SB : 12 (Bonding with her)

717 15 0
                                    

DeeJhay's Pov

Masaya kong pinanuod si Steffanie na maglaro, kung andito lang sana si Kathy ay sabay kaming pinanunuod si Steffanie.

Biglang pumasok sa isip ko si Katherine.

Napabuntong hininga ako at saka tumayo at nagtungo kay Ethan.

"Bantayan mo muna si Steffanie."Saad ko dito at saka naglakad palabas ng bahay.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar.

Nagtungo ako sa mall ko, Sa DP Mall. Kailangan kong tingnan kung ayos na ang sales nito.

Sabi kasi ni Kira ay hindi daw ayos ang sales nito dahil ng may aberya daw sa cinema's.

Pagkadating sa DP mall ay agad kong pinark ang kotse ko at saka bumaba.

Naglalakad ako papunta sa main office ng mall ng biglang may mahagip ang mga mata ko ng isang pamilyar na tao.

Yung tindig niya.

Yung buhok niya.

Lumakad pa ako para makita ko kung tama nga ba ako.

May mga taong nagpapapicture sa kanya. At siya naman itong todo intertain.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay saktong tapos din ng pagpapapicture sa kanya.

"Hey."Saad ko, paglapit sa kanya

Agad naman siyang napalingon.

"Hey."Pagbati niya

"What are you doing here?"Tanong ko sa kanya

"Naggagala?"Parang hindi niya sure na saad

"Mag-isa?"Tanong ko ulit sa kanya

Nasaan ang fiance mo?

"Yup, Nakakabagot kasi sa bahay."Saad niya

"You? What are you doing here?"Balik tanong niya

"May aayusin lang."Saad ko at tumango naman siya

"Gusto mo samahan na lang kita?"Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya

"Sure."Nakangiti niyang saad

Lalakad na sana kami ng biglang magring ang phone niya.

"I answer it muna."Saad niya at saka sinagot ang tawag

Yung Gabriel siguro.

Nang matapos niyang kausapin ang tumawag sa kanya ay nagyaya siya sa Men's boutique.

"Anong gagawin natin dito?"Takang tanong ko

Bakit ba nagtanong pa ako? Syempre ibibili niya ng damit si Gabriel.

Shit. Nagseselos ba ako?

Tiningnan ko si Katherine busy ito kakapili ng mga damit, at hindi niya sinagot yung tanong ko.

"Anong ginagawa natin dito?"Tanong ko ulit

"Here, Sukatin mo."Saad niya at inabot ang sangkaterbang damit sa amin.

Taka ko itong tiningnan pero isang ngiti lamang ang natanggap ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magsukat.

Button Up Sleeves na white, black.

Long sleeves na iba't iba ang kulay at iba pa.

Sukat, pakita sa kanya, sukat, pakita sa kanya.

At sa wakas na tapos yung pagsusukat ko na akala ko'y hindi na matatapos.

Jusko, Sa dami ba naman ng sinukat ko.

"Ang dami naman niyan. Para kanino ba yan? At sa akin mo pinasukat?"Tanong ko sa kanya, pagkabayad niya

Lampas sa isang dosenang paper bag yung bitbitin niya noh.

"Para sayo, kaya ko nga sayo pinasukat ee."Saad niya at pinabitbit sa akin ang iba

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Thank you gift yan."Saad niya at saka binitbit ang ibang paper bag

"Wala ka na bang bibilhin?"Tanong ko sa kanya

"Wala naman talaga akong bibilhin ee, kaso sinamahan mo ako kaya may binili ako."Nakangiti niyang saad at saka lumabas ng boutique

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami.

Tss. Instant Celebrity nga pala itong kasama ko.

"So, Saan tayo?"Tanong niya

"Lagay kaya muna natin ito sa kotse ko."Pagsasuggest ko pero imbis na pansin niya yung suggestion ko ay pumasok ito sa Isang Food Store.

Taka ko naman itong sinundan ng tingin.

Papasok na sana ako ng lumabas siyang may dalang cart at dun na nakalagay ang mga paper bag na bitbit niya kanina.

Nakangiti naman itong naglalakad pabalik sa akin.

"Hiniram ko. Para habang nag-eenjoy tayo hindi tayo mahihirapan magbitbit ng mga ito."Saad niya, pagkalapit niya sa akin

"Ilagay mo na."Utos niya sa akin

Sinunod ko naman ang utos niya.

Nang mailagay ko na ang mga paper bag ay itinulak niya na ito at naglakad na.

Sumunod naman ako sa kanya. Nang malayo layo na siya sa akin ay hinabol ko siya.

"Ang bilis mo maglakad."Hingal na hingal kong saad

"Nuod tayo ng sine."Pagyayaya niya

"Sure."Pagpayag ko at saka inilagay ang mga kamay ko sa tulakan ng cart at sabay namin itong tinulak.

Kung titingnan ay para kaming couple but it's not.

Biglang sumagi sa isip ko si Steffanie.

Dapat pala ay naisama ko na ang batang iyon para nakapag-enjoy siya.

"Thanks."

Napabalik ako sa reyalidad, hindi ko namalayang andito na pala kami sa bilihan ng ticket para makapanuod ng sine.

"Let's go."Pagyaya niya, tinanguan ko na lamang siya at saka pumasok sa loob.

Naghanap kami ng upuan at dun ko lang napagtantong nawawala yung cart.

Lalakad na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko.

"Hinabilin ko sa counter girl yung cart."Nakangiti niyang saad at dun ako naupo sa tabi niya

"Lutang ka kasi kaya hindi mo namalayang hinabilin ko yung cart."Saad pa niya, saka tinutok ang mga mata sa panunuod.

Tinutok ko na lamang sa panunuod ang mga mata ko, pero hindi ko maiwasang tingnan siya.

Seryosong seryoso siya sa panunuod.

Paano kung ikaw nga si Kathy?

Umiling iling ako dahil sa naisip ko. Malabong mangyari yun dahil patay na siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon