SB 11 :

686 13 0
                                    

Katherine's Pov

Nagising ako dahil sa pagtapik ng isang tao. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong andito pa rin ako sa labas.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Ghad!

"Katherine, Iha bakit dito ka sa labas natulog? Tas sa lupa ka pa nakahiga. Naku! Magkakasakit ka niyan."Nag-aalalang sambit ni Manang

Nginitian ko na lamang siya at saka pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay nahiga ako sa sofa at inalala yung vision na nakita ko kagabi.

Tuwing sasakit ang ulo ko ay may nakikita akong vision o may napapanaginipan ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit napapanaginipan ko yung mga ganun. Para bang may gusto silang ipaalala.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Abby nung nakaraang araw.

"Ahh. One year ago na nga nung nangyari yung car accident. Wala ka bang naaalala?"

Anong gustong ipahiwatig ni Abby?

Nasa ganun akong pag-iisip ng maramdaman kong may tumapik sa akin.

"Ayos ka lamang ba?"Nag-aalalang tanong ni Manang

Bumangon ako at naupo ng maayos.

"Ayos lamang po ako Manang. Wala kayong dapat ipag-alala."Nakangiti kong saad

"Magaling naman kung ganun. Siya mauna na ako at mamalengke pa ako."Pagpapaalam niya at tanging tango lamang ang naisagot ko.

Pagkalabas na pagkalabas ni Manang ng bahay ay agad din akong umakyat sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama habang hawak hawak ang phone ko.

Gusto kong itext si Abby kung saan akong lugar pwedeng pumunta kung saan din ako makakaalala.

Tumitig ako sa kisame at bigla kong naalala yung kwarto na ayaw nila akong papasukin.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kwartong yun.

Nung andun na ako ay sinubukan kong buksan ngunit hindi magbukas.

Nakalock ito.

Bakit kailangan pang ilock?

Ano bang nasa likod ng pintong ito at ayaw na ayaw nila akong papasukin dito?

Anong tinatago niyo dito?

Bumaba ako at hinanap ang susi nung kwarto pero nabigo ako.

Umakyat ulit ako.

"Mabubuksan din kita."Bulong ko at saka nagtungo sa kwarto ko.

Naupo ako sa kama.

Alam kong may tinatago sila sa akin?

Hindi ko alam kung ano pero malalaman ko rin yun.

Gagawa ako ng paraan upang malaman kung ano yung nasa loob ng kwartong yun.

•°•°•°•

"Are you okey?"Nag-aalala niyang tanong

"Yup, I am okey. Ikaw?"Balik tanong ko sa kanya

"Pagod lang. Grabe kahit andito na si Abby. Doble pa rin yung pagod ko."Saad niya

"Bukas na lang ulit siguro. Pahinga ka na. Byee."Saad ko at saka sinarado ang laptop ko

Ilang oras din kaming magkaskype.

Sinaulo ko bawat emosyong lalabas sa mukha niya.

Inilagay ko yung laptop sa side table ko at saka lumabas ng kwarto.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng marinig kong may kausap si Manang.

"Ayos lamang naman siya. Naku! Nadatnan ko ngang natutulog siya sa labas kanina eh. Sabi naman niya ay ayos lamang siya. Sige, Iha lilinisin ko. Siya siya, ibaba ko na. Mag-ingat kayong dalawa dyan."

Bago pa ako mahuli ni Manang na nakikinig sa usapan nung kausap niya ay agad akong bumalik sa kwarto at inilock yun.

Anong lilinisin?

Parang kilala ko na kung sino ang kausap niya.

Si Abby?

Kinuha ko yung laptop ko at sinearch sa google ang pangalan niya.

Pero iba ang na lumabas.

Abby Fulgar has own the private Cementery.

Binuksan ko yun at tumambad sa akin ang litrato ni Abby.

May yakap yakap itong isang maliit na jar. Tas yung isa naman ay nakahawak na siya sa isang lapida habang hindi siya nakatingin sa camera. It means candid shot. Iniscroll down ko pa, marami siyang picture sa private cementery kuno na pagmamay-ari niya. Habang iniiscroll down ko ay may nahagip ang mga mata ko.

Siya at si Gabriel habang parehas na nakatingin sa lapida.

Sino yung patay?

Hinanap ko sa details ng litrato kung saan ito pero nabigo lamang ako.

Saan tong lugar na ito?

Pinagmasdan kong maigi yung litrato at dun ko na pagtantong sa Florida ito.

Anong ginagawa nila dun?

At kelan pa ito?

Maraming tanong na alam kong hindi masasagot. Pero hahanap ako ng sagot.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Emeghed 😱😱 Sino kaya yung patay?

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon