SB : 77

455 7 0
                                    

Athena's Pov

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nakausap ni Kathy si DeeJhay at Anim na araw na rin ang nakakalipas nung mailibing si Gabriel sa florida. Kasama namin ang isa sa mga UnoKwatro at si Ky yun.

Nang mailibing si Gabriel ay nagtungo na agad kami sa japan upang masaksihan ang pagpaparusa kay Abby. Pinarusahan siya ng habambuhay na pagkakakulong.

Si Kathy naman ay ginampanan ang pagiging Reyna ng Gang World. Hindi na rin siya palangiti simula nung nagkausap sila ni DeeJhay. Napakaseryoso niya. Minsan nagtataray pa.

"May laban daw si Brett kila Lish."Saad ni Kenneth

"Nasabi mo na kay Kath?"Tanong ko sa kanya

Napakunot naman ang noo niya.

"Kath?"Pagtataka nito

"Si Kathy."Inis na saad ni Aria

"Kasali ka ba sa usapan?"Pambabara dito ni Kenneth

"Eh ang mang mang mo eh."Natatawang saad ni Aria

"Babe, wag mo namang awayin si Kenken."Saad naman ni Kenjie

"Ako girlfriend mo ah. Bakit siya kakampihan mo?"Inis na saad ni Aria

Natawa na lang ako sa sinabi ni Aria.

"Girlfriend pa lang? Ang hina mo naman tol."Natatawang saad ni Kenneth

"Bakit ba? Anong masama kung girlfriend ko pa rin siya?"Maangas na tanong ni Kenjie

"Tol, napapag-iwanan na kayo eh. Ako, fiance ko na si Abigail. Si Gino, ayun napakasalan na si Mikaela. Si Patrick, fiance na rin si Ella. Si Angelo, may isang anak na sila ni Yna. Ikaw, ayun. Girlfriend mo pa rin si Aria."Natatawa nitong saad

"Hindi minamadali ang oras. Saka alam kong kasal na si Mikaela at Gino. Andun ako."Iritableng saad ni Kenjie

Iimik pa sana ng pumagitna ako sa kanila.

"Tahimik na guys. Patay tayo pag nalaman ni Kath na nag-aaway kayo."Natatawa kong saad

Narinig ko naman silang sumigaw pero hindi ko na lang sila pinansin.

Pagkarating ko sa tapat ng opisina ni Kathy ay agad akong kumatok.

"Come in."Sigaw niya

Binuksan ko ang pinto at saka pumasok.

Nadatnan ko namang andun si Brett at si Lish.

"Grupo daw nila ang maglalaban ngayon?"Tanong ni Kathy pagkaupo ko

"Yes, Ms. Kath."Nakangiti kong sagot

"So, nasaan ang identity profile nila?"Tanong niya habang nakatingin kila Brett

"Kath, Ms.Kath. walang nagsabi sa amin na meron na palang ganun."Lish

"So, paano kayo lalaban ngayon kung wala kayong identity profile?"Mataray na tanong nito sa kanila

"Alam na ng lahat na bago lumaban ay dadaan muna sa akin ang mga identity profile ng lalaban."Dagdag pa niya

"Kathy, ngayon lang ito. Pag lumaban kami ulit meron na nun."Saad ni Brett

Napasandal naman sa swivel chair niya si Kathy.

"Sige, papayagan ko kayo pero pag hindi kayo nagsubmit within this week ng identity profile ay maaari ko kayong ibanned."Maawtoridad niyang saad

Napangiti naman ang dalawa at saka lumabas.

"Kamusta?"Tanong ko rito pero imbis na sagutin ako ay agad itong pumikit sa saka hinilot ang sintido

"Kahit kailan talaga si Brett. Hindi na nagbago."Rinig kong bulong niya

"Bakit mahal mo pa siya?"Natatawa kong tanong

Umiling ito at saka itinuro ang pinto.

Tumayo na ako at saka naglakad patungo sa pinto.

Nang marating ko ang pinto ay humarap muna ako uli kay Kathy. Ganun pa rin ang pwesto niya.

"Magpahinga ka rin kasi. Simula nung dumating tayo dito, wala ka ng naging pahinga."

Napamulat naman siya at saka ako tiningnan.

"May hinahabol ako."Simpleng saad niya at saka pumikit muli

Napabuntong hininga naman ako at saka lumabas na. Paglabas ko nakita ko si Lish na nakasandal.

"Grabe, ang taray niya."Natatawang saad ni Lish

Napatawa na lang ako sa kanya.

"Wala ba yung boyfriend at ganun kataray."Dagdag pa niya

"Meron. Fiance pa nga eh."Saad ko at saka naglakad pabalik sa opisina namin

May hinahabol siyang oras kaya kahit magpahinga nakalimutan na niya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon