SB : 31 (Kathy's Office)

693 9 0
                                    

Katherine's Pov

Nagising ako sa nagriring na phone. Minulat ko ang mata ko at saka bumangon. Tiningnan ko sa bag ko kung yung akin ba ang nagriring. Pero hindi.

Ring pa rin ito ng ring.

Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang isang tao.

Nakahiga ito sa isang mahaba pang sofa.

Tumayo ako at saka lumapit dito.

Lumuhod ako sa sahig at saka pinagmasdan ang maganda niyang mukha.

Napakakinis ng mukha niya.

Hinaplos ko ito hanggang sa tumigil ako sa labi.

Tinitigan ko ito. His lips.

"Napakaswerte niya sayo."

Bulong ko at saka siya hinalkan sa noo.

Tumayo na ako sa pagkakaluhod. Inilibot ko ang paningin ko at dun ko lang napagtanto kung nasaan kami.

Nasa opisina ng taong mahal niya.

Lumakad ako papunta sa table ni Kathy. May nakadisplay na frame dito. Pictures niya at ni Steffie.

Tiningnan ko naman ang wall na punong puno ng mga masasayang memory.

May malaking frame na nakasabit sa gitna ng wall. At sa tingin ko, Siya ito at ang mga magulang niya. Kamukha niya ang mommy niya. May malaki ding frame na nakasabit at may nakaukit sa baba nito.

Lumapit ako at binasa ang nakaukit. Red Scorpion Gang. Tiningnan ko pa ang isang frame sa tabi nito, katulad nito ay may nakaukit din dito na Onyx Gang. Ang iba naman ay litrato nila DeeJhay at Litrato niya.

Pero may isang napukaw ang paningin ko. Isang frame kung saan na nakalagay ang litrato niya kasama ang isang babae. Lumapit ako dito at saka ito pinagmasdan. Katulad nung dalawa ay nakaukit din dito Athena and Kathy. (See the multimedia.)

Siya si Athena.

Tinitigan ko ito.

"No, wear this para naman parehas tayo."

"No way."

"Sige na kasi Kathy. Please."

"Tss. Sige na nga."

Napahawak ako sa ulo ko at napakapit na lamang ako sa frame na nasa harap ko.

Shit.

Pinikit ko ang mata ko at saka hinilot ang sintido ko. Nang mawala na ang sakit ay minulat ko na ang mata ko at saka muling tiningnan ang litrato sa harapan ko.

Nasa ganun akong sitwasyon ng bigla na lamang may nagring.

Napalingon naman ako kung nasaan si DeeJhay.

Lumakad ako palapit dito at saka kinuha sa tabi niya ang phone niya.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag.

Calling Gabriela.

Sino naman ito?

Sasagutin ko na sana ng biglang namatay ang tawag.

Inis ko itong binalik sa tabi ni DeeJhay. Lumakad ako papalapit sa sofa kung saan ako nakahiga kanina at saka kinuha ang bag ko.

Pero bago ako lumakad palabas ng opisina ni Kathy ay nilingon ko ito.

Ethan's Pov

Hinihintay ko ngayon si Katherine na bumaba. Tinext ako nito na sunduin ko daw siya sa Kathena.

Ang tagal niya ahh.

Sumandal ako sa kotse ko at saka sumipol sipol.

Gabi na pero andyan pa rin siya sa Kathena.

Nasa ganun akong sitwasyon ng bigla kong makita si Katherine papalapit sa akin.

Mukha itong bagong iyak?

Umayos ako ng pagkakatayo. Pinanuod ko lamang itong lumapit sa akin.

Nang makalapit ito sa akin ay bigla na lamang niya akong niyakap.

"I dont think, if i am okey?"Saad nito habang nakayakap ito sa akin

"Why?"Naiusal ko na lamang

Naramdaman ko namang nababasa na ang balikat ko.

"Bakit ka umiiyak?"Tanong ko dito pero hindi niya ako sinagot

Iimik na sana ako ng makita ko si Gabriela kasama si DeeJhay. Nakaakbay si DeeJhay dito.

Tumingin siya sa akin at saka kay Katherine na nakayakap pa rin sa akin.

Tinagtag ko ang pagkakayakap ni Katherine sa akin. Tumingin muna ako kay DeeJhay na kasalukuyang nakatingin na sa amin. At saka ko tiningnan si Katherine.

Hinaplos ko ang pisngi nito. Nagulat ako ng ngumiti sa akin si Katherine at mas lalo ko pang kinagulat ang sunod na nangyari.

Hinalkan ako nito at di kalaunan ay bumalik ako sa halik nito. Maya maya pa ay siya na rin ang kumawala.

Ngumiti muna ito sa akin at saka pumasok sa kotse.

Napatingin naman ako kay DeeJhay na masama na ang tingin sa akin habang nakakuyom na ang kamao.

Nginisian ko muna ito at saka lumakad papunta sa driver seat.

Napangisi ako sa aking naisip.

Unti-Unti na silang nagkakahulugan sa isa't isa.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Sorry for short update.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon