SB 08 : Family Day

785 11 0
                                    

DeeJhay's Pov

Maaga ako nagising. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakakafeel ako ng excitement. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Daddy DeeJhay."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Si Steffanie.

"Good Morning Baby."Saad ko pagkalapit niya

"Good Morning Daddy DeeJhay."Saad naman niya at saka ako hinalkan sa pisngi.

"Saan nga pala kayo galing ng Daddy Inigo mo kahapon?"Tanong ko sa kanya.

"Nagmall po kami."Magalang niyang saad.

"Bakit?"Takang tanong ko

"Bumili po kami ng pathank you gift para sa magiging mom ko ngayong araw."Saad niya

"Ahh."Naiusal ko na lamang.

Umupo siya sa lap ko at nakangiting tumingin sa akin.

"Alam mo po ba Daddy DeeJhay, Me, Daddy Inigo and Tita Katherine are bonding together."Nakangiti niyang saad.

"Pero nung pinakilala po ako ni Daddy Inigs kay Tita Katherine. Bigla pong sumakit yung ulo niya. Buti nga po at hindi siya nahimatay ee."Malungkot naman niyang saad.

"But, I'm happy po kasi naging close po kami agad kahit na hindi po kami masyadong magkakilala. Tas alam niyo po ba ang gaan gaan ng loob ko po sa kanya. I thought she's my mom but mali po ako."Saad pa niya

"If your Mommy Kathy is alive. Matutuwa siya sayo."Naisaad ko na lamang at napangiti naman siya.

"Liligo na po ako Daddy. Baka po malate tayo."Saad niya at saka umalis sa pagkakaupo sa lap ko.

"Ligo na din po kayo, Papogi po kayo ha!"Saad niya at kininditan pa talaga ako bago siya lumakad paakyat sa kwarto niya.

Tsk. Tsk.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko ay biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya.

"But i assure it's a mystery dream at kasama ka dun."

Anong ibig mong sabihin?

Na napapanaginipan niya ako?

Tss. Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala ako. Agad akong pumasok sa c.r at naligo.

***

Habang nasa biyahe kami papunta sa school ni Steffanie ay daldal lang siya ng daldal. Habang ako naman ay iniisip kung sino ang Mom niya kuno for Today.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa school na pala kami. Bumaba agad siya kaya dali dali rin akong bumaba.

Humawak siya sa kamay ko at nung papasok na kami sa loob ay biglang may pamilyar na boses ang tumawag kay Steffanie.

"Steffie."

Wag mong sabihing siya yung Mom niya for today.

Dahan dahan kaming lumingon at nakita ko lang naman ang isang anghel. Nakabutton up sleeves siyang puti at ripped jeans tas nakaheels.

At dun ko lamang napagtantong parehas kami ng suot. Tiningnan ko ang sarili ko at parehas talaga kami.

What the heck?

"Hey, Nice your here."

Napabalik ako sa reyalidad ng bigla siyang nagsalita. Tiningnan ko ito. Yung kaninang 10 kilometrong layo niya sa akin ay 2 kilometro na lang ngayon.

Nakangiti ito habang hawak hawak niya sa isang kamay si Steffanie.

Steffie? Yun ang tawag ni Kathy sa anak niya ahh.

At tinawag din siyang Steffie ni Katherine.

"Hoy! Are you okey?"Nag-aalala niyang tanong.

"Im okey. Let's Go."Pagyayaya ko

Hinawakan ko sa kabilang kamay si Steffanie at naglakad na kami papasok ng school.

Habang naglalakad kami papunta sa room ni Steffanie ay pinagtitinginan kami na akala mo'y artista.

Marami kaming nadadaanang mga booth na pambata. May mga stall din ng mga pagkain. Tulad na lamang ng mga kwek-kwek, fishball, kikiam at iba pa.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa room ni Steffanie.

"Mr.Padilla, Good Morning."Pagbungad ng teacher ni Steffanie

"Good Morning."Saad ko pero hindi na siya sa akin nakatingin.

"Mukhang bago ang Mommy ni Steffanie ngayong Family day."Nakangiting saad nito at saka tumingin sa akin. "Pwede mo ba siyang ipakilala sa akin? Mr.Padilla."Nakangiti pa nitong saad

Iimik na sana ako ng maunahan ako ni Katherine.

"Katherine Williams. You can call me Kath if you want."Nakangiting pagpapakilala niya.

"Kathe--rine?"Uutal utal nitong saad

"Yes, Mam. Katherine."Nakangiti pa rin niyang saad

"Mauna na ako sa inyo."Pagpapaalam nito.

Nagkatinginan naman kami ni Katherine at saka nagkibit balikat.

"Weird."Rinig kong bulong niya sa saka naupo sa tabi ni Steffanie.

Naupo na din ako. Bali ganito ang pwesto namin.

Ako •°• Katherine °•° Steffanie

Tama, Katabi ko siya.

Nag-umpisa na ang programa, Speech dito, Speech doon. Tiningnan ko si Katherine. Nakikinig ito sa mga sinasabi ng guro ni Steffanie.

Kung buhay pa siguro si Kathy, sure akong ganyang ganyan din siya tulad mo. Nakikinig sa mga sinasabi ng guro ni Steffanie.

Pero patay na siya kaya sila Kira yung gumagawa ng dapat ginagawa niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay niya. Pinapakita ko sa kanilang natanggap ko na, pero sa loob loob ko hindi ko pa rin tanggap. Kinakaya ko para kay Steffanie.

Napabalik ako sa reyalidad ng bigla kong maramdaman na may humawak sa kamay ko.

Tiningnan ko ito at saka nag-angat ng tingin sa humawak nito.

"Kanina pa tapos yung program, at kanina ka pa ring tulala."Nakangiting saad nito at saka tinagtag ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tumayo na ako at nagyayayang mag-gala sa mga booth.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon