SB 04 : Meet her

918 16 0
                                    

DeeJhay's Pov

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Tss. Ang aga aga ee.

Minulat ko ang mga mata ko at saka bumangon. Nagmumog mo na ako bago ako bumaba.

"Ang ingay niyo, ang aga aga ee."Saad ko sa kanila pagkababa ko

"Wow! Maaga pa pala para sayo noh? Hapon na noh!"Janella

Taka ko naman silang tiningnan at saka tumingin sa orasan.

"Ohh? Akala mo alas otso pa ng umaga noh! Alas tres na ng hapon."Chie

"Sorry napuyat kasi ako kagabi."Saad ko pa

"Tss. Nakadalaw na kaming lahat. Ikaw na lang ang hindi pa nakakadalaw."Saad pa ni Inigo

"Maliligo lang ako."Saad ko pa at umakyat na sa taas.

Katherine's Pov

Nagbabake ako ng pumasok si Abby ng kusina.

"Wow! Mukhang masarap yan ahh."Saad pa niya at saka naupo sa stool sa may counter

"Mamaya mo pa matitikman yan."Saad ko at saka kumuha ng tubig sa ref.

Pagkakuha ko ay agad ko itong ininom.

"Are you okey?"Nag-aalala niyang tanong

"Hmm. Yup."Saad ko

"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"Tanong pa niya

"Hindi na. Nakainom na ako ng gamot."Saad ko naman

"Wala ka bang nakikitang image or something?"Tanong pa niya

Natatawa naman akong tiningnan siya.

"Tss. One year ago na. Tsaka sumasakit lang yung ulo ko pero wala akong nakikitang image or something."Natatawa kong saad

"Ahh. One year ago na nga nung nangyari yung car accident. Wala ka bang naaalala?"Tanong niya pa

"Wala naman."Simpleng saad ko

"Ohh! Btw. Ihatid mo naman si Manang sa Felicity Cementery. Dadalawin niya kasi yung asaw niya. Pwede ba?"Tanong pa niya

"Okey. Maliligo lang ako."Saad ko at saka tinagtag ang apron ko

"Bantayan mo yang binebake ko ha!"Saad ko pa at saka lumabas ng kusina.

Umakyat na ako sa taas at habang naglalakad ako sa hallway papunta sa kwarto ko ay napadaan ako sa isang kwarto.

Ito yung kwarto ayaw na ayaw akong papuntahin nila Gab. Tss.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad kong hinila sa sabitan ang robe ko at saka pumasok sa cr.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng simpleng white v-neck at ripped jeans at saka nagsapatos. Nagpowder lang ako at naglipstick then tapos na.

Agad akong bumaba pagkatapos kong mag-ayos. Nadatnan ko pa si Abby'ng kinakain yung cookies kong binake.

"Nasa kotse muna si Manang."Saad pa niya at tinaguan na lamang siya kahit hindi naman niya nakikita.

Lumabas ako ng bahay at saka sumakay sa kotse ko. Habang nasa biyahe ay napaisip ako sa pagiging wirdo kanina ni Abby.

"Iha, Dito na lamang."

Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Manang.

"Ingat po kayo."Naiusal ko na lamang.

Pagkalabas na pagkalabas ni Manang ng kotse ay dapat papaharurutin ko na ito kaso may paru-parong dumapo sa wind shield ko at saka naglilipad palayo.

Sinundan ko ito ng tingin at taka naman akong bumaba ng kotse at saka sinundan yung paru-paro.

Hindi ko alam kung bakit sinusundan ko ito. Basta pakiramdam ko ay kailangan ko itong sundan.

Maya-maya pa ay nawala na ito sa paningin ko. Nagpalinga linga pa ako sa paligid ko pero wala na talaga.

Inilibot ko pa ulit ang paningin ko pero wala talaga.

Nasaan na yun? Tss. Dapat kasi hindi ko na lang sinundan. Naglakad lakad pa ako at nagbabakasakaling makita ko ulit yun. Hanggang sa ...

DeeJhay's Pov

Naglalakad na ako pabalik sa sasakyan ko ng bigla kong makita yung babae sa airport.

Si Katherine?

Anong ginagawa niya dito?

Pinagmasdan ko pa ito kung paano magpalinga linga sa paligid habang palapit siya ng palapit dito sa kinatatayuan ko. Hanggang sa ..

"Ahhh."Saad niya nung muntik na siyang mahulog sa hukay. Buti na lang at nahawakan ko ang bewang niya.

Nakapikit pa ito habang hawak hawak ko ang bewang niya. Akala niya siguro ay mahuhulog siya sa hukay.

Pinanuod ko pa kung paano niya dahan dahang imulat ang mga mata niya.

Yung asul niyang mata. Kilala ko yan.

Nang matauhan siya ay tumayo siya ng ayos at saka ko inalis ang pagkakahawak ko sa bewang niya.

"Thank you."Saad pa niya at saka tumalikod

Lalakad na sana siya palayo ng bigla ulit siyang humarap sa akin.

"You look familiar."Saad pa niya.

"Ikaw yung boy sa airport. Right?"Tanong pa niya

"Ako nga."Saad ko naman

"Ohh! Btw Im Katherine Williams. Kath."Saad niya at saka iniabot ang kamay niya at tinanggap ko naman ito

"DeeJhay Padilla. DeeJhay."Pagpapakilala ko

"Nice name."Saad pa niya at saka inialis ang kamay niya sa kamay ko

"What are you doing here?"Tanong ko sa kanya

"Hinatid ko si Manang. Dadalaw kasi siya sa asawa niya. How about you?"Tanong naman niya

"May dinalaw lang."Simpleng saad ko

"Who?"Tanong pa niya

"Someone's special."Saad ko pa at saka siya nginitian

"Okey. I have to go. Sumama kasi bigla yung pakiramdam ko."Pagpapaalam niya at saka nag-umpisang maglakad palayo.

Kamukhang kamukha mo siya Kath. Yung mga mata ni Kath. Parang si Kathy lang din.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon