SB 10 : Amsterdam

774 16 0
                                    

Katherine's Pov

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga.

Hindi ko alam kung bakit ako nababagabag sa nalaman ko.

Flashback ..

"Naisakay ko na siya."Saad ko at saka sumandal sa kotse niya.

Napatingin naman siya sa akin.

"Tulog na nga ee. Napagod siguro."Saad ko pa.

"Salamat."Naisaad na lamang niya.

Nginitian ko na lamang at saka ko inayos ang sarili ko.

"Mauna na ako. May kukunin pa ako sa loob."Saad ko at saka itinuro ang loob ng school.

"Salamat ulit. Ingat ka."Saad niya

Kumaway na lamang ako kahit nakatalikod na ako sa kanya at saka pumasok sa loob ng school ni Steffie.

I dunno kung bakit Steffie ang gusto kong itawag sa batang yun. Basta parang kailangan ko siyang tawagin ng ganun. I dunno, Why?

Papunta na sana ako dun sa booth na pinareserban ko nung malaking teddy bear. Nang bigla kong makasalubong yung teacher ni Steffie.

"Miss."Pagtawag ko dito at gulat naman siyang napatigil.

"Can i ask a question?"Tanong ko sa kanya at napatango naman siya ng wala ata sa sarili.

"Anong ibig niyong ipatukoy dun sa pagbanggit nung pangalan ko?"Tanong ko sa kanya

"Ahh. Yung Kathe-rine."Pagdidiin niya dun sa Kathe at tumango naman ako

"Kamukha mo kasi yung nanay ni Steffanie. Kaya nagulat ako ng malaman ko yung pangalan mo. Kapangalan mo ito. Tagtagin lamang yung Rine."Saad niya at saka nagpatuloy sa paglalakad.

End of Flashback ..

Kathe?

Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko.

Yung pangalan nung babae dun sa mystery dream ko.

Babangon na sana ako ng mahagip ng paningin ko yung malaking teddy bear na binili ko kanina.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumakit yung ulo nung bilhin ko itong malaking teddy bear.

Bumangon ako at lumapit dun sa teddy bear na malaki.

Kulay pink ito at may damit na itim na may design ng letter B sa gitna nito.

Kukunin ko na sana ng biglang magring ang phone ko.

Kinuha ko ito sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Hello Bessy."Pagbungad niya

Tiningnan ko naman kung sinong caller.

"Bessy ka dyan. Hey, Ms.Abby Fulgar. May kasalanan ka pa sa akin."Saad ko

"Eto naman ohh! Hindi kasi kita agad natawagan dahil pagdating na pagdating ko dito. Aba! Trabaho na agad ang bumungad."Pagmamaktol niya

Iimik pa sana ako ng marinig kong may nagsalita sa kabilang line.

"Abby, Tama na yang pagkausap. Mag-uumpisa na."Rinig kong sigaw ni  Brett

"Ohh! Tinatawag ka na ng boss mo. Sige na. Byee na. Missyou."Saad ko at saka binaba ang tawag

Napangiti naman ako ng biglang kong makita yung wallpaper ko.

Yung picture namin kanina nila DeeJhay. Karga karga niya si Steffie habang nakaakbay siya sa akin.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang kumatok si Manang.

"Kakain na Kath."Saad niya at saka sinara ang pinto.

Inilapag ko naman sa side table ko yung phone ko at saka lumabas at bumaba para kumain.

°

°

°

Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Naligo muna ako bago mahiga sa kama ko.

Habang nakahiga ako ay napapaisip ako sa sinabi ng guro ni Steffie.

"Kamukha mo kasi yung nanay ni Steffanie. Kaya nagulat ako ng malaman ko yung pangalan mo. Kapangalan mo ito. Tagtagin lamang yung Rine."

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang bumigat yung talukap ng mata ko at hindi kalaunan ay nakatulog na ako.

"I thought hindi na uulit tayo magkikita ."

"Tsk. Hindi ka pa rin nagbabago."

"Im always be Me Ms.Kat-Kat."

"So, Bakit ka dito ka Nag-aaral I thought Sa Amsterdam ka nag-aaral?"

"Ewan ko ba kila Mom, I Didn't know the reason kung bakit nila ako dito pinag-aral. Masaya na naman ako sa Amsterdam ee."

"Sila Tita Talaga iba minsan Mag-Isip."

"Sinabi mo pa."

"So, Marunong ka pa rin ba mag Gitara?"

"Sus, oo naman noh."

Bigla kong naimulat ang mga mata ko. What was that? It a mystery dream again.

Yun pa rin yung babae. Pero yung lalaki? Sino yun?

Ms.Kat-Kat?

Amsterdam?

Bumangon ako at bumaba ako para uminom ng tubig.

Habang uminom ako ng tubig ay napatingin ako sa labas ng bintana.

Ang ganda ng buwan.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palabas.

Tumingala ako at pinagmasdan ang buwan at ang mga bituing nagkikislapan sa ningning.

Nasa ganun akong posisyon ng bigla na lamang ako napahawak sa ulo ko na bigla na lang kumirot at may bigla na lang lumabas na vision.

Nakaupo yung babae at lalaki sa hood ng isang kotse habang nakatingin sa kalangitan.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagdilim yung paningin ko at naramdaman ko na lamang na bumagsak na ako lupa.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sino kaya yung nakita ni Katherine sa vision niya?

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon