Katherine's Pov
Paglabas ko ay agad kong inilibot ang paningin ko.
"Nasaan kaya yun?"Tanong ko sa sarili ko
"Sinong hinahanap mo?"
Nagulat naman ako sa nagsalita kaya nabitawan ko ang hawak kong sketch pad.
"Aatakihin ako sayo sa puso eh."Saad ko at napahawak sa dibdib ko
Pinulot naman nung guy ang sketch pad ko at saka inabot sa akin.
Napangiti na lang ako ng makilala ko kung sino ang nagsalita.
"RONNIE."Sigaw ko at saka siya niyakap
"Namiss mo ko?"Natatawa nitong tanong ng alisin ko ang yakap ko
Ngumiti ako bilang sagot at napangiti naman siya.
"Sabagay, isang taon rin mula nung makasama kita eh. Bilang Kathy Fernandez ha, hindi Katherine Williams."Natatawa nitong saad
"Paano mo nalaman?"Takang tanong ko rito
"Hmm. Lahat kami miniting ni Athena about sayo and happy ako."Saad niya
"Siya ang nagsabi na si Katherine at Kathy ay iisa?"Tanong ko at tumango naman ito
"Gusto ka ng makita nila Yna."Nakangiti nitong saad
"Soon."Naiusal ko na lamang
"Btw, sino nga palang hinahanap mo?"Tanong niya
"Si Miles, iaabot ko sana sa kanya to."Sagot ko at saka pinakita yung sketch pad
Napangiti naman siya.
"Bumabalik na talaga si Kathy."Saad niya at napatawa naman ako
"So, alam mo kung nasaan si Miles?"Tanong ko
"Katabi na siya ng opisina ni Aria, Si Aria kasi ginawa mong CEO eh."Natatawa nitong saad
"Una na ako. Thank you."Saad ko at saka lumakad na patungo sa opisina ni Aria
Malapit lang naman dito ee.
Advantage na rin pala yung nakapunta ako dito noon.
Nang marating ko ang sinasabi ni Ronnie ay agad kong inilibot ang paningin ko.
Nung makita ko si Miles ay agad akong lumapit dito.
"Miles."Pagtawag ko
Napalingon naman siya at napangiti.
"Sabi na nga ba eh, ikaw si Ms. Kathy."Nakangiti nitong saad
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Nung makita kasi kita dito noon, sinabi ko na sa sarili kong ikaw si Ms. Kathy, kaya lang siguro hindi mo ako masyadong natandaan eh dahil nagkaamnesia ka."Saad niya
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Here."Naiusal ko na lang at saka inabot ang sketch pad sa kanya
"Wow naman, Bumabalik na talaga si Ms. Kathy."Nakangiti nitong saad
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
Iimik pa sana ako ng biglang dumating si Athena.
"Let's go."Pagyayaya niya
Tinanguan ko naman siya at saka tiningnan si Miles.
"See you soon."Nakangiti kong saad at saka naglakad na
"Masaya sila kasi nagbalik ka na."Saad ni Athena ng makasakay na kami ng elevator
"Masaya sila sa pagbabalik ni Kathy pero yung pagbabalik na yun may nagdusa at ako yun."Malungkot kong saad
"Mahal mo ba si Gabriel?"Tanong niya
Napatingin naman ako sa kanya.
Sumandal muna ako at siya sinagot.
"Siguro, siya yung andyan nung mga panahong kailangan ko si DeeJhay."Saad ko
"Pero ngayong alam mo ng pagpapanggap lang pala. Anong naramdaman mo?"
"Nasaktan syempre. Sino ba naman ang matutuwa na pagkatapos mong malaman na pinagpapanggap ka na pala hindi mo pa namamalayan?"
"Kaya mo rin siguro minahal si Gab dahil ng inakala mong siya talaga yung taong mahal mo."Saad niya at napatango naman ako
"Tama ka. Siya yung nakagisnan kong fiance pero hindi pala. Si DeeJhay dapat pala yun."Malungkot kong saad
"Ano ng plano mo?"Tanong niya
"Plano?"Takang tanong ko
"Hindi pa alam nila DeeJhay na ikaw si Kathy. Hindi rin nila alam na patay na si Gabriel. Wala silang alam."Saad niya
"Bakit hindi niyo pinaalam?"Tanong ko
"Ikaw lang ang may karapatan magpaalam sa kanila."Saad niya
"May isang araw ka pa para makausap sila."Dagdag pa niya
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Alam mo namang hindi sapat ang isang araw para makausap sila."Saad ko
"Alam ko, pero yun lang ang binigay ng UnoKwatro at wala na tayong magagawa pa dun."Saad niya
Nanahimik na lang ako hanggang sa magbukas ang elevator. Lumabas kami at saka nagdiretso sa kotse.
Habang nasa biyahe ay walang umiimik. Nakatingin lang ako sa daan habang si Athena naman ay nagdadrive.
"Nga pala, bago dalhin bukas si Emerald sa Japan, gusto ka daw niyang makausap."Pangbabasag ni Athena sa katahimikan
"Para saan pa?"Tanong ko
"Para malinawan ka rin siguro kung bakit nila ginawa yung ginawa nila."Saad niya
"Gisingin mo na lang ako bukas."Saad ko
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Fiksi Remaja"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.