Katherine's Pov
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong kirot na nanggagaling sa parteng pababa.
"AAAAAAAAAAAAAAAH"
Minulat ko ang mga mata ko at dun ko nakita sila Kira.
"Sorry, kailangan kong gawin yun ee."
Napatingin naman ako sa paanan ko at dun ko naman nakita si Athena.
"Tss."Naiusal ko na lamang
Dahan dahan akong bumangon at tinulungan naman ako nila Aria.
"Ngayong gising ka na, maaari na nating mailibing si Gabriel Baretto na naging fiance mo dahil sa pagpapanggap mo bilang si Katherine Williams."
Agad naman akong napatingin sa nagsalita.
She looks familiar.
"Si Katherine Williams ang dating fiance ni Gabriel Baretto namatay ito sa kadahilanang nabangga ang sinasakyan nitong kotse. Pinagpanggap ka ni Gabriel Baretto ng hindi mo namamalayan. Isang taon kang nakulong sa katauhang hindi naman sayo. Kaya naman umabot ng ganong katagal ang pagkakakulong mo sa taong hindi naman sayo ay dahil sa pinapainom ka ng maling gamot ni Abby Fulgar na siyang may maitim na balak pala sayo.
Sayo sinisi ni Abby ang pagkamatay ng Mommy niya at ng totoong Katherine. Si Emerald ay nagpanggap bilang Abby Fulgar kaya nasa katuparan niya ang nais niya at yun ang naging dahilan ng pagkamatay ni Gabriel Baretto."Mahabang saad niyaNapatulala na lang ako sa haba ng sinabi niya. Ayaw magproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.
"So, let's go."Nakangiti nitong saad at saka umunang lumabas
"Who is she?"Tanong ko kay Ethan na ngayon ay mapapasukan na ang bibig ng langaw
"Yung bibig mong isara mo namamaho ee."Natatawang saad ni Kira
"You don't still remember her?"Tanong ni Athena
Umiling naman ako bilang sagot.
"Isa siya sa UnoKwatro."Saad ni Aria
UnoKwatro?
Parang narinig ko na.
"UnoKwatro sila an--"Naputol ang sasabihin ni Kira ng magsalita ako
"Sila ang nagtalaga sa akin upang maging Reyna ng Gang World."Saad ko at napangiti naman sila
"Naaalala mo na sila."Nakangiting saad ni Kira
"Not yet."Saad ko at ang sayang kaninang nanalaytay sa mukha nila ay biglang nawala
"Pero may kaunti ka namang naaalala diba?"Tanong ni Athena
Tumango naman ako.
"We need to hurry up."Saad ni Ethan at saka lumabas ng kwarto
Kagaya kanina ay tinulungan akong makapagbihis nila Aria dahil hindi ko pa kayang maigalaw ng husay ang balikat ko na sinaksak ni Emerald at ang binti na sinaksak niya rin.
"Kayanin mo ahh."Nakangiting saad ni Aria
Tinanguan ko naman siya at saka nila ako dahan dahang inupo sa wheel chair.
"Bakit nakawheel chair pa ako?"Inis kong saad pero tinawanan lang nila ako.
"Anong nakakatawa dun?"Iritable kong tanong
"Nagtatanong ka pa kasi ee obvious naman na hindi ka makalakad ng husay."Natatawang saad ni Kira
Napairap na lamang ako at saka dahan dahang tumayo sa wheel chair.
"Wala ba kayong tiwala sa reyna niyo."Nakangisi kong saad ng humarap ako sa kanila. Napailing na lamang sila sa akin.
"Napakatigas talaga ng ulo mo."Saad ni Aria
Napatawa naman ako sa kanya.
"Saan ka ba nakakita ng malambot na ulo?"Natatawa kong saad
"Sige, tawa lang mamaya hagulgol ka."Natatawang saad ni Kira
Kita ko namang siniko siya ni Aria. Nang marealize niya ang sinabi niya ay nagpeace sign ito. Tinanguan ko na lamang siya at saka naglakad palabas ng kwarto.
Medyo hindi na naman ako paika ika. Kaya mabilis akong nakarating sa kwarto na kung saan ay nakahimlay si Gabriel.
Alam kong may kirot dito sa puso ko pero wala na akong magagawa. Tama si Ethan, walang magagawa ang pag-iyak ko, hindi mabubuhay ng pag-iyak ko si Gabriel.
Mula sa labas ng kwarto ay may mga taong nakaupo at nakikiramay. Ngumiti sa akin ang mga taong naroon. Tinanguan ko na lamang sila bilang pagbati.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay parang gusto ko ng umatras.
"Condolence."Sabay na saad ng dalawang lalaki na wari ko ay mga taga bantay
Tinanguan ko na lamang sila bilang pagtugon.
Dahan dahan naman nilang binuksan ang pintuan at tumambad na sa akin ang coffin na puti. Malayo ito sa kinatatayuan ko pero kitang kita ko na agad ito at saka yung malaki niyang picture.
Naglakad na ako sa gitna, ramdam ko ang biglang pagbagal ng paglalakad ko. Bigla ko namang naramdaman ang mainit na likido na dahan dahang tumulo sa pisngi ko.
Puro condolence ang naririnig kong sinasabi ng mga taong nadadaanan ko.
Nang marating ko na ang harap ng kwarto na kung saan nakatayo ang coffin ni Gabriel ay dahan dahan ng pinipiraso ang puso ko."Why did you leave me?"Naluluha kong saad
Pinagmasdan ko ang mukha niyang parang nahihimbing lang sa pagtulog at lalo akong napaiyak dahil sa naisip ko.
"Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa mga ginawa mo sa akin. Sa pag-aalaga nung mga panahong hindi ko pa kayang humarap sa tunay na mundo."
Biglang sumagi sa isip ko ang mga alaalang hindi ko kailanman makakalimutan.
"Eat this, Kath."
"Kailangan mo pang magpahinga, hindi ka pa malakas."
"Ang ganda mo kaya, kaya sure akong makakapasok ka kaagad sa pagiging modela."
"You can do this, andito lang ako."
"Smile na. Be positive. Nagustuhan nila ang pagrampa mo."
"Mahal na mahal kita."
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.