Aria's Pov
Pansin ko ang pagkabalisa ni Kira. Kanina pa siyang ganyan simula ng umandar paalis ang bus.
"Kira."Pagtawag ko dito pero parang wala man lang itong narinig
"Kira."Muling pagtawag ko pero hindi man lang niya ako nilingon
Imbes na tawagin ko ulit ito ay lumapit na ako.
Hinawakan ko ito sa balikat pero parang hangin lang ako sa kanya.
"Kira."Muling pagtawag ko dito pero ngayon ay nilingon niya na ako pero muli niyang binalik ang paningin sa kawalan
"Hindi maganda ang pakiramdam ko."Saad nito
Hinawakan ko naman agad ang noo at leeg niya.
"Wala ka naman lagnat."Saad ko pero pag-irap lang ang natanggap ko
"Wala akong sakit, okay?"Saad niya
"Hindi maganda ang pakiramdam mo? Pero wala kang sakit?"Naguguluhan kong tanong sa kanya
"Tss. Ang ibig ko kasing sabihin ay kinakabahan ako."Saad niya
"Kinakabahan?"Paniniguro ko
Tumango naman ito.
"Saan?"Tanong ko
"Hanggang ngayon ay wala pa rin si Kathy."Saad niya
"Baka susunod siya. Bukas pa naman ang birthday ni Annika ee."Saad ko
"Maggagabi na pero wala pa rin siya. Nag-aalala na ako."Saad niya
Bumuntong hininga ako.
"Malay mo nag-aayos na siya ng gamit. Tanghali naman kasi siya laging gumising ee."Saad ko pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba
"Sana nga, tinanghali lamang siya. Iba kasi ang pakiramdam ko ee."Saad niya
Napabuntong hininga naman siya at saka ako tiningnan ng diretso.
"Sana mali itong nararamdaman ko."Saad pa niya at saka lumakad papasok ng bahay
Naiwan naman akong napatulala sa kawalan.
Sana nga mali lang tong nararamdaman ko at nararamdaman mo, Kira.
Athena's Pov
Gabi na ng makarating ako sa rest house na pag-aari nila Julia. Pumasok naman agad ako at nadatnan ko sila sa dinning area, kumakain na.
"Athena, ang babaeng kunwaring patay."Natatawang saad ni Chienna
Nagtawanan naman ang lahat.
"Kemeng patay, buhay naman."Natatawang saad ni Janella
Nagtawanan na naman ang lahat.
Sumandal ako sa pintuan ng dinning area at saka inilibot ang paningin ko.
"So, nasaan si Katherine?"Tanong ko sa mga ito
"Hindi mo ba kasama si Kathy?"Tanong ni Kira
Pinanlakhan ko ito ng mata.
"Kathy-rine hehe."Nakangiting saad ni Kira
"Hindi. Sabi niyo kasi ay kasabay niyo siya."Saad ko
Nagkatinginan naman sila bago tumingin sa akin.
Hindi ko alam pero mula ng umalis ako sa manila kanina hanggang sa makarating ako rito ay kinakabahan na ako.
Biglang sumagi sa isip ko ang box na natanggap ko kanina lamang.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.