SB : 54 (She knew the truth)

510 7 4
                                    

Katherine's Pov

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng makalapit ako sa pader kung saan nakapaint ang pangalang Katherine Williams

Sa baba ng pangalang yun ay may nakasulat na By:Gabriel tas may heart pa.

Agad kong nailibot ang paningin ko. Tinitigan ko ang malaking portrait na nasa taas ng headboard ng kamang ilang taon ng hindi nagagamit.

Siya. Siya ang totoong nagmamay-ari sa pangalang Katherine Williams.

Bakit? Bakit mo nagawa ang lahat ng ito Gabriel? Bakit mo nagawang ipahiram ang pangalan ng babaeng nasa harap ko ngayon? Bakit mo nagawang ilihim ang lahat ng ito? Bakit?

Biglang namuo ang luha sa aking mga mata. Napalunok ako ng dumapo ang paningin ko sa isang cabinet na punong puno ng litrato niya, nila.

Agad akong naglakad patungo dun at saka pinagmasdan ang mga litratong nasa harap ko ngayon.

Abby,Gabriel at ang totoong Katherine. (See the multimedia)

Biglang pumasok sa isip ko ang litratong nakita ko sa kwarto ni Abby. Yung files sa laptop niya. Yung private cemetery sa Florida.

Ngayon alam ko na ang lahat.

Hindi ko alam kung paanong nakapunta ako sa kama niya ng hindi ko man namamalayan.

Naupo ako at saka pinagmasdan ang litrato nilang dalawa na nakalagay sa side table niya.

"Sorry."

Yun lang ang nasabi ko ng biglang tumulo na ng tuluyan ang luhang pinipigilan ko kanina pa.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sakit. Galit. Hindi ko alam.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may pumasok.

Tiningnan ko ito, nakita ko ang gulat sa mata niya pero agad niyang inalis ng makita niya ang kalagayan ko.

"Katherine."Saad niya at saka agad na lumapit sa akin.

"It's Kathy not Katherine."Nauutal kong saad

Agad niya akong niyakap.

"Ssssssh. Don't cry."Saad niya pero hindi pa rin ako matigil.

Bigla kong naalala yung mga tanong sa akin noon ni Abby.

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"

"Wala ka bang nakikitang image or something?"

"Ahh. One year ago na nga nung nangyari yung car accident. Wala ka bang naaalala?"

One year ago?

"Are you okay now?"Tanong niya at saka inalis ang pagkakayakap sa akin.

Umiling lamang ako at saka tiningnan ang mga taong nasa harap ko.

"I need to go."Naisaad ko na lamang at saka dali daling lumabas ng kwarto

Lakad takbo ang ginawa ko marating ko lamang ang sasakyan ko. Rinig ko ang pagtawag nila pero wala na akong balak pang lingunin sila.

Nang marating ko ang kotse ay agad akong sumakay. Inilapag ko naman sa back seat ang laptop.

Tiningnan ko muna ang bahay at saka nilisan ang lugar.

Kung ano-anung tanong ang pumasok sa utak ko.

Why did you do this to me? Why?

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Bigla ko na lamang naramdaman ang panglalabo ng paningin ko hanggang sa .....

Boooooooogsh

James's Pov

Pinagmasdan ko na lamang ang pag-alis ng sasakyan niya.

"Sundan natin siya."Saad ni Kira

Agad akong napatingin sa kaniya.

"Kailangan niya tayo ngayon."Saad naman ni Inigo

"She already knew the truth."Saad ni Aria

"But hindi niya pa naaalala ang lahat."Saad naman ni Ronnie

"At yun ang dapat niyong pigilan."

Agad kaming napatingin sa nagsalita.

"What the hell are you doing here?"Inis na tanong ni Aria kay Diamond.

Si Diamond ang kanang kamay ni Emerald.

"Pinipigilan kayo."Walang gana nitong saad

"What? Hindi ba dapat masaya kayo ng reyna reynahan niyo kasi maaalala na lahat ni Kathy. Makukuha na niya ang dapat hindi naman talaga para sa kanya."Inis na saad ni Kira

"Tss. Umayos ka ng pananalita Kira. Kailangan niyong pigilan si Kathy'ng makaalala. Nagbago ang plano ni Emerald, hindi ko alam kung ano yun. Andito ako para paalalahanan kayo."Saad nito at saka sumakay ng motor niya't umalis.

"She's insane!"Inis na angil ni Kira

"Kira, sundan mo si Kathy."Utos ni Aria

Agad namang sinunod yun ni Kira.

"Inigo, Ronnie sabihan niyo ang lahat except Deejhay and his company."Utos naman ni Aria kila Inigo

"Brett, you need to go. Asikasuhin mo ang pinapaasikaso ko sayo."Utos naman ni Aria kay Brett

Tumango lamang ito at saka umalis.

Agad namang napatingin sa akin si Aria.

"I knew everything. Simula sa pagpapanggap na patay ni Athena hanggang sa sinasadyang aksidente sa araw ng kasal nila hanggang dito sa mga nangyayari."

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Planado ang lahat. Plinano na namin ang lahat."Saad niya at saka ngumiti pero halatang peke.

"I need to go. Ikaw na maglock niyan."Saad nito at saka umalis

Napaupo na lang ako sa damuhan at saka napahilamos.

Anong gagawin ko? Anong pinaplano niyo Aria? Pipigilan niyo bang makaalala si Kathy?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon