Gabriel's Pov
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Abby.
Nakikipagtitigan ako sa kisame ng maramdaman kong may pumasok.
Tiningnan ko lamang ito at tumitig na sa kisame.
"Staring game? Kalaro kisame?"Natatawa niyang tanong
Inis ko siyang tiningnan at saka bumangon.
"Alas dose ng tanghali dito ang alis mo ahh. Bakit hindi ka pa naghahanda?"Takang tanong ko dito
"May nakalimutan kasi akong itanong ee."Saad niya
"Ano yun?"Takang tanong ko naman dito
"Bakit ba andito sa florida?"Tanong niya
Pinaningkitan ko siya ng mata at nagpeace sign naman siya.
"Sa pagkakatanda ko kasi ang paalam mo este natin pala ay America, ee hindi naman ito America ahh."Saad pa niya
Babatuhin ko na sana siya ng unan ng bigla ulit siyang magsalita.
"Eto na talaga, Alas dose ng tanghali dito ang alis ko at ang lapag ko sa pinas ay alas dos ng madaling araw diba?"Paniniguro niya at tumango na lamang ako
Pero hindi niya nakita dahil busy siya kakakutingting sa phone niya.
"Hey, Ano yang kinakukunot ng noo mo?"Tanong ko sa kanya ng mapansin kong nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa phone niya.
Imbis na sagutin niya ako ay inabot niya ang phone niya at nakita ko ang mga litratong kuha ng isa sa mga fans niya ata.
Namimili siya ng damit panlalake?
Kumain kasama yung lalake?
Kalalabas ng sine?
Parehas nakahawak sa tulakan ng cart?
Tinitigan kong maigi yung mukha nung lalake.
Siya yung Fiance Niya.
Abby's Pov
Tiningnan ko si Gabriel bago lumabas ng kwarto niya.
Para siyang timang habang inaabot sa akin ang phone ko.
Pero sino kaya yung lalaking kasama ni Kath?
Bakit parang nakakita ng multo si Gabriel ng makita niya ang litrato ni Kath kasama yung lalaki?
Pumasok ako sa kwarto ko at nag-umpisa ng mag-impake.
Kanina pa naman kasi akong ligo at nakabihis ang kaso lang tinamad akong unahin ang pag-iimpake.
Pagkatapos kong mag-impake ay inayos ko ulit ang sarili ko at saka bumaba.
Hindi na ako nag-abala pang magpaalam kay Gabriel.
Bakit pa ako magpapaalam kung siya yung may sabi na umuwe ako ng pinas?
Tss.
Bago ako lumabas ng bahay ay pimagmasdan ko muna ang litrato naming magkasama.
"I miss you."
Bulong ko at saka lumabas ng bahay.
Sinakay ko muna ang gamit ko sa trunk at saka sumakay sa kotse at pinaandar ito papuntang airport.
Katherine's Pov
Nagising ako ng maramdaman kong may tumapik sa akin.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
"Good morning."Nakangiti niyang saad
"Ang aga pa ahh."Inaantok kong saad
"It's already five in the morning. Hurry up. Magjojogging tayo."Saad niya
Bumangon ako at tiningnan siya.
"Ano pang tinitingin tingin mo? Sige na. Magbihis ka na."Saad niya at lumabas ng kwarto ko
Naghilamos, nagmumogmog, nag-ayos ng sarili at saka nagbihis ng black na sport bra tas pinatungan ko ng jacket na itim at saka nagleggins na black. And im done.
Saktong pagbaba ko ay may nakahanda ng tubig si Abby.
"Let's go."Pag-anyaya niya at napatango na lamang ako at saka sumunod sa kanyang lumabas.
Habang nagjojogging kami ay hindi maalis sa isip ko ang mga napapanaginipan ko.
Bawat araw ay ibang panaginip. Para bang yung mga napapanaginipan ko ay may pinapaalala or something.
Nang hingalin kami ay naupo kami sa bench dito sa park.
Uminom ako ng tubig at hindi ko naiwasang mapatingin kay Abby.
"Abs."Pagtawag ko dito
"Hmm."
"Anong oras na?"Wala sa sarili kong tanong
Agad naman itong napatingin sa akin.
"Bakit mo natanong? May lakad ka ba?"Sunod sunod niyang tanong
"Wala naman, hindi pa kasi sumisikat yung araw ee."Saad ko na lamang
Biglang pumasok sa isip ko yung napanaginipan ko kanina.
Nasa napakagandang garden sila, nakaupo sa damuhan at pinanunuod nila ang paglubog ng araw.
Hindi ko makita ang mga mukha nila pero nasisiguro kong babae at lalaki yung nasa panaginip ko.
Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang magpaalam si Abby na bibili lamang daw siya ng pagkain dahil nagutom siya.
Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro, nagsslide sila at inaalalayan sila ng mga yaya nila.
Biglang sumagi sa isip ko si Steffie.
Napailing na lamang ako sa kawalan.
Bakit sa tuwing makakasama ko yung bata yun ay ang gaan gaan ng loob ko sa kanya?
Napabuntong hininga na lamang ako at pinanuod ang mga batang masasayang naglalaro.
Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may lumapit sa aking bata at abutan ako ng cotton candy.
"Maaga pa para sa pagkain nito, hindi ka ba mamumura ng Mommy mo?"Tanong ko dito at umiling naman siya
"Ninang Kathy."Saad ng batang kaharap ko
"Im Katherine. Not Kathy."Mahinahon kong saad pero umiling lang siya
"Im Annika, Julia and Diego's Daughter. You didn't remember me, Ninang?"Tanong nito sa akin at mas lalo akong naguluhan
Julia and Diego's Daughter?
Annika?
Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo, napahawak ako dito habang nakatingin sa batang nagpapakilalang Annika.
"You look beautiful Ninang."
"I love your designs Ninang."
"Im Annika Loyzaga, Your Assisstant Fashion Designer."
Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko at sa visiong nagpakita sa akin.
Pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero tuwing imumulat ko ito ay lalong sumasakit ang ulo ko.
"Are you okey, Ninang?"Rinig kong tanong nung Batang nagpapakilalang Annika
Hindi na ako makasagot sa tanong niya.
Biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko na parang gusto nitong matulog muna.
Naramdaman ko na lamang na nakahiga na ako sa bench na kinauupuan ko at bago dumilim ang paligid ko ay narinig ko pa ang pagtawag ni Abby.
"Annika."Naiusal ko na lamang at dun na nagdilim ang paligi ko.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
O to the M to the G. OMG!
Ano kaya yung mga vision at panaginip niya?
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.