SB : 46 (The guy in black disguise)

606 11 0
                                    

Greyson's Pov

"You know me well, Greyson."

"You know me well, Greyson."

"Youu know me well, Greyson."

"You know me well, Greyson."

Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa isip ko ang mga katagang yan. Kilala ko naman siya ee. Bakit ko nga ba siya tinanong ng 'Do i know you?' Ee, kilala ko naman siya.

Biglang sumagi sa isip ko yung nangyari one year ago. Napailing na lamang ako at saka uminom.

"Hindi ka pa rin ba makaget over?"Natatawang tanong ni Romce

Imbis na sagutin ko siya ay itinaas ko na lamang ang middle finger ko.

Tumawa naman siya ng tumawa.

"Sana mamatay ka kakatawa."Inis kong saad at saka naglakad papuntang kusina

Katherine's Pov

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay nila DeeJhay ay agad akong sumakay sa kotse at saka ito pinaandar pabalik ng hotel.

Habang nasa biyahe, bigla na lamang sumagi sa isip ko yung private cemetery ni Abby.

Hindi ko alam pero parang kailangan kong malaman kung bakit may private cemetery si Abby sa Florida.

Maybe kailangan ko nga talagang pumunta don as soon as possible.

Habang nasa State? Sila Gabriel. Nasa State nga ba sila?

Napailing na lamang ako sa naisip ko.

Nang makarating ako sa tapat ng hotel ay agad akong bumaba at saka ibinigay sa isang lalaki yung susi ng kotse para mapark ng ayos.

Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makaabot ako sa pagsakay ng elevator.

Nang makapasok ako ng elevator ay agad kong pinindot ang floor ng room ko. Idunno, pero parang may weird lang talaga dun sa private pachurva ni Abby ee.

Naipikit ko ang mata ko at saka bumuntong hininga.

"AJA"hindi ko namalayang naisigaw ko

Nakapeace sign akong tumingin sa mga tao dito sa loob ng elevator.

| Ting |

Nang marinig ko agad ang ting ay agad akong lumabas ng elevator.

"Ghad! Nakakahiya talaga."Bulong ko habang naglalakad papunta sa room ko pero agad akong napabalik ng elevator ng mahalata kong hindi ito yung floor ng room ko.

Nasipa ko na lamang ang pader ng biglang sumara ang elevator.

"Ugh!"Sigaw ko

Napapikit na lamang ako sa inis.

"Bwisit."Sigaw ko ulit

Lalakad na sana ako papunta sa hagdan patungo sa floor ko ng biglang may humila ng kamay ko.

Inis ko itong nasigawan.

"ANO BA? BWISIT NA NGA YUNG ELEVATOR, PATI BA NAMAN IK--"natigilan ako ng bigla niya akong halikan.

Naitulak ko naman agad ito dahil sa inis.

"Problema mo?"Iritable kong tanong dito

Tumayo naman ito at saka pinagpagan ang sarili.

"I.. Paano ba?"nag-aalinlangan niyang saad

"Who the hell you?"Iritable kong tanong dito

Pinagmasdan ko naman ito mula ulo hanggang paa.

"Pamilyar ka? Saan na nga ba kita nakita?"Taka kong tanong dito pero napakamot na lamang ito sa ulo

"Sumama ka sa akin, dun mo malalaman kung sino ba ako? At kung ano ba ako sa past mo?"Saad nito

Taka ko naman itong tiningnan.

"Saan mo naman ako dadalhin?"Mataray kong tanong dito

"Sa room ko."Nakangisi nitong saad

"Sht. One, two, three. Run."Bulong ko at saka nagtatakbo papunta sa elevator.

"RAPE, RAPE, RAPE."sigaw ko habang natakbo papunta sa elevator

Sisigaw pa sana ako ng biglang may tumakip ng bibig ko.

"#*$&$&#*#*#"

"What?"Asar nitong tanong

Nagpapadyak naman ako pero hindi pa rin niya talaga ako pakawalan.

"What a cute scene."

Agad naman kaming napatingin sa nagsalita.

"Can you please help me?"Tanong naman nitong lalaking tumatakip sa bibig ko dun sa lalaking nakasandal sa pader

Lalo pa akong nagpapadyak ng biglang lumapit yung lalaking nakasandal kanina sa pader.

Naipikit ko na lamang ang mga mata ko.

"Open your eyes."Saad nito pero hindi ko siya sinunod

Naramdaman ko na lamang ang biglang pagbuhat nito sa akin. Saan naman ako dadalhin ng rapist na ito?

Naimulat ko ang mga mata ko ng padabog niya akong inilapag sa malambot na bagay.

"Anong kailangan niyo?"Tanong ko sa mga ito

"Wala kaming kailangan sayo."Saad nung isa

Napangisi naman ako.

"I know who the hell you."Walang gana kong saad at saka sila tinaasan ng kilay

Sumandal ito sa couch at saka prenteng itinaas ang paa.

"Who i am?"Nakangisi nitong saad

"The guy in black disguise."Walang gana kong saad

Agad naman itong napatingin dun sa lalaking kanina kong tinawag na rapist.

"Siya yung 'The guy in black disguise' not me."Natatawa nitong saad

Kaya pala parang pamilyar.

"Sino ba kayo?"Tanong ko sa mga ito

"Siya si Jaime, siya yung nagdala nung itim na kahon sa room mo. Tanda mo?"Tanong nito

Tumango lamang ako bilang sagot.

"Im Brett, the one and only."Nakangiti nitong saad

Napairap na lamang ako sa kawalan.

"So, What now?"Inis kong tanong sa mga ito

"Gusto ka lang naming tulungan."Saad ni Brett

"Pero ang pagtulong namin sayo ay may kapalit na kapahamakan."Walang emosyong saad ni Jaime

"Grabe! Grabe! Straight forward mo masyado."Natatawang saad ni Brett

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Baka may masaktan na naman."Walang emosyong saad nito

"Nagka-ayos ba kayong dalawa?"Takang tanong ni Brett

Para ba itong natigilan at saka napatingin sa akin.

"What?"Inis kong tanong dito pero imbis na sumagot siya ay bigla itong tumayo't naglakad papunta sa kama.

"Wag mo ng pansinin yun. Tara sa cafe sa baba. Treat ko."Nakangiting saad ni Brett

"No, i need to go na."Saad ko at saka naglakad papunta sa pinto

Pero nung malapit na ako ay agad itong nagsalita kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Puntahan ka namin mamayang dinner ha!"Saad nito

Itinaas ko na lamang ang kanang kamay ko bilang sagot.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon