SB 06 : Her Number

866 18 0
                                    

DeeJhay's Pov

Katherine?

Sino ka ba talaga?

Bakit parang kilala kita?

Nasa ganyan akong pagmumuni ng biglang may nagsalita.

"Saan ka galing?"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Nagjogging."Simpleng saad ko

"Bakit ka tulala kanina nung madatnan kita? May problema ba?"

Tiningnan ko lang si Ethan at saka umiling.

"Wala? Pero bakit parang meron?"Paninigurado niya

"Nakita mo na ba si Katherine?"Diretsa kong tanong sa kanya

"Yup, nung ko siyang nakita sa America."Saad niya

"Kamukha siya ni Kathy? Tas parang feeling mo kilala mo siya?"Sunod sunod kong tanong

"Yup, but she's not Kathy! She's Katherine."Saad niya at saka umakyat

Tumayo na din ako at umakyat sa kwarto ko.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay nahiga ako at nakipagtitigan sa kisame.

Bakit napakamisteryosa mo?

Maya maya pa ay naramdaman ko ng bumibigat ang talukap ng mata ko at kalaunan ay nakatulog na ako.

Katherine's Pov

Hindi ko alam kung bakit naging kumportable ako sa pagsabi ko sa kanya ng mystery dream ko. Gumaan yung pakiramdam ko nung sinabi ko yun sa kanya.

Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang may humalik sa akin.

"Hon."Naiusal ko na lamang.

Naupo siya sa tabi ko.

"May problema ba? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo?"Tanong niya

"Wala noh! Tsaka kung magkakaproblema man ako, sasabihin ko agad sayo."Saad ko at niyakap siya at niyakap din naman niya ako ng pabalik.

"Btw. Hon, Kailangan kong pumuntang America. May aasikasuhin lang ako."Saad niya at hinalkan ako sa ulo

"Hanggang kailan naman?"Tanong ko sa kanya

"One month. But bago ka magbirthday andito na ako."Saad niya at saka humiwalay sa pagkakayakap

Imbis na may sabihin pa ako ay tumayo ako at umakyat na sa kwarto ko.

Gabriel's Pov

Naiwan akong nakatulala dahil sa ginawa niya. Imbis na may sabihin siya ay tumayo siya at umakyat sa kwarto niya.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may nagsalita.

"Nakita ko yun."

Agad naman akong napatingin kay Abby na nakasandal sa pinto.

"Huh?"Takang tanong ko

Lumakad siya palapit sa akin at naupo siya sa tabi ko.

"Imbis na may sabihin siya tungkol sa pagpunta mo sa America ay wala siyang sinabi."Saad niya at tinaasan ako ng kilay

"Kailangan ko siyang bisitahin."Simpleng saad ko

"Alam ko, but your reason is just a simple fuck. Tuwing pupunta ka sa America or Somewhere else ay lagi mong paalam kay Katherine na may aasikasuhin ka."Saad niya

"It's her birthday."Simpleng saad ko

"Who? The real or the unreal?"Nakangisi niya pang saad

"What do you mean?"Takang tanong ko

"Alam kong, alam mo ang tinutukoy ko Gabriel."

DeeJhay's Pov

Kanina pa akong gising pero hindi pa rin ako bumabangon.

Hindi mawala wala sa isip ko yung mga sinabi niya.

"But i assure it's a mystery dream at kasama ka dun."

"Ikaw at yung Kathy Fernandez. Hindi ko man nakita ang mukha niyo sa panaginip ko. But i assure na ikaw yung DeeJhay Padilla sa panaginip ko."

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang may pumasok sa kwarto ko.

"Hey, Bumangon ka na. Hapon na ohh?"

Tiningnan ko lang siya at saka naupo sa kama.

"Hindi ka nakapasok sa opisina. May problema ba?"Tanong naman niya

Bumuntong hininga ako at tiningnan siya.

"Hindi ko alam pero parang matagal ko ng kilala si Katherine."Naisaad ko na lamang.

"Bumangon ka na lang at maligo ka na."Saad niya at saka lumabas ng kwarto ko

Bumangon na ako ng tuluyan at saka pumasok sa cr.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lamang ako ng white polo at saka black pants at saka ako nagsapatos.

Pagkababa ko nadatnan ko silang nanunuod ng tv.

Lumapit ako sa mga ito at tumabi ako kay Steffanie.

"Saan ang lakad mo?"Tanong sa akin ni Inigo

"May pupuntahan lang."Saad ko at tiningnan si Steffanie. Busy lamang ito sa panunuod.

Hinalkan ko na lamang siya sa tuktok ng ulo niya bilang paalam.

"Mauna na ako."Saad ko at saka lumabas ng bahay

Hindi ko alam kung bakit ko nasabing may pupuntahan ako kahit wala naman.

Basta nagdrive ako, at dinala ako ng pagdadrive ko sa bahay nila Julia.

Lumabas ako ng kotse at walang alinlangang nagdoorbell.

"Ohh? Kuya DeeJhay. Anong ginagawa mo dito?"Pagbungad sa akin ni Brent

"Kilala mo ba si Katherine?"Wala sa sarili kong tanong

"Hmm. Yes, Why?"Takang tanong niya

"Can i get her number?"Wala sa sarili kong tanong

"Sorry Kuya, sa kanya muna lang siguro kunin."Saad niya at napatango naman ako

"Sige. Mauna na ako. Salamat."Saad ko at saka naglakad pabalik sa kotse.

Hindi ko alam kung bakit ko hinihingi ang number niya.

Ano bang nangyayari sa akin?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon