Katherine's Pov
Hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong kirot ng makita kong may kausap siyang babae, yung pag-upo niya na may kasamang kunot ng noo.
Hindi ko alam kung bakit parang kung ano sa loob loob ko kaninang gusto ko siyang yakapin.
Biglang nagflashback yung nangyari kanina.
Flashback ..
Katext ko si Gabriel ng maramdaman ko ang presensya ni DeeJhay. Itinago ko sa bag ang phone ko.
"Bakit kunot na kunot yang noo mo?"Takang tanong ko habang hinahanda ang pagkain ko
"Wala."Naiusal na lamang niya
May mali ee?
"Meron ee, Spill it."Saad ko at saka nag-umpisang kumain.
"Wala nga, Kain na lang tayo."Saad niya at saka nag-umpisa na ring kumain
Naging tahimik ang pagkain namin, walang nagsasalita sa amin.
"Nabusog ka?"Tanong ko, tumango lamang siya
"Mukhang pagod ka na, Sige na. Umuwi ka na. May bibilhin pa kasi ako."Saad ko
Napatingin naman siya sa akin.
"Thanks for your time."Saad ko at saka naglakad papalabas ng KFC.
End of Flashback ..
Hindi ko na rin siya nagawang lingunin pa nung pagkalabas ko pero nung makita ko siyang naglakad takbo at palingon lingon.
Nag-assume ako na hinahanap niya ako. Kaya naisip kong bilhan si Steffie ng gift at siya ang magbigay.
Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang magring ang phone ko.
Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sino ang caller.
Gabriel Calling ..
Bumuntong hininga muna ako at saka ito sinagot.
"Hon."Pagbungad ko
"Nag-alala ako bigla nung hindi ka magreply sa text ko."Saad niya
"Sorry."Naiusal ko na lamang
"It's okey, but manang told me na umalis ka daw ng bahay. Saan ka galing?"Pag-uusisa niya
Napabuntong hininga naman agad ako.
Sasabihin ko ba?
Parang pagtataksil na yung gagawin ko kung hindi ko sasabihin ang totoo.
Bahala na nga.
"Nagmall."Saad ko at hindi pinahalata ang kaba
"Ikaw lang?"Tanong naman niya
"Yup, Kelan nga pala ang uwe mo? Malapit na yung birthday ko."Pag-iiba ko ng topic
"Hindi ko pa alam ee, pero im sure na bago ka magbirthday o sa mismong araw ng birthday mo ay makakauwe ako."Saad niya
Napatango na lamang ako kahit hindi niya nakikita.
"Nga pala, bukas uuwe dyan si Abby. Para tingnan yung hacienda. Gusto mong sumama sa kanya?"Tanong naman niya
"Nope, Dito na lang siguro ako sa bahay."Saad ko
"Okey, Ibaba ko na ha! Alam ko kasing gabi na dyan ee. Goodnight. Loveyou."Saad niya at saka ibinaba ang tawag
Napabuntong hininga ulit ako at nakikipagtitigan sa kisame.
Hacienda?
May memories kaya kami dun ni Gab?
Gabriel's Pov
Saktong pagkababa ko ng tawag ay siyang pasok naman ni Abby.
Naupo ito sa sofa at seryosong nakatingin sa akin.
"What's your plan?"Seryoso nitong tanong
"Plan? What?"Takang tanong ko dito
"Pinapauwe mo ako ng pinas, para tingnan yung hacienda niyo o para bantayan si Katherine?"Seryoso nitong tanong
Kunot noo ko naman itong tiningnan.
"Pinapauwe kita sa pinas dahil para tingnan ang lagay ng hacienda. Alam mong hindi ko na nabibisita yun simula nung mamatay si Athena."Saad ko
"Yeah, Si Athena."Saad pa niya at saka nagroll eyes
"Nga pala, Hindi sasama sayo si Kath."Saad ko at uminom ng juice
"Edi ayos, paniguradong may mga taong nakakakilala sa kanya dun."Makahulugan niyang saad
Natahimik naman ako sa isinaad niya.
Maraming nakakakilala sa kanya sa hacienda dahil minsan na rin siyang napadpad dun.
Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita ulit si Abby.
"What if, Hindi mo siya nakilala? Siguro hindi aabot sa puntong ito noh?"Napapaisip niyang saad
"Paano mo nasabi?"Takang tanong ko sa kanya
"Simple, 'cause she's not my bestie."Nakangisi niyang saad.
"Sabihin nating kaugali niya nga ito, pero ang tanong kamukha niya ba ito?"Nakangisi pa niyang tanong at saka tumayo at lumabas ng kwarto.
Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa isip ko yung mga sinabi niya.
"What if, Hindi mo siya nakilala? Siguro hindi aabot sa puntong ito noh?"
"What if, Hindi mo siya nakilala? Siguro hindi aabot sa puntong ito noh?"
"What if, Hindi mo siya nakilala? Siguro hindi aabot sa puntong ito noh?"
"What if, Hindi mo siya nakilala? Siguro hindi aabot sa puntong ito noh?"
Napailing na lamang ako sa kawalan.
Paano nga kaya kung hindi ko siya nakilala?
Nangungulila pa rin kaya ako sa kanya?
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Sino kayang bestie ang tinutukoy ni Abby?
Short Update ツ
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.