DeeJhay's Pov
"Ito ang pang-apat na beses natin dito. Una, dinala kita rito. Pangalawa, sinurpresa kita rito. Pangtatlo, ako naman ang sinurpresa mo at pang-apat dito tayo kinasal."Nakangiti niyang saad
Nakaupo na kami sa couch habang ang iba nama'y nagsasaya.
"Paano si Gabriel?"Takang tanong ko
"Patay na si Gabriel. Sa totoo niyan, nasaktan ako nung namatay siya."Malungkot na saad niya
"Naguguluhan ako."Saad ko
Sumandal siya sa couch at saka pumikit.
"What's wrong?"Takang tanong ko pero umiling lang siya
Bumuntong hininga muna siya at saka nag-umpisang magkwento.
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Masyadong naging mabigat ang pinagdaanan niya.
Nakakalungkot lang isipin na isang taon siyang nawala sa akin tas ibabalik siya ng walang naaalala. Kung meron man, kakaunti lang.
"Gagawa na lang tayo ng bagong memories. Yung masasaya."Nakangiti niyang saad
Bumuntong hininga ako at saka ngumiti.
"Napakasaya ko."Saad ko at saka siya hinalikan
"May tent, baka gusto niyo dun."Biro ni Ethan
Ngumiti naman ako sa kanila at saka inalalayan tumayo si Kathy.
Hawak kamay kaming naglakad papunta sa tent na tinutukoy ni Ethan. Nang makarating kami ay agad kong binuhat si Kathy at saka dahan dahang inihiga sa kama.
Hinalikan ko siya at gumanti naman siya pabalik.
Maya maya ay bumaba na ang halik ko.
"Hmmm."Pag-ungol niya
•°•°•°•
(P.s. Sorry po, hindi po kasi ako marunong gumawa ng bed scene. Sorry po.)
Napangiti ako ng paggising ko ay siya agad ang nakita ko. Hinalikan ko siya sa noo at saka inayos ang pagkakakumot.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang lahat ng kiniwento niya sa akin kagabi. Wala ako sa tabi niya nung mga panahong nahihirapan siya.
Bumuntong hininga na lamang ako at saka bumangon. Nagbihis muna ako at saka lumabas ng tent.
Pagkalabas ko ay agad kong hinanap kung saan ang mini kitchen dito. Habang hinahanap ko ang mini kitchen ay napansin ko kung gaano kaganda ang venue.
Biglang sumagi sa isip ko yung mga panahong naging busy bigla sila Julia.
"Sorry tol, hindi talaga pwede eh."
"Naku! Deej. Busy kami ngayon eh."
"Sorry talaga bro. Bawi na lang kami."
"Sorry talaga, may hinahabol kasi kaming deadline eh."
Napailing na lamang ako. Bakit ba hindi ko sila nahalata? Tss
Maya maya pa ay nakita ko sila Diego kasama nila sila Athena.
"Yan na pala ang groom eh."Pag anunsyo ni Aria
"Napasarap yata kayo kagabi."Natatawang panunukso ni Kenjie
"Baka naman nakailan pa kayo ha."Biro naman ni Kenneth
"Naku! Gusto ko na maging ninang ha."Biro naman ni Abigail
"Magtigil nga kayo."Natatawa kong suway at saka naupo
"Napasarap yang mga yan eh. Tinamo yung isa tulog pa. Masyadong pinagod ni DeeJhay."Natatawang saad ni Diego
"Tinigilan niyo nga ako."Natatawa kong saad
"Dude, alam naman namin na namiss mo si Kathy pero yung pagurin siya grabe."Natatawang saad ni Alex
Tinawanan ko na lamang ang kalokohan nila at saka nag-umpisang kumain.
"Rinig ko pa yung Hmmm. Ahhhh. Uhmmm. Hmm fvck."Alex
"Ang baboy mo. Kumakain ako."Natatawa kong saad pero nagtawanan lang sila.
Lumipas ang oras, puro kwentuhan, tuksuhan lang ang nangyari. Tinutukso nila kami. Kesyo daw napapalakas ang ungol ni Kathy kaya daw naririnig nila.
Natutuwa naman sila pag naaasar ako. Mag-iiba sila ng topic pero hindi magtatagal ibabalik nila sa amin.
Hindi ko alam kung mga kaibigan ko ba sila o ano?
"Stop na nga. Kawawa na si DeeJhay oh."Natatawang saad ni Kira
Napairap na lamang ako.
"Alam mo Kira bakit hindi ka mag-asawa?"Natatawang tanong ni Gino
"Bakit mo ba pinapakiilamanan?"Mataray na balik tanong ni Kira
Lahat ay nagtawanan dahil sa sinabi ni Kira. Ang kwentuhan ay napuno ng tawanan puro mga katarantaduhan ang pinag-uusapan nila.
"Dyan muna kayo ha. Dalhan ko lang ng food si Kathy."Saad ko at saka binitbit ang tray pero bago pa ako makalayo ay narinig kong sumigaw si Alex
"BAKA IBA KAININ MO HA."
G*go talaga kahit kelan.
Nang makarating ako sa tent ay natutulog pa rin si Kathy. Inilapag ko muna sa mesa ang pagkain at saka naglakad palapit sa kama.
Naupo ako sa kama at saka sinimulang halikan sa buong mukha si Kathy.
"Hmmm."
"Wake up na."Saad ko
Minulat niya ang mata niya at saka siya bumangon.
"Good morning."Masayang bati niya at saka niya ako siniil ng halik
Gumanti naman ako pabalik.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Kayo na po humusga kung maganda or what.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.