SB : 43

570 11 0
                                    

Katherine's Pov

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa telepono. Inis akong bumangon at saka naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang telopono.

Inis ko itong sinagot.

"Who's this?"

"Limot mo na agad ako."May pagtatampo sa boses niya

"Gabriel?"

"Akala ko naman nakalimutan mo na agad ako."Natatawa niyang saad

"Sorry, bakit kasi dito ka sa telepono ng hotel tumawag? Hindi na lang sa phone ko."

"Gusto ko lang iassure na andyan ka nga sa hotel, kasi bago daw umalis si Abby sinabi mong sa hotel ka na tutuloy."Saad niya

"Hmmp. I need to go na. Loveyou."Saad ko at saka ibinaba ang telepono

Napabuntong hininga na lamang ako at saka naglakad patungo sa cr. Pero bago pa man ako makarating sa cr ay nadaanan ko yung couch na kung saan nakapatong yung kwintas.

Tiningnan ko lang ito at saka nag-umpisa ulit na maglakad papunta sa cr.

Pagkapasok ko ay agad kong hinubad ang lahat ng saplot ko at saka ako nagbabad sa bath tub. Kailangan kong magrelax bago maghanap ng kasagutan sa mga tanong na gusto ko ng masagot.

Habang nakababad ako sa bath tub ay bigla kong naisip si DeeJhay.

Kamusta na kaya siya?

Dumalaw kaya siya sa akin nung naospital ako?

Hayss.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

DeeJhay's Pov

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Kakadating ko lang galing sa Cebu pero parang mas gusto ko na lamang magtrabaho ng tuloy tuloy, dahil tuwing wala akong ginagawa lagi ko na lang siyang naiisip.

Iniisip ko kung nabuhay kaya siya, ano kayang maaaring mangyari ngayon?

Syempre expected ko na ang success ng career niya. Kasal na kami. Mayroon ng nilalaro si Steffanie. Masaya kami, pero ang sayang gusto kong naisin ay napawi ng mawala siya buhay ko, ng mawala siya sa buhay ni Steffanie, sa buhay ng mga taong mahalaga sa kanya.

Miss na miss ko na siya. Sana pala sinunod ko na lang ang gusto niya, edi sana buhay pa siya hanggang ngayon. Walang araw na hindi ko pinagsisisihan ang hindi pagsunod sa gusto niya.

Flashback

Andito kami kila Julia nag-aayos ng kasal. Kung saan pwede kaming ikasal. Maganda na rin yung kasama ako para naman alam niyo na 😊 Ako na ang bahala sa honeymoon 😉

"So, saan niyo gustong ikasal?"Tanong ni Julia

"Mas maganda kung sa Paris."Suggest ni Chie

"Pwede ding sa Bali, Indonesia."Suggest ni Janella

"O di kaya'y sa Amanpulo, diba Kathy gusto mong ikasal sa beach?"Anang ni Aria

"Duh! Beach? Tss. Mas maganda kung sa Thailand, diba Kathy gusto mong makakita ng elephants?"Anang naman ni Kira

Napairap na lamang sa kawalan si Kathy dahil sa stress.

"Isinama ko kayong lahat para tulungan ako mag-ayos ng wedding diba?"Tanong ni Kathy sa kanilang lahat at lahat naman sila ay parang tangang tumango.

"So, wag niyo akong pangunahan. I want a church wedding, but i love if sa beach gaganapin ang kasal."Saad niya at saka siya tumingin sa akin.

Sinasabi ko na nga ba ee! Tama talaga ang pagsama ko sa kanya.

"Mahal, Hon, Babe. You want a church wedding right?"Tanong ko sa kanya at saka siya tumango.

"But you want a beach wedding too?"Tanong ko ulit sa kanya at tumango ulit siya

"Church wedding muna then saka na ang beach wedding? Okey?"Saad ko, at ang kaninang saya na nasa mata niya ay biglang napalitan ng kalungkutan.

"I want a beach wedding! Saka na ang church. Please."Pagmamakaawa niya pero isang iling lang ang natanggap niya mula sa akin.

"Church wedding then saka na ang beach! Period."Saad ko at saka ko siya tiningnan

Ngumiti lamang siya pero alam kong pilit lamang iyon.

End of flashback

Hindi ko man lang naramdaman ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko. Agad ko itong pinahid at saka napatingin sa litratong nasa gilid ng kama ko.

"Sana nagbeach wedding na lamang pala tayo noh? Edi sana buhay ka pa."Saad ko

"Para kang tanga, kinakausap mo ang frame."

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"Gulat kong tanong at saka bumangon

Imbis na sagot ang matanggap ko ay isang taas ng kilay lamang ang natanggap ko.

"I said what are you doing here?"Tanong ko ulit pero sumandal lamang siya sa pinto at pinagmasdan ako mula ulo hanggang sa paa.

Problema nito?

Tinaasan ko siya ng kilay at saka ngumisi.

"Bago mo ako ngisian, Saan ka nanggaling?"Tanong niya at saka tiningnan ang maletang hindi ko pa naaalisan ng mga damit ko at saka binalik muli ang tingin sa akin

"I knew it."Nakangiti niyang saad. "Bussiness trip? I am right or I am right?"Tanong niya

Tinaasan ko lamang siya ng kilay at saka naglakad patungo sa cr pero bago pa ako makarating ng pinto ng cr ay natigilan ako sa sinabi niya.

"Bakit kahit kilala na kita, hindi pa rin kita maalala? May mga tanong ako na gusto ko ng kasagutan pero hindi ko makuha ang kasagutan? Parusa ba ito? Parusa nung mga panahong hindi kita/kayo kasama?"

Agad akong napatingin sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ko dito pero imbis na sagutin niya ay lumakad siya palapit sa akin at saka niya ako niyakap.

Mas lalo pa akong natigilan sa sinabi niya.

"Konting konti na lang. Konting tiis na lang. Sayo na ulit ako."

At dun na muling tumulo ang luha ko.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Opps.

Sorry sa mabagal na pag-update 😊

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon