SB : 32 (Amnesia)

699 11 0
                                    

DeeJhay's Pov

Kagabi pa akong badtrip na badtrip. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba nakita kong naghahalikan si Katherine at Ethan?

Tss.

Inis akong napatingin sa laptop ko at saka ito sinara.

"Mukhang bad mood ka ahh? Bakit?"Nakangising tanong sa akin ni Romce

Hindi ko ito sinagot. Imbis ay napatingin ako sa dalawang taong bumaba ng hagdan.

"Hindi ko alam na andito ka pala Ms.Williams?"Iritable kong saad

Napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Wala ka kasi dito kagabi Mr.Padilla."Saad ni Katherine at saka naupo sa tabi ni Inigo

"Yo, Yo, Good morning."

Napatingin naman kami sa bagong dating.

Tiningnan ko naman si Katherine. Suot nito ang button up ni Ethan. Tss.

"Hey, Miss Katherine."Nakangiting saad ni Angelo

Nakatingin lamang si Katherine dito.

"Good morning again."Saad ni Angelo at saka umakyat

Tiningnan ko naman si Katherine, nakatungo na ito at nakapikit.

"Darling, Are you okey?"Nag-aalalang tanong ni Ethan dito

Napakunot naman ang noo ko dahil sa tinawag sa kanya ni Ethan.

Darling?

"Darling, Anong masakit?"Nag-aalala namang tanong nito pero hindi siya sinagot nito.

"Mukhang nagseselos ka ahh."Bulong ni Inigo sa akin

Inis naman akong napatingin dito.

Nakangisi ito sa akin.

Inis kong kinuha ang laptop ko at saka tumayo't lumakad paakyat.

Nagseselos ako? What the f*ck?

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay binuksan ko agad ang pinto, papasok na sana ako ng makarinig ako ng sigaw galing sa baba.

"KATHERINE."

Dali-dali kong inilagay sa kama ang laptop ko at saka nagtatakbo pababa.

Pagkababa ko ay nadatnan kong aligaga ang lahat.

Tiningnan ko si Ethan. Yakap yakap niya si Katherine habang tinatapik tapik naman ni Inigo ang pisngi nito.

"Anong nangyari dito?"Tanong ko sa kanila

Pero kahit isa walang sumagot.

"DeeJhay, Ihanda mo na ang kotse. Dali."Utos sa akin ni Inigo

Wala ako sa sariling sumunod, Nang mailabas ko sa garahe ang kotse ay bumusina ako.

Maya-maya ay nakita ko na si Ethan na naglalakad palapit dito.

Bumaba ako ng kotse at agad binuksan ang pinto ng kotse.

"Hurry up, DeeJhay."Utos na naman ni Inigo

Tss. Nang maisara ko ang pinto ng kotse ay agad akong tumakbo papunta sa driver seat.

Pagkasakay ko dito ay agad ko itong pinaharurut sa malapit na hospital.

"Ano ba kasing nangyari?"Tanong ko

Tiningnan lang ako ni Ethan at saka tumingin kay Katherine.

Tiningnan ko naman si Katherine sa salamin.

Nakapikit ito at namumulat ang labi.

Ano ba kasing nangyari?

Nang makarating na kami sa tapat ng hospital ay agad kong pinark ang kotse.

Bumaba naman agad si Inigo at saka binuksan ang pinto ng kotse para makalabas na si Ethan.

Nang makalabas si Ethan ay dali dali niyang ipinasok sa hospital si Katherine habang buhat buhat nito.

Tiningnan ko naman si Inigo na agad ding sumunod kay Ethan papasok.

Hindi ko alam pero parang ayaw kong malaman kung ano ang nangyari kay Katherine?

Parang natatakot akong may malaman?

Ethan's Pov

Nasa emergency room pa rin si Katherine at hanggang ngayon ay walang lumalabas na doctor. Kung meron mang lumalabas ay nurse para may kunin.

Napasabunot ako ng maalala ang nangyari.

Flashback.

"Yo, Yo, Good morning."

Napatingin naman kami sa bagong dating.

"Hey, Miss Katherine."Nakangiting saad ni Angelo

Nakatingin lamang si Katherine dito.

"Good morning again."Saad ni Angelo at saka umakyat

"Darling, Are you okey?"Nag-aalala kong tanong dito ng makita ko itong nakatungo at nakapikit.

"Darling, Anong masakit?"Nag-aalala kong tanong dito

Tatayo na sana ako ng biglang bumagsak si Katherine sa sahig.

Nakapikit pa rin ito, pero nagulat ako ng biglang banggitin niya ang pangalan ni ..

"Angelo." At saka ito tuluyang nawalan ng malay

End of flashback.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa nangyayari ngayon.

Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang lumabas ang doctor.

Agad akong tumayo at saka lumapit dito.

"Sinong kamag-anak ng pasyente?"Tanong nito

"Ako po, Im her fiance."Saad ko dito mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang nakakunot na noo ni Inigo at masamang tingin ni DeeJhay

Tss.

"Buti nadala niyo siya agad dito. Hindi na kinaya ng brain niya ang mga alaalang naaalala niya. Marami na akong nakitang taong may Amnesia, pero kakaiba ang kanya."Saad nito at saka pumasok ulit ng E.R

Napatingin naman ako kay Inigo at DeeJhay na may pagtataka na sa mukha.

Bigla kong naalala ang sinabi ng Doctor.

Amnesia?

Si Katherine?

Napatingin naman ako sa pinto ng E.R.

May posibilidad na tama ang hinala ko?

Umpisa pa lang ay alam kong ikaw at siya ay iisa.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Oppps!

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon