Katherine's Pov
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto.
Bumangon ako at saka sinuot yung tsinelas.
Inayos ko muna ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto.
Saktong paglabas ko ay siyang bumungad sa akin ni Abby. Makikita mo sa expression ng muka ang galit na may halong pag-alala.
Lumapit ako sa mga ito.
"Abby, Don't blame Manang. Ako yung may kasalanan kung bakit hindi kami nakauwi kagabi."Saad ko pagkalapit ko
"Let's go. Kailangan mo pang mag-ayos."Saad niya at saka niya ako hinila palabas ng bahay.
Isinakay niya muna ako at saka siya sumakay. Habang binubuksan nito ang engine ay nahagip ng mata ko si Sean. Nakatingin ito sa akin, kaya ako na yung unang nag-iwas.
Kailangan paglisan ko dito, ay siyang paglimot ko sa mga nangyari except sa mga nalaman ko.
Sinandal ko ang ulo ko at saka pinikit ang mga mata ko.
"Are you out of your mind?"
Napamulat naman ako at saka siya tiningnan.
"Im not."Simpleng saad ko
"Hindi ko alam na magagawa mo to, your insane. Nagstay ka pa talaga ha!"Iritable niyang saad
Imbis na makipagtalo ako sa kanya ay pinikit ko na lamang ang mga mata ko.
••••
Pagdating namin sa hacienda barreto ay agad bumaba si Abby.
Labas na pala ng Hacienda yung narating ko kaya ganun na lamang ang galit ni Abby.
Bumuntong hininga muna ako at saka lumabas ng kotse niya.
Saktong paglabas ko ay nakita ko si Sean kausap si Manong Tan.
Anong ginagawa niya dito?
Lumakad na lamang ako papasok sa bahay na para bang hindi ko siya nakita.
Nasa tapat na ako ng pinto ng biglang may humawak sa braso ko.
Nilingon ko naman ito.
"Sorry for what--"
Agad ko namang pinutol ang sasabihin niya.
"Wala kang dapat ikahingi ng tawad. Ginusto mo, ginusto ko. Pero mali ee. May fiance na ako, ikakasal na ako."Saad ko at saka pumasok ng bahay.
Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa kwarto.
Inimpake ko muna na ang damit ko at saka naligo.
Nagbihis lamang ako ng black v-neck tas short.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay sinukbit ko na sa balikat ko ang bag. At saka nagtungo sa kwarto ni Abby.
Kumatok muna ako at saka pumasok, pero pagpasok ko ay wala siya.
Nasaan yun?
Binaba ko naman muna ang bag ko sa kama niya at saka siya tiningnan sa cr.
Pero wala siya.
Tss. Nasaan ba yun?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang bag niyang nakaimpake na.
Tss. Saan naman ba nagpunta ang babae yun?
Kinuha ko na lamang ang bag ko at saka sinukbit sa balikat ko.
Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang mga susing may pangalan.
Kinuha ko ito at saka inilagay sa bag ko.
Lumabas agad ako sa kwarto ni Abby at saka bumaba.
Nadatnan ko naman sa sala si Manong Tan.
"Nakita niyo po ba si Abby?"Magalang kong tanong dito
"Ayy! Oo, lumabas ee. Kakausapin niya lang daw yung mga trabahador."
Tinanguan ko na lamang si Manong at saka nagpaalam at saka lumabas ng bahay.
Saktong paglabas ko ay nadatnan ko na naman si Sean.
Papasok na sana ako sa kotse ng bigla niya akong hilahin at saka yinakap.
Tinulak ko naman siya at saka sinamaan ng tingin.
Bumuntong hininga naman muna ako at saka pumasok sa kotse.
Habang hinihintay ko si Abby ay kinuha ko ang mga susing may pangalan.
Abby's Room
Gabriel's Room
K's Room
K's Room?
Napangisi naman agad ako. Ngayon mabubuksan na kita.
Agad ko namang tinago ang susi ng makita kong palapit na si Abby.
"Let's go."Saad niya at tumango lamang ako.
Habang nasa biyahe kami pabalik ng manila ay hindi mawala sa isip ko ang binulong sa akin ni Sean bago ko siya itulak.
"Wala akong pake sa fiance mo, Wala rin akong pake kung ikakasal ka na. Basta ang alam ko im starting to like you."
Napailing na lamang ako at saka tumingin sa labas ng bintana.
Bakit Sean?
Bakit hindi mo na lang ako kalimutan?
Isinandal ko ang ulo sa kinauupuan ko at saka pumikit.
Kailangan kong kalimutan ang nangyari sa pagitan namin.
"May fiance ka na at malapit ka ng ikasal. So, kalimutan mo na ang nangyari sa hacienda at sa inyo ni Sean. Wag mo nga lang kakalimutan ang mga nalaman mo. Calm yourself Katherine."
Minulat ko ang mga mata ko at saka bumuntong hininga.
"Are you okey?"
Napatingin naman ako kay Abby na nagdadrive.
"Im okey."Nakangiwi kong saad
"But, mukha kang hindi okey."Saad nito habang nakatingin pa rin sa daan
"Im okey. Okey."Nakangiti kong saad at saka tumingin sa labas ng bintana.
Goodbye, Mr.Annoying-slash-Sean Dela Vega.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Oohh! Goodbye na nga ba? O See you soon?
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.