Katherine's Pov
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aria ay agad din akong lumabas ng opisina niya para hanapin si DeeJhay.
Nasaan ba kasi siya?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya palapit sa akin.
"Saan ka galing?"Tanong ko dito pero nginitian niya lang ako
"Saan ka nga kasi galing?"Tanong ko ulit dito pero wala akong natanggap na sagot.
"Tara."Saad niya at saka ako hinila pa kung saan.
May nadadaanan kaming mga empleyado nitong Kathena at pinagtitinginan kami.
Maya maya pa ay tumigil kami sa isang malaking pinto.
Taka ko naman siyang tiningnan pero nagkibit balikat lang siya at saka pumasok dito.
Nakatingin lamang ako sa malaking pinto ng bigla ko na namang maramdaman ang kirot ng ulo ko.
"This is the photoshoot room."
"Smile Steffie, smile."
"Mwuaahh. Mommy loves you."
Napakapit na lamang ako sa doorknob ng pinto.
Ano yun?
Napapikit ako dahil sa kirot na nararamdaman ko.
Kailangan ko na sigurong magpacheck up.
Nasa ganun akong posisyon ng maramdaman kong konti na lang babagsak na talaga ako.
Imumulat ko na sana ang mata ko ng biglang nagblur lahat ng nasa paligid ko.
Napahigpit ang kapit ko sa doorknob.
"Miss, Are you okey?"
Tiningnan ko kung sino pero blur na lang ang nakikita ko.
Napapikit ako sa kirot na nararamdaman ko.
"Miss."
Minulat ko ang mata ko at saka siya tiningnan.
Hindi ko alam pero bigla na lamang nanlaki ang mata niya.
"Romce."
DeeJhay's Pov
Pagkapasok ko ng Photoshoot Room ay agad akong dumiretso sa camera at saka tiningnan kung ayos na.
"Katherine, Pwesto ka sa gitna. Please."Saad ko habang inaayos ko lens ng camera
"Kat---"Naputol ang sasabihin ko ng mapagtanto kong ako lang pala ang andito
Nasaan yun?
Iniwan ko muna ang camera sa stand nito at saka naglakad papunta sa pinto.
Saktong pagkabukas ko ay nakita ko si Romce may buhat buhat na babae.
"Sino yan?"Takang tanong ko sa kanya
"Kathy?"Patanong niyang saad
"Huh?"Naiusal ko na lamang
"I know she's dead but look."Romce sabay pakita ng mukha nung babaeng buhat niya
"Katherine."Saad ko at saka siya kinuha kay Romce
"Anong ginawa mo?"Tanong ko dito
"Hmm. Papunta sana ako sayo tas nakita ko itong si Katherine ba?"Romce "Namiss kasi kita bro."Saad nito at saka umakbay sa akin
"Damn you! Anong ginawa mo?"Tanong ko ulit dito
"I saw her, So nilapitan ko. Tinanong ko kung okey lang ba siya. Pero tiningnan niya lang ako at saka pumikit. Nung una hindi ko pa masyadong nakikita ang kabuuan ng mukha niya pero nung minulat niya ang mata niya. Dun na nanlaki ang mata ko."Naaamaze niyang pagkekwento "Tas alam mo bang tinawag niya ako or should i say binulong niya yung pangalan ko, pero narinig ko."Romce
Tiningnan ko siya at saka ko tiningnan itong buhat buhat ko.
Sino ka ba talaga?
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating sila Mikaela.
"Rom---"Naputol ang sasabihin ni Mikaela ng makita niya ang buhat buhat ko
Inirapan ko lang ito at saka lumakad papunta sa opisina ni Kathy dati.
Pagkarating ko sa tapat ng opisina ni Kathy ay agad ko itong sinipa para mabuksan.
Pagkapasok ay agad kong binaba sa sofa si Katherine.
Inayos ko ang higa nito para hindi sumakit ang katawan pagkagising.
Pagkatapos ko siyang ayusin ay binuksan ko ang aircon at saka lumabas na.
Paglabas ko ay nadatnan ko sila Romce.
"Anong tingin naman yan ha?"Iritable kong tanong sa mga ito
"Kaya pala hindi mo kami nasundo because of her."Nakangising saad ni Gino
"Tss."Naiusal ko na lamang
"Pero sabi ni Ethan, nagdate daw kayo. Totoo?"Nakangising tanong ni Angelo
"She's look like Kathy."Nakangiting saad naman ni Ella
"But she's not Kathy, She's Katherine. I am right? Or i am right?"Nakangising saad ni Yna
"Btw, were here because of Annika's Birthday party."Kenjie
"At sa Rest house nila Julia ito gaganapin sa Tagaytay."Saad naman ni Patrick
Sa dami ng nasabi nila, ano namang masasabi ko? Tss.
Inilibot ko ang paningin ko at dun ko lang napansin na wala si Ronnie.
"Nasaan si Ronnie?"Tanong ko sa mga ito
"Dadating daw siya bago magbirthday si Annika."Mikaela
"Hmm. Next month pa bago ang birthday ni Annika. Napaaga ata kayo ng uwi?"Takang tanong ko sa mga ito
"Tss. Lagi namang ganito ang set up ng pag-uwi namin ahh. Naninibago ka pa rin hanggang ngayon o?"Nakangising saad ni Romce
"O talagang hindi mo na matandaan na ganito lagi ang set up ng pag uwi namin dahil sa kanya."Nakangisi namang saad ni Kenjie
"Manahimik nga kayo."Saad ko sa mga ito at saka nagtungo sa table ni Miles
"Pag nagising siya sabihin mo may pinuntahan lang ako."Saad ko at saka naglakad.
Nilingon ko pa sila Romce bago sumakay ng elevator.
Nakatingin lamang sila sa akin habang nakangisi.
Tss.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.