James's Pov
Kakatapos ko lamang labhan ang damit ko. Pinatuyo ko na rin ito duon sa dryer para naman masuot ko na.
Saktong pagpasok ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang anghel na mahimbing na natutulog.
Agad akong lumapit dito.
Pagkalapit ko ay agad akong naupo. Tinitigan ang mala anghel niyang mukha.
"Napakatanga ko noon noh? Kaso hindi mo maalala."Saad ko at saka hinawi ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.
"Since the day i met you, i fell in love with you. I thought na baka nadadala lang ako sa pinapagawa ni Brett but when you called me Prince my heart shattered."Saad ko
Para akong tanga kasi nagkekwento ako sa tulog.
"Gusto kong maalala mo na lahat. Alam mo bang naaawa na ako kila DeeJhay, wala silang kaalam alam na ikaw si Kathy. Simula palang alam ko ng ikaw si Kathy, mula sa blondena mong buhok hanggang sa mata mong mala oceana. Simula nung dumating ka dito sa pinas naging stalker mo ako. Nakakatawang isipin pero totoo."
"Gustong gusto kitang yakapin ng mahigpit, gustong gusto kitang halikan, pero wala akong karapatan kasi hindi kita pag-aari."Saad ko
Isinandal ko ang ulo ko sa couch at saka tinitigan ang maamo niyang mukha.
Napakaganda niya pa rin. Maya maya'y hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Katherine's Pov
Bakit ba ang init? Ugh!
Minulat ko ang mga mata ko at tumama ito sa sinag ng araw. Ugh!
Naipikit ko agad ito haaays.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at saka nag-inat ang sakit ng likod ee.
Inilibot ko ang mata ko, sa couch pala ako nakatulog kagabi.
Tatayo na sana ako ng mapansin ko si The guy in the black disguise. Ganun rin ang pwesto niya gaya ng sa akin.
Isinandal ko ang braso ko sa sandalan ng couch at saka siya pinagmasdan.
"Sino ka ba talaga sa buhay ni Kathy? Sa buhay ko? Bakit Prince James? May nakaraan ba kayo? James?"
Para akong tanga kasi kumakausap ako ng tulog.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka tumayo't nag-inat.
Lumakad na ako paakyat para kuhanin yung laptop ko.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita kung saan ito nakalagay.
Agad din naman akong pumasok at saka dahan dahang sinarhan ang pinto.
Inilibot ko ang tingin ko at saka ito tumama sa mga litrato namin ni Gabriel.
Agad akong napangiti pero agad ding napawi ng biglang may pumasok na palaisipan sa aking isipan.
Paano kung hindi talaga ako si Katherine?
Napabuntong hininga na lamang ako at saka kinuha yung laptop.
Naupo ako sa kama, kumuha rin ako ng isang unan para patungan ng laptop.
Saktong pagbukas ko ng laptop ay agad nanlaki ang mga mata ko.
Kathy Fernandez
Napatulala na lang ako bigla ng maalala ko yung scenario bago kami pumunta ni Abby sa Hacienda Barretto.
Yun yung araw na sinearch ko yung pangalan ni Kathy kaso nagsuot muna ako ng sapatos ng dahil sa paghihintay na may lumabas na impormasyon at nung umentra naman si Abby nasarhan ko yung laptop.
Agad kong naibalik ang tingin sa screen ng laptop ko.
May mga pictures siya with DeeJhay. At mukhang masayang masaya sila sa isa't isa. (See the multimedia)
May nakita akong info about her, agad ko itong binuksan and i found out that since 1st to 2nd year college ay sa Amsterdam siya nag-aral then sa Padilla University na siya nag-aral kalaunan.
Babasahin ko pa sana ang iba pang info about her ng bigla akong makaramdam ng pagkirot ng ulo.
Umaatake na naman siya haaays.
Agad kong naipatong ang laptop sa kama.
Tumayo na ako at lalakad na sana ako papuntang pinto ng biglang magdilim ang paningin ko.
Naramdaman ko ang dahan dahang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig.
James's Pov
Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas.
Ano ba yan? Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sakit ng katawan.
Oh sh*t! Sa couch nga pala ako nakatulog. Bigla kong naalala si Katherine.
Agad kong inilibot ang paningin ko pero wala na siya sa couch.
Nasaan yun?
Tumayo na ako kahit masakit ang katawan ko, papasok na sana ako sa kusina ng bigla na naman akong makarinig ng katok.
Ano ba?
Dahil sa inis ay agad akong nagpunta sa pinto at binuksan ito.
"ANO BA? AGANG AGA ISTORBO!"sigaw ko pero agad nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung taong kumakatok kanina pa.
"What are you doing here, James?"Mataray na tanong ni Aria
Hindi ako makaimik dahil parang umurong yung dila ko.
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Katherine."Takang pagsasaad naman ni Inigo
Agad naman akong napatingin sa mga taong nasa likod nila Inigo at pinanlakihan sila ng mata.
Agad naman silang napayuko.
"James?"Pagtawag pansin ni Aria
Agad akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin.
"I said what are you doing here?"Pag-uulit niya
"Alam na namin ang lahat James."
Agad naman akong napatingin kay Inigo.
"Sorry."Narinig kong sabi ni Kira
"Baka naman pwede mo kaming papasukin."Nakangiting saad ni Ronnie
Isa ka pa haaaays.
Agad kong nilakihan ang pagbukas ng pinto.
"Pasok mun---"pero bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay agad silang pumasok
"Kaninang ala syete pa kami diyan sa labas, na ngalay masyado yung binti namin."Saad ni Aria at saka ipinatong sa mesa ang paa niya
"Diyan muna kayo hahanapin ko lang si Katherine."Saad ko
"Hahanapin?"Pagtataka ni Brett
"Magkasama kayong umalis kagabi, so bakit mo siya hahanapin?"Tanong naman ni Kira
"Paggising ko wala na siya. Okay?"Saad ko at saka naglakad paakyat.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib, hindi ko alam kung bakit.
Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto ni Katherine pero agad nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakahiga sa sahig.
Agad akong lumapit sa kanya mukhang nawalan siya ng malay, binuhat ko naman agad siya at saka inihiga sa kama niya pero mas lalo akong nagulat ng makita ko ang laptop niyang nakabukas.
Agad akong napatingin kay Katherine.
Alam mo na ba ang lahat?
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Opx!
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.