Katherine's Pov
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ko ay agad akong nahiga sa kama. Wala naman akong masyadong ginawa pero parang pagod na pagod ako.
Nakikipagtitigan ako sa kisame ng biglang sumagi sa isip ko ang itim na kahon.
Bumangon ako at saka tiningnan kung anong oras na. Four pa lang ng hapon.
Naglakad ako papuntang terrace. Naupo ako sa silya duon at saka pinagmasdan ang magandang tanawin.
Bakit hindi ko maalala ang dapat na taong kasa-kasama ko sa habang buhay? Bakit ang hirap nilang maalala? Bakit ganun na lang kadali para sa akin na maalala si Ethan, si Greyson? Bakit yung taong mahahalaga sa akin hindi ganun kadali kong maalala? Bakit?
Ang daming bakit pero kahit isa wala pa akong nakukuhang sagot.
Bigla ko na lamang naramdaman na may tumutulo na pa lang luha sa pisngi ko.
Pinahid ko ito at saka tumayo't naglakad papunta sa itim na kahon.
Nung malapit na ako sa itim na kahon ay bigla namang pagring ng phone ko. Lumakad ako papunta sa kama at saka ko kinuha ang sling bag ko. Ring pa rin ng ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa sling.
| Caller Gabriel |
Agad ko namang sinagot ito.
"Hello."
*I just want you to know that malapit na kaming umuwe.*
"Umuwe? Kelan?"
*Surprise*saad nito at saka binaba ang tawag
Surprise?
Tiningnan ko ang calendar ng phone ko. Sht. May three weeks na lang ako before my birthday.
Naibato ko sa kama ang phone ko dahil sa inis. Wala na akong panahon. Tss.
Agad akong naglakad papunta sa lamesa kung saan nakapatong ang itim na kahon.
Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang itim na kahon.
Inilapag ko ito sa sahig at saka ako nag-indian sit.
Binuksan ko ito at saka kumuha ng isang brown envelope. Hindi ko alam pero kinakabahan akong buksan ito.
Ibabalik ko na sana sa kahon ng bigla kong mapansin na may nakasulat pala sa likod nito. Agad ko namang tiningnan ang lahat na envelope na nasa kahon. Lahat ay may nakasulat sa likod.
Tiningnan ko ang kanina kong hawak.
Amsterdam and Japan Gang
What?
Agad ko naman itong binuksan at bumungad ang maraming litrato.
Kinuha ko naman agad ito. Tiningnan ko ang bawat isa. (See the multimedia) Ang iba ay hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita. Ibabalik ko na sana sa envelope ang mga litrato ng mapansin kong may naiwan na iilang litrato sa loob ng envelope.
Kinuha ko agad ito. Tiningnan ko naman ang bawat isa.
Aria? Athena? Kira? Pero yung isang litrato ay pamilyar sa akin pero hindi ko kilala kung sino ito. Nakita ko na siya, pero hindi ko alam kung saan.
Ibabalik ko na sana ng mapansin ko ang nasa likod ng litrato.
Aria-Red Black Scorpion Gang
Kira-Onyx Gang
Athena-Red Black Scorpion Gang
Romce-Onyx Gang
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.