Taylor's Pov
Andito kami ngayon sa condo ni Diamond. Nakaupo habang pinapanuod ko kung paano magsagutan si Diamond at Mon.
"Pwede ba? Umalis ka na lamang dito. Ang ingay mo!"Inis na saad ni Diamond kay Mon
Tawa lang ng tawa ang sinasagot ni Mon. Napakag*gu.
"Manahimik nga kayong dalawa! Natutulog yung bisita."Walang gana kong saad
Agad naman silang napatingin sa akin.
"You love her?"Tanong ni Diamond
"Who?"Balik tanong ko sa kanya
"Killer queen."Saad niya
"Im not like Cola."Walang gana kong sagot
Bigla naman siyang ngumisi at kumindat.
"Naaalala mo ba yung gabing lasing na lasing ka then you called Cola a traitor, asshole, jerk?"Nakangisi niyang tanong
Agad naman ako napatulala at saka inalala ang nangyari.
Flashback
Nasa bar ako ngayon.
Anong ginagawa ko? Syempre nag-iinom, alangan namang maglaslas ako! tss.
"Isa pa ngang hard."Sambit ko dun sa babaeng waitress
Habang hinihintay ko ang pagdating ng inorder ko ay biglang dumating si Cola kasama si Diamond at Mon.
"Oy! Ginagawa niyo dito?"Tanong ko sa kanila pero imbis na sagutin nila ako ay bigla akong itinayo ni Mon at saka dahan dahang inalalayan palabas, nagpupumilit akong hindi pa ako tapos mag-inom pero wala ee. Failed!
Nung nasa parking lot na kami ay bigla kong inalis ang pag-alalay ni Mon sa akin.
"Pumunta lang kayo para sa sunduin ako? Nakakag*go rin kayo noh!"Iritable kong saad
"Kita niyo naman na umiinom ako tas dadating kayo para ano?"Iritable kong saad
"Calm down, bro."Malumanay na saad ni Cola
Nginisian ko siya at saka itinulak.
"Calm down mo mukha mo! Traitor! Asshole! Jerk!"Galit kong saad
"Taylor!"Pagtawag sa akin ni Diamond
"Ty, Ano bang problema?"Malumanay na tanong ni Cola at saka tumayo't pinagpagan ang suot niya
"Problema? Ikaw ang problema!"Galit kong saad
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya.
"Anong ginawa ko?"Malumanay pa rin niyang tanong
"Tinanong mo pa talaga ako kung anong ginawa mo? G*go ka ba?"Galit kong saad
"Taylor, sumosobra ka na!"Inis na saad ni Diamond
Tingnan ko lamang siya at saka tiningnan si Cola
"Mas sumosobra si Cola!"Galit kong saad agad namang napangisi si Cola
"Nginingisi mo diyan?"Iritable kong tanong
"You acting like a kid, bro."Natatawa niyang saad
Susugudin ko na siya ng biglang pumagitna si Mon.
"Stop."Saad ni Mon
"Is this all about Kathy?"Tanong ni Cola
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"You like her? Or should i say.. you love her?"Nakangiting tanong ni Cola
Natameme lang ako. Walang maisagot kasi tama siya. Kaya ako nagkakaganito kasi mahal ko si Kathy.
Napabuntong hininga ako at saka hinanap ang kotse ko. Nang mahanap ko ito ay naglakad ako papunta dun pero bago ako makalakad ay narinig ko ang tawa ng tatlong demonyo. Tss
End of flashback
"Tas ang inakala pa namin hindi kayo magkakabati."Natatawang saad ni Mon
Napataas naman agad ang isang kilay ko.
"So, ngayon pinagkakaisahan niyo ako?"Inis kong tanong sa kanila pero imbis na sagot ang marinig ko sa kanila ay ngumisi sila.
"Mga ung----"Naputol yung sasabihin ko ng biglang
"Mon? Taylor? Right?"
Agad naman kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
She's awake!
"Where i am? Do i know that girl?"Sunod-sunod niyang tanong
"Im Diamond."Nakangiting saad ni Diamond
Bigla namang kumunot ang noo ni Kathy.
"Paano ko napunta dito?"Takang tanong ni Kathy
"I saw the scene when you make a bangga."Diamond
"Huh?"
Muntik na kaming matawa sa naging reaksyon ni Kathy ukol sa sinabi ni Diamond
"Sabi ko, nakita ko yung banggaan na naganap. Dinala kita dito, then now gising ka na."Nakangiting saad ni Diamond
"Linawin mo kasi."Natatawang saad ni Mon
"Then, Thanks."Saad ni Kathy
Kita ko ang awa at ang pagkamiss sa mata ni Diamond.
"Pwede na ba akong umuwi?"Tanong ni Kathy
"Ihatid ka na namin sa Mansion niyo."Nakangising saad naman ni Mon
"Mansion?"Takang tanong ni Kathy
"Yung Fernandez Mansion."Nakangising saad ko
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako.
Lumakad naman si Kathy papunta sa pinto. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay humarap ito sa amin at ...
"Diamond, Where's my car?"Tanong niya
"Si Kira tanungin mo."Saad ni Diamond
Nagkibit-balikat lang si Kathy at saka tuluyang lumabas ng condo.
Napatingin naman ako kay Diamond.
"Let's go."Saad ko at saka tumayo't naglakad papunta sa pinto.
Kathy's Pov
Habang sakay ako sa elevator ay hindi ko maiwasan na mapaisip. Parang kilala ko si Diamond?
Parang nakita ko na siya Pero hindi ko alam kung saan?
Parang nakasama ko na siya pero hindi ko alam kung paano?
Paanong nalilito ako? Paanong nag-aakala ako na kilala ko siya?
Napabuntong hininga na lamang ako.
*ting*
Agad akong napatingin kung nasaang floor na ako.
Nasa parking na! Hindi ko man lang nalamayan dahil sa iniisip ko!
"Haaaaays! Ang daming mga tanong na hindi ko kayang sagutin."Bulong ko at saka lumabas ng elevator pero parang narinig nung babaeng papasok pa lang ng elevator.
Agad akong napalingon sa papasarang elevator ng makita ko kung sino siya at ang pag-ngisi niya na kinakaba ko.
"ABBY."
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.