DeeJhay's Pov
Tiningnan ko si Ethan. Nakaupo ito sa tabi ng kama ni Katherine.
Kanina pa nailipat si Katherine ng kwarto. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ethan sa doctor kanina.
Kelan pa siya naging fiance ni Katherine? At sa pagkakaalam ko si Gabriel Barreto ang fiance ni Katherine.
Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang tumayo si Inigo.
"Saan ka pupunta?"Takang tanong ko dito
"Bibili ako ng makakain at saka kukuha ng damit ni Katherine sa bahay nila."Inigo lalabas na sana siya ng magsalita si Ethan
"Bumili ka na lang ng pagkain. Ako na bahala sa damit niya, bibili na lamang ako."Saad nito at saka tumayo
"Bantayan mo muna siya."Saad ulit nito at saka lumabas kasama si Inigo
Tumayo naman ako at saka naglakad palapit sa kama ni Katherine.
Pinagmasdan ko lamang ang maamo niyang mukha. Siguro kung hindi ko siya kilala iisipin kong si Kathy siya. Pero hindi ee.
Kung pwede lang sanang humiling. Hihilingin kong sana siya na lang si Kathy.
"Babalik ako." Bulong ko rito at saka lumakad palabas ng kwarto
Nang makarating ako sa parking lot ng hospital ay agad akong sumakay sa kotse.
Pinaandar ko ito papunta kung saan ko siya makikita.
Nang makarating ako ay agad kong pinark ang kotse at saka bumaba.
Lumakad ako papunta kung saan siya naroroon.
Nang makarating ako ay agad akong naupo sa damo at saka pinagmasdan ang lapida niya.
"I miss you. Alam mo bang may nakilala akong babae. Kamukhang kamukha mo siya."
Tas naramdaman ko namang nag-init ang tagiliran ng mata ko.
I miss her so much.
Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may lumapit sa aking bata.
Tiningnan ko ito,
"Kuya, buhay po si ate."Saad nito at saka tumalikod at naglakad palayo
Tiningnan ko ang lapida ni Kathy bago ko ulit tiningnan ang batang naglalakad palayo pero bigla itong naglaho na parang bula.
Pinikit ko ang mata ko at saka minulat muli. Pero wala na talaga yung bata.
Muli kong tiningnan ang lapida ni Kathy.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi ng bata.
Maaari kayang totoo ang sinabi ng bata?
Ethan's Pov
Isang linggo na siya hospital, pero hindi pa rin siya gumigising.
Isang linggo na rin ng huling dumalaw si DeeJhay. Naging tuliro siya ng mga nakaraang araw.
Naaawa na ako kay Steffanie dahil kahit si Inigo ay hindi siya maalagaan nito. Kung wala sila Angelo ay hindi malilibang ang bata.
"Sana, sana gumising ka na."Bulong ko rito at saka hinalikan ang noo nito
Laging ganun ang ginagawa ko, nagbabakasakaling magising na siya.
DeeJhay's Pov
Isang linggo na mula noong huli kong dalaw kay Katherine.
Isang linggo na rin mula noong huli kong punta sa puntod ni Kathy.
At isang linggo na ring bumabagabag sa akin ang sinabi ng bata noong huli kong punta sa sementeryo.
Tiningnan ko ang litratong nakadisplay sa side table ko. (See the multimedia)
Nasa ganun akong posisyon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Tiningnan ko kung sino.
"Steffanie, please not now."Saad ko at saka nagtaklob ng kumot
Pipikit na sana ako ng marinig ko ang sinabi ni Steffanie.
"If Mommy Kathy is still alive, all of us are happy now."Rinig kong saad nito bago ko narinig ang pagsarado ng pinto
Sorry Stef.
Inigo's Pov
Pababa na ako ng hagdan ng makarinig ako ng ingay na nanggaling sa kwarto ni Steffie.
Agad agad akong tumakbo papunta doon. Pagkadating ko ay nakita ko ang nakaawang na pinto ni Steffie.
Binuksan ko pa yun para makita kung ano ang nangyayari.
Nakita ko ang nakakalat at basag basag na babasagin.
Inilibot ko ang mata ko at nakita ko si Steffie. Nakaupo ito sa sahig sa sulok ng kwarto niya at may hawak na hawak na frame.
"Mommy Kathy, Bakit po ganun si Daddy DeeJhay? Kahit po si Daddy Inigo? Wala na po silang oras para sa akin. Alam niyo po bang nagawa kong basagin lahat ng babasagin dito sa kwarto ko. Siguro po ay nadala lang po ako ng emosyon. Hindi po ako nagagalit sa kanilang dalawa. Siguro po ay tampo, meron. Alam niyo po bang pinuntahan ko si Daddy DeeJhay sa kwarto niya, nakita ko po siyang nakatingin sa picture niyong dalawa. Maybe he miss you."Pagkekwento nito sa hawak na frame na sigurado akong may lamang litrato ni Kathy.
Ngumiti ako ng mapait at saka ako lumakad palapit kay Steffie.
Nagulat pa ito ng makita ako. Ngumiti ako dito at saka lumuhod sa harap niya't niyakap siya.
Sorry, my daughter.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Ohohhh! Im crying now 😭😭 Char.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.