Abby's Pov
Habang nasa biyahe pabalik ng manila ay napapansin ko ang pagbuntong hininga ni Katherine bawat minuto, nakatingin sa bintana, sasandal sa upuan at saka ipipikit ang mga mata. Nang tanungin ko naman ito ay sinabi niya lang na okey lang siya at saka tumingin sa labas ng bintana.
Alam kong may hindi magandang nangyari sa kanya. At alam kong hindi niya sasabihin pero wala akong balak alamin pa kung ano yun.
Kailangan ko ng bumalik ng Florida.
Katherine's Pov
Naging mabilis lang ang biyahe pabalik ng manila pero para sa akin ang bagal ng pagbalik namin dito.
Bumuntong hininga muna ako saka lumabas ng kotse niya. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag at saka pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Abby'ng may kausap sa phone.
Maybe it's Gabriel?
Imbis na tanungin ko si Abby kung sino ang kausap niya ay mas pinili kong umakyat na sa kwarto ko.
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko ay nadaanan ko ang kwartong nakasara.
Napangisi naman ako.
"Mabubuksan na kita. Maybe soon or very soon."
Bago pa ako makita ni Abby na parang tanga na nakangisi sa pintuang ito ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay inilagay ko muna sa couch ang bag ko at saka sumalampak sa kama ko.
"Whoooooaaaaah. Namiss ko itong kama ko."Bulong ko
Nagpagulong gulong ako sa kama ng bigla kong maramdaman ang matigas na bagay.
Agad naman akong napabangon.
Ghad! Yung laptop ko.
Kinuha ko ito at saka inilagay sa sidetable ko.
Nahiga ulit ako at saka pinikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko.
°°°°
Nagising ako sa pagtapik ni Abby.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
"I need to go back. Kailangan na daw ako ni Gab. It is okey?"Saad nito
"Hmm. Oo naman. Pasabi i miss him na."Saad ko at saka tuluyang bumangon pero bago ako pumasok ng cr ay lumabas na agad ito.
Papasok na sana ako sa cr ng mahagip ng mata ko ang bag ko kung saan nakalagay ang susing nakita ko sa kwarto ni Abby dun sa Hacienda.
Lumakad ako papunta kung saan nakalagay ito.
Umupo ako sa couch at saka binuksan ang bag ko.
Inilabas ko agad ang susi at saka nilagay sa bulsa ng short ko.
Tumayo ako at saka lumabas ng kwarto.
Saktong paglabas ko ay siyang pagsara naman ni Abby ng kwarto niya.
Lumapit ako dito.
"Mukhang magtatagal ka dun ahh?"Saad ko habang nakatingin sa dalawang maletang hawak niya.
"Hindi naman. Bago ka kasi magbirthday ay uuwi na kami ni Gab."Saad niya at saka hinila ang dalawang maleta.
Sinundan ko naman ito hanggang sa makalabas siya ng bahay.
"Mag-iingat ka dito ahh. Hindi ito America."Pag-papaalala niya
Tinanguan ko na lamang siya.
Sasakay na sana siya sa taxi ng bigla ko siyang tawagin.
"ABBY"Pagtawag ko sa kanya
Lumingon naman ito.
"Maghohotel na lamang ako pag-alis mo, Hindi kasi ako sanay na walang kasama dito sa bahay."Saad ko at tanging tango lang ang natanggap ko.
Hinintay ko munang makaalis ang taxi saka ako pumasok ng bahay.
Pagkapasok ko ay agad akong nagtatakbo sa kwarto ko.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ng short ko at saka pinagmasdan.
Ano kayang itinatago niyo sa loob ng kwartong yun?
Pumasok ako sa walk-in-closet ko at saka itinago ang susi sa mini cabinet.
Pagkatago ko ng susi ay agad akong lumabas ng walk-in-closet.
Nahiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame.
Napailing na lamang ako ng biglang pumasok sa isip ko si DeeJhay.
Maybe i miss him?
Tss. No.
Bumangon ako at saka kinuha ang bath robe sa sabitan.
Nung papasok na ako sa cr ay biglang nagring ang phone ko.
Napatingin naman ako sa bag ko.
Lumakad ako papunta dun at saka kinalkal ang bag kung nasaan ang phone ko.
Ring pa rin ito ng ring.
Saan ko ba yun nailagay?
Kinuha ko ang jeans ko at saka kinapa kung andun ba. At tama ako andito nga.
Kinuha ko ito at saka tiningnan kung sino ang tumawag.
Yung unknown number na naman.
Tiningnan ko ang mga text at dun ko lang nalaman na si DeeJhay pala yung Unknown Number.
Tss. Saan naman nakuha nun ang number ko?
Ilalagay ko na sana sa side table ko ang phone ko ng bigla itong magring.
Agad ko din naman itong sinagot.
[Hello] Pagbungad ko dito
(Date with me.) Saad niya at muntik na akong maupo sa kinatatayuan ko
[Why would i?] Tanong ko dito
(Because i miss you) Napairap na lang ako sa kawalan
[Are you trying to flirt with me?]Nang-aasar kong tanong dito
(No, im not. I know that you have a fiance so, why would i?)
Napairap na lang ako sa kawalan ng dahil sa sagot niya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkainis ng yan ang sagot niya.
[Tss. DP Mall. I'll be there in hour?]Saad ko at saka inis na hinang-up ang tawag.
Ibinato ko sa kama ang phone ko ng dahil sa inis.
ghad!
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Opps 😂😅
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.