Katherine's Pov
Nang makarating kami sa Kathena ay agad rin kaming sumakay ng elevator. Habang nasa elevator ay walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa floor na kung saan nakatayo ang conference room.
"Are you ready?"Tanong sa akin ni Kira
Tinanguan ko na lamang siya at saka naglakad patungo sa conference room. Pagdating ko sa conference room ay wala akong alinlangang pinasok ang silid.
Lahat ng taong naroroon ay nagsipagtayuan at saka nagbigay galang.
"Maaari na kayong maupo."Walang emosyong saad ko
Nagsipag-upuan naman sila at naghintay kung kelan ako mag-uumpisa.
Napabuntong hininga muna ako at saka nag-umpisang magsalita sa harap nila. Sinabi ko ang mga dapat nilang malaman pero hindi lahat ng katotohanan ay maaari kong maibahagi sa kanila.
"Nagpapasalamat ako sa malawak niyong pag-unawa. Dissmiss."Saad ko at saka naupo sa swivel chair
Napabuntong hininga muna ako at saka uminom ng maraming tubig.
"Napagod ka kakasalita noh?"Natatawang tanong ni Ethan
"Yeah."Naiusal ko na lamang at saka sinandal ang ulo ko sa swivel chair.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
"Hindi lahat sinabi mo sa kanila, tama ba?"Tanong ni Ethan
"Yeah, kasi hindi lahat kailangang ibahagi sa kanila."Saad ko
Rinig ko namang nagpakawala ito ng napakalakas na buntong hininga.
"Next stop na tayo."Saad niya
Napamulat naman ako at saka siya tiningnan.
"Pupunta ka na ngayon sa opisina mo."Nakangiti nitong saad
"Ano namang gagawin ko dun?"Takang tanong ko
"Magdedesign ka ng 6-7 na gowns na maaaring mailaunch ng Kathena as your comeback."Nakangiti nitong saad
"What?"Gulat kong tanong
"Yeah, at may tatlong oras ka lamang para magawa yun."Nakangiti nitong saad at saka lumakad papunta sa pinto at binuksan ito.
"Shall we?"Pag-anyaya niya
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na at sumunod sa kanya.
"Alam kong namiss ng sistema mo ang sobrang hassle na trabahong ikaw mismo ang nagtalaga."Natatawang saad ni Ethan
Habang naglalakad kami papunta sa opisina ko ay hindi ko naiwasang tingnan ang madadaanan namin.
"Black and white ang gusto mong kulay, kaya wag ka ng magtaka kung parang ang tamlay ng kumpanya mo."Natatawang saad ni Ethan
Napairap na lamang ako sa kawalan.
Hahakbang na sana siya sa hagdan ng pigilan ko ito.
"May elevator naman ahh."
"Mas huhusay ang paglalakad mo kung gagamit tayo ng hagdan at saka isang floor lang naman ang pagitan papunta sa opisina mo."Nakangiti niyang saad
Napakagat labi na lamang ako dahil sa inis. Wala na akong magagawa dahil nag-umpisa na itong maglakad paakyat.
Umakyat na ako ng hagdan at ng marating namin ang floor na sinasabi niya ay agad niya rin akong hinatid sa opisina.
"Your 3 hours starts now."Nakangiti nitong saad at saka isinara ang pinto
Naglakad naman ako papunta sa lamesa. Habang naglalakad ako palapit sa lamesa hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa buong opisina.
Nung una kong punta dito kasama ko si DeeJhay. Napangiti na lamang ako sa naisip ko.
Nang marating ko ang lamesa ay agad rin akong naupo sa swivel chair. Napabuntong hininga muna ako at saka nag-umpisa ng magsketch.
Lumipas ang segundo, minuto, at oras ay hindi ko man lang namalayan na nakakarami na pala ako ng sketch.
Inilapag ko ang lapis sa lamesa at saka nag-inat. Nangalay ako kakasketch.
Iniikot ko ang swivel chair paharap sa glass wall. Pinagmasdan ko ang overviewing na lungsod.
Mga nagtataasang gusali.
Mga nagtataasang billboards.
Napangiti ako ng makita ko ang billboard ni Gabriel.
'I miss you.' Bulong ko at saka ako napabuntong hininga
Habang pinagmamasdan ko ang overviewing na lungsod may biglang nagsalita sa likod ko.
"Mukhang napasarap ang pagdedesign mo ah."
Iniikot ko paharap ang swivel chair at nakita ko sa harapan ko si Ethan. Nakangiti ito habang tinitingnan ang mga sketch ko.
"Muntik mo ng maubos ang sketch pad ah."Natatawa nitong saad at saka naupo sa harap ko.
"Kaya umunlad ang Kathena dahil sayo eh."Nakangiti nitong saad
"Tss. Katulong ko naman siguro kayo diba?"Natatawa kong saad
"Not really."Natatawa nitong saad
"Im happy for you. Nakakaya mo yung mga pagsubok na dumarating. Napakastrong mo talaga, kaya ka naging Reyna sa Gang World eh."Saad niya
"Alam mo bang ako yung una yatang tao na nakaalam na may amnesia ka."Nakangiti nitong saad at umarteng may inaalala
"Kung hindi ka pa nun nawalan ng malay nung nakita mo si Angelo, hindi ko malalaman na may amnesia ka. Sabi pa nga nung Doctor, marami na raw siyang nakita may amnesia pero kakaiba daw yung sayo. Sabi pa niya, kaya ka nawalan ng malay ay dahil hindi na kinakaya ng brain mo ang alaalang naaalala mo."Kwento niya
Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Abby nung araw na babarilin niya ako pero si Gab ang sumalo.
"You know what, sa one year nating pagsasama hindi na ako magtataka kung kahit katiting na alala ee wala kang maalala."
"You want to know, why? Kasi maling gamot ang pinapaiinom ko. Yung pang papalimot kaya imbes na maalala mo sila. Wala kang maalala."
"But, you know what. Kawawa ka nga that time ee. Why? Because one year kang nagsuffer sa amnesia! That is beacuse of me."
"Hey, okay ka lang?"Nag-aalalang tanong ni Ethan
"Hmm. Yeah."Saad ko
"Talaga ba? Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka nasagot bigla ka na lang natulala."Saad niya
"Okay lang ako. Tara na."Saad ko at saka tumayo na
"Mauna ka na, ibibigay ko lang kay Miles tong sketch mo para siya na ang magtago."Saad niya at saka siya tumayo't naglakad patungo sa pinto pero bago pa man siya makalabas ay nagsalita ako.
"Ako na. Ako na ang magdadala."Saad ko at saka lumapit sa kanya
Kinuha ko sa kamay niya ang sketch pad at saka lumabas.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.