SB : 45

542 10 0
                                    

Katherine's Pov

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila DeeJhay ay agad kong pinark ang kotse at saka bumaba.

Bumuntong hininga muna ako at saka naglakad patungo sa gate. Magdodoorbell pa sana ako ng biglang nagbukas ang gate. Iniluwa lang naman nito ang katulong nila.

"Ms.Katherine, ano pong ginagawa niyo dito?"Magalang nitong tanong

"Andyan po ba si DeeJhay?"Tanong ko naman dito

Imbis na sagutin niya ako ay binuksan niya na lamang ng tuluyan ang gate at saka ako pinapasok.

"Nasa kwarto niya po si Sir."Saad nito at saka ako iniwan

Bumuntong hininga muna ulit ako at saka binuksan ang pinto. Walang tao sa sala.

Nasaan kaya si Steffie? I want to play with her.

Aakyat na sana ako sa hagdan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Tita Katherine."

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Steffie."pagtawag ko sa pangalan niya

Lumapit ako dito at saka lumuhod para pantay kami.

"I miss you so much Sweetie."Saad ko at saka ko siya niyakap

Niyakap naman niya ako pabalik.

"I miss you too, Tita Katherine."Saad nito at saka kumalas sa yakap

"What are you doing here po?"Magalang niyang tanong

"I want to play with you and visit your Daddy DeeJhay."Saad ko at saka ngumiti naman ito dahil sa sinabi ko

"So let's go to your room and let's play."Saad nito at saka ako hinila paakyat ng hagdan

Bago pa man kami makarating sa kwarto niya ay nadaanan namin ang kwarto ni DeeJhay. Bukas ang pinto nito ng kaunti kaya hindi ko siya masyadong kita.

"That's Daddy DeeJhay's room. You want to come in?"Tanong nito sa akin

"Later na lang. Let's go to your room."Saad ko at saka kami muling naglakad

Haysss.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto niya ay agad niya itong binuksan at saka kami pumasok.

Inilibot ko ang paningin ko. May kalakihan ang kwarto niya. Ang kulay ng wall niya ay pink. Masyado namang girly.

"Si Mommy Kathy po ang nagdesign ng kwarto ko."

Agad naman ako napatingin dito.

Halata mo sa mukha nito ang lungkot.

"Nung una po ayaw niya ng masyadong girly, gusto niya black pa ang ilagay na paint sa wall ko but Daddy DeeJhay didn't allow her."Saad nito habang nakatingin sa malaking frame na nakakapit sa wall niya.

Lumapit ako dito at saka nag-indian sit.

"Did you miss her?"Tanong ko dito at tanging tango lang ang natanggap ko

"What if one day, bigla siyang bumalik? Anong gagawin mo?"Tanong ko rito pero nagkibit balikat lamang ito.

Niyakap ko na lamang siya. Naaawa na ako sa kanya.

Hayss.

"Steffie, do you want to play?"Tanong ko dito pero hindi ito umimik.

Tinagtag ko ang pagkakayakap ko dito at saka siya tiningnan. Tulog na siya.

Ang bilis naman yata niyang matulog.

Tumayo ako at saka siya binuhat. Inihiga ko siya ng ayos sa kama niya at saka siya kinumutan. Hinalikan ko muna siya sa noo niya bago ako lumabas ng kwarto niya.

Nung naglalakad na ako patungo sa kwarto ni DeeJhay ay bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo, napapikit naman ako dahil dito.

"Grabe ang bilis niyang makatulog."

"Mana sa ama."

"Opps. Not you, si Inigo."

"Alam ko, gusto mo gawa na tayo para may magmana naman sa akin."

"What the."

"Kidding."

Napamulat naman ako dahil sa nakita ko. It was DeeJhay and Kathy, karga karga ni DeeJhay si Steffie.

Napabuntong hininga naman ako dahil dito.

Imbis na isipin ko yung nakita ko ay nagpatuloy na lamang ako sa paglakad.

Nang marating ko ang tapat ng kwarto ni DeeJhay ay agad akong pumasok, bukas naman yung pinto ee. Yun nga lang kaunti.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya habang nakatingin sa frame na nasa gilid ng kama niya.

"Sana nagbeach wedding na lamang pala tayo noh? Edi sana buhay ka pa."Saad nito

Is he insane?

"Para kang tanga, kinakausap mo ang frame."

Napatingin naman agad siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"Gulat niyang tanong at saka bumangon

Imbis na sagot ang matanggap niya ay tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"I said what are you doing here?"Tanong niya ulit pero sumandal lamang ako sa pinto at pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at saka ngumisi.

"Bago mo ako ngisian, Saan ka nanggaling?"Tanong ko sa kanya at saka ko tiningnan ang maletang mukhang hindi niya pa naaalisan ng mga damit at saka ko muling binalik ang tingin sa kanya.

"I knew it."Nakangiti kong saad. "Bussiness trip? I am right or I am right?"Tanong ko

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at saka naglakad patungo sa cr pero bago pa man siya makarating ng pinto ng cr ay natigilan siya sa sinabi ko.

"Bakit kahit kilala na kita, hindi pa rin kita maalala? May mga tanong ako na gusto ko ng kasagutan pero hindi ko makuha ang kasagutan? Parusa ba ito? Parusa nung mga panahong hindi kita/kayo kasama?"

Agad siyang napatingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong nito sa akin pero imbis na sagutin ko siya ay lumakad ako palapit sa kanya at saka ko siya niyakap.

"Konting konti na lang. Konting tiis na lang. Sayo na ulit ako." Saad ko dito at saka ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

Tiningnan ko muna ito at saka naglakad palabas ng kwarto niya.

Saktong paglabas ko ay siyang biglang tulo ng luha ko.

Agad ko naman itong pinahid. Napabuntong hininga naman ako ng malalim.

Naglalakad ako pababa ng hagdan ng may tumawag sa pangalan ko, lilingunin ko na sana ito ng biglang ..

"Ouch."Napahawak naman agad ako sa ulo ko

"Sorry Miss."

Tiningnan ko ito.

"Do i know you?"Takang tanong nito sa akin

Ngumisi naman agad ako at saka nilimot yung maliit na bolang tumama sa ulo ko.

Nakangisi ko siyang tiningnan at saka ibinato pababa ang bola. Bumaba naman agad ako ng hagdan at saka lumapit sa kanya.

Nang nasa harap na niya ako ay para siyang nakakita ng multo. Hinila ko ang collar ng damit nito at saka bumulong sa tenga niya.

"You know me well, Greyson."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon