SB : 55

558 8 1
                                    

Kira's Pov

Napahinto ako ng makitang may bungguan. Hindi ko makita kung kanino yung isang kotse.

Bumaba ako sa kotse. At saka kinakabahang naglalakad patungo sa isang kotse.

Natigilan ako ng makita ko kung kaninong sasakyan yung nabunggo.

Kay Kathy.

Lalapit na sana ako ng maunahan ako ni Diamond.

What the fvck?

Anong ginagawa mo?

Nang magtama ang tingin namin ay isang ngiti lang ang natanggap ko.

Ewan ko pero gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa akin at naglakad ako papalapit kay Diamond na kasalukuyang buhat-buhat si Kathy sa kaniyang balikat.

Tinaasan niya ako ng kilay ng makalapit ako sa kanya.

"What?"Mataray na tanong nito

"Anong ginagawa mo?"Naguguluhan kong tanong

"As you see, buhat ko siya."Saad nito

"Nakikita ko nga."Saad ko na lamang

Napangiti na lamang siya at saka sinakay sa motor niya si Kathy.

Sumakay na si Diamond at saka nito tinalian yung kamay ni Kathy paikot sa bewang niya.

Tiningnan naman niya ako.

"Fix this mess, darling."Nakangiti niyang saad at saka paharurut na umalis

Napatulala na lamang ako sa kawalan.

What the hell, she say?

Agad akong napalingon sa kumalabit sa akin.

Isang pulis?

"Kaibigan po ako ng isa sa mga may-ari ng kotse. Humihingi po ako ng tawad sa kaguluhang naganap. Nakainom po kasi ang aking kaibigan."Nakangiti kong saad

Pinangunahan ko na agad yung pulis kasi panigurado namang tatanungin niya pa ako.

Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at saka kinuha ang cheke dun.

Buti na lang talaga dala ko lagi ang wallet ko kung hindi nasa alanganin ako ngayon haaaays.

"May ballpen po ba kayo?"Tanong ko sa pulis

Agad naman itong kumuha ng ballpen sa bulsa niya.

Kinuha ko naman agad iyon at saka inilagay ang halaga na makakapagpaayos sa mess na sinasabi ni Diamond.

"Tanggapin niyo po ito para sa mga danyos na nagawa ng aking kaibigan."Nakangiti kong saad at saka inabot yung cheke at ballpen

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya. Naglakad na agad ako patungo sa kotse.

Haaaaays! Lusot!

Diamond's Pov

Pagkarating sa parking lot ng condo ay agad kong inihinto ang motor ko at saka tinagtag ang tali sa kamay ni Kathy na nakapulupot sa bewang ko upang hindi siya mahulog.

Dahan dahan akong bumaba ng motor habang alalay ko pa rin si Kathy'ng wala pang malay.

Pagkababa ko ay agad ko naman itong binuhat sa kaliwang balikat ko na parang isang sakong bigas.

Ang bigat niya grabe!

---

"Ugh!"Ungol ko pagkababa ko sa kanya sa kama

"Ang bigat mo!"Ungol ko ulit at saka naupo sa couch

"Grabe ka, Fernandez! Ang bigat mo!"

Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ko kung bakit hinahunting ni Emerald si Kathy.

Dahil sa trono na matagal niyang inaasam ngunit napunta sa kaniyang matalik na kaaway.

Mapaacademic!

Mapa-athlete!

Sa lahat ng bagay na lamang yata magkaaway sila! Never ko silang nakitang naging magkabati kahit isang segundo haaays!

Tumayo ako at saka naupo sa kama't pinagmasdan ang maamong mukha niya.

"Alam mo bang laging nangunguna si Ate Emerald noon? Nung mga panahong wala ka pa sa Japan. Wala ka pa sa buhay ko. Sa buhay niya. Sa buhay naming lahat. Tapos alam mo ba nung dumating ka lagi na lamang pumapangalawa si Ate Emerald, hangang-hanga nga ako sayo ee. Kasi ikaw yung unang tao na nakatalo kay Ate Emerald. Naging malapit ako sayo at ganun ka rin naman sa akin ang kaso selosa si Ate Emerald. Ayaw niyang may kahati siya sa kapatid niya at ako yun."Mahabang saad ko

Napapangiti na lamang ako habang inaalala kung saan nag-umpisa ang lahat.

"Tapos nalaman ko pa na may binubuo kang Gang. Tuwang tuwa ako ng malaman ko yun. Gusto kong sumali sa inyo pero pinagbawalan ako ni Ate Emerald. Alam ko naman kasing may Gang si Ate Emerald nun pero hindi ako natuwa nung malaman ko hindi kagaya nung tuwa na naramdaman ko nung malaman kong may Gang ka. Napanuod ko pa yung una mong laban, kalaban mo nun ang gang ni Ate Emerald. Natalo sila. Sumumpa si Ate Emerald na magrerematch kayo pag nakuha mo na yung trono upang pag natalo ka niya madali na lamang mapapunta sa kanya ang trono pero nung malaman ni Ate Emerald na reyna ka na sa gang world ay wala ka na sa japan. Nakalipad ka na pala sa Amsterdam at dun ka naman pala bumubuo ng bagong Gang."Salaysay ko

"Alam mo bang pinalakas ni Ate ang gang niya para sa muling paghaharap niyo matatalo ka na niya pero may mga hindi inaasahan na pangyayari."Malungkot kong saad

"Our Mom died because of Ate Emerald's fault. Aksidenteng napaputukan ni Ate si Mommy. Naging kritikal ang lagay ni Mommy kasi sa may bandang puso daw tumama. Sayo sinisisi ni Ate lahat. Kung hindi ka daw umalis ng japan nun edi sana reyna na siya kasi natalo ka na niya. Kaya heto siya ngayon gumagawa ng paraan upang makuha niya na ang trono mo."

"Gusto man kitang tulungan, pero alam kong wala akong magagawa kung hindi pigilan ang mga taong gustong magpaalala sayo ng lahat. Kasi pag nakatunog si Ate na may naaalala ka na gagawin niya lahat. Just to win the crown? Fight?"Saad ko

Hindi ko alam kung bakit ako nagsasabi? Nagkekwento sa kanya ee gayung hindi niya naman ako maririnig dahil tulog siya.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka tumayo't naglakad papunta sa pinto.

"Sleep well, Fernandez!"Saad ko at saka lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko sa kwarto ay bigla na lamang akong naistatwa.

"What's your plan?"

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon