmomodela."Saad niya at saka ako tiningnan sa mata

"Siguro dapat kami ni Inigo ang mag-usap tungkol dyan."Saad ko at saka tinawag ang waiter para kunin ang bill

"Why? Hindi mo ba masasabi sa akin ang dahilan?"Sunod sunod niyang tanong

"Hmmm."Saad ko at saka binigay sa waiter ang bill

"Let's go."Saad ko at saka tumayo

Tumayo na rin siya at saka sabay kaming lumabas ng restaurant.

"This date is boring."Saad ko at saka tiningnan siya

"Gusto mong hindi maging boring?"Tanong niya at tumango ako

"Dadalhin kita sa Kathena."Saad niya at saka hinila papalabas ng mall

"Ano bang gagawin natin sa Kathena?"Tanong ko sa kanya pero ngiti lamang ang naitugon niya

What the hell?

Nang makarating na kami sa harap ng kotse niya ay agad siyang sumakay na ginawa ko rin.

Pinaandar niya agad ito paalis.

"Nagmamadali ka ba?"Tanong ko sa kanya

"Maybe no, Maybe yes."Nakangisi niyang saad habang nasa daan pa rin ang tingin niya.

Nang makarating kami sa Kathena ay pinark niya muna ang sasakyan niya.

Pagkapark niya ay bumaba na ako.

Paglabas ko ay pinagmasdan ko ang building na may 40 na palapag.

Binasa ko ang nakaukit na pangalan na nasa tuktok ng building.

Kathena Adorable.

Lalakad na sana ako ng bigla kong maramdaman na kumirot ang ulo ko.

Eto na naman!

Napapikit ako dahil sa sakit.

"She's happy now."

"Im happy for you, tinupad mo yung gusto niya."

What was that?

Sino yung babae at lalaki?

Hindi ko sila makita dahil parehas silang nakatalikod sa akin habang nakatingin sa ..

Tiningala ko ulit ang naukit sa pinakatuktok ng building.

Maybe the girl is Kathy?

But, who is the guy?

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon