Cola's Pov
Hindi ko akalain na sasaksakin ni Kira si Katherine.
Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Anong ginagawa niyo sa UB?"Walang gana niyang tanong
"Para ipaalala ang lahat?"Patanong kong tugon sa kanya
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Nababaliw ka na ba?"Iritable niyang tanong
Ngumisi naman ako sa kanya na mas kinainis niya.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo."Irita niyang saad
"Alam ko ang ginagawa ko, gusto kong makatulong para maalala niya na ang lahat."Walang gana kong saad
"Kapahamakan ang dala ng pagbabalik ng alaala niya."Diin niyang saad at saka naglakad palayo
Nakangisi akong pinagmamasdan siyang maglakad, wala ka pa ring pagbabago BP A.
"Hindi ko akalaing buhay pala siya?"
Bigla naman akong napatingin kay Mon.
"Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko sa kanya
"Ang pagkakaalam ko patay na siya, hindi ko naman akalaing nabubuhay pala ang patay."Natatawa niyang saad
Iimik na sana ako ng biglang lumabas ang doctor mula sa ER.
"Doc, Kamusta na po siya?"Nag-aalala kong tanong
"Stable na ang lagay ng pasyente pero malalim ang sugat niya kaya kailangan niya ng pahinga."Saad nito at saka naglakad palayo
"Thanks god."Bulong ko at saka siya sinilip sa ER
Kailangan mong maalala ang lahat bago pa mangyari ang hindi inaasahan.
•°•°•°•
Dalawang araw na simula nung may nangyari kay Katherine at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising.
"Pwede ba, umalis ka na! Bago pa may makakita sayo at bago pa magising si Kathy."Inis na saad ni Taylor kay BP A
"Can you please shut your mouth? Ang ingay mo."Iritable namang saad ni BP A
"Kayong dalawa parehas na lang kaya kayong lumabas ng sa gayon manahimik naman kahit isang minuto lang ang kwartong ito."Inis na saad naman ni Mon at saka nahiga sa couch at nagtaklob ng unan.
"Tsk."BP A at agad lumabas ng kwarto ni Katherine
"Edi tumahimik."Saad naman ni Taylor
"Bakit ba kayo nandito?"Tanong ko sa mga ito
Kahapon pa silang andito at hanggang hanggang ngayon hindi pa rin sila umuuwi.
"Dinadalaw syempre. Hindi ba obvious?"Sarkastikong saad ni Taylor
"Pwede ba! Kayo namang dalawa ang nag-ingay. Kung magising man si Kathy dahil sa inyo yun."Inis na saad ni Mon at saka ibinato sa amin yung unan niya.
"It's Katherine not Kathy."Walang emosyong saad ko
"Maybe she's not Kathy now, but soon she will Kathy Fernandez. If she will find out who she is? Her true identity."Nakangising saad ni Mon
"Minsan talaga mas leader ka pa sa kanya noh!"
Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko
Pero ngumisi lang siya at saka diretsong pumasok ng kwarto at naupo sa tabi ni Mon.
"Ano pa nga ba? Dinadalaw ang Reyna."Nakangisi nitong saad
"Dinadalaw mo siya? Ee, hindi ka nga niya matandaan ee."Saad ni Mon
"Hindi niya nga ako natatandaan pero alam kong kilala niya ako."Nakangisi nitong saad
Dahan dahan itong lumapit sa kamang hinihigaan ni Katherine.
"Inaantay na nila ang pagbabalik mo Queen."Saad nito habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa harapan niya
"Alam kong madami ka pang tanong na hindi na sasagot, mga alaalang hindi mo pa naaalala pero ang lahat ng yun, sa paggising mo masasagot."Saad nito at saka humarap sa amin
"Sabihin niyo na sa kanya ang dapat niyong sabihin dahil sa pagbabalik niya, magbabalik na ang Reyna."Nakangisi nitong saad at saka lumabas ng kwarto
Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil sa sinabi niya.
"Walang hiya talaga yang Aria'ng yan noh!"Inis na saad ni Taylor
"Paano nga kaya kung sa paggising niya maghanap na siya ng sagot sa mga katanungan niya? Paano kung biglang isang araw magbalik na siya? Paano kung yung dating walang pusong Reyna ay biglang bumalik?"Sunod na sunod na tanong ni Taylor na ikinatawa naman namin ni Mon
"Edi maayos kung ganun, dun naman kasi natin siya nakilala diba?"Nakangising saad ni Mon
Iimik pa sana ako ng bigla kaming mapatingin kay Katherine.
Palinga linga ang ulo nito pero nakapikit pa rin siya. (Paintindi na lamang po, Mianhae. Yun po yung pag nanaginip ng masama or something basta po ganun.)
Dali dali kaming lumapit sa kanya at saka siya tinapik tapik pero hindi pa rin siya nagigising.
"Hey, Wake up."Saad ko at saka tinapik tapik ang pisngi nito
"Tumawag ka ng nurse, doctor."Sigaw ni Mon kay Taylor
Lalabas na sana siya ng kwarto ng biglang ...
"Athena."
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Who's BP A?
Sino ang/mga nag-aantay sa pagbabalik ni Queen?
Abangan sa mga susunod na Chapters. Mwuaah.
Xoxo.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.