SB : 76 (Alaala)

425 5 0
                                    

Katherine's Pov

Paglabas na paglabas ng Ospital ay agad akong nagpahatid kay Kira sa Forever garden.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Abby.

Paghihiganti lang ang nasa isip niya nung nasa kanila ako.

Napabuntong hininga naman ako.

"Btw, kelan mo naman balak kausapin sila Julia?"Pangbabasag ni Kira sa katahimikan

"Wag mo ng intindihin yun. Ako ng bahala dun."Saad ko

Narinig ko namang napabuntong hininga na lang siya.

Ang sama sama ni Abby.

"Were here."Rinig kong saad niya

"Antayin mo ako."Saad ko at saka bumaba

Nag-umpisa na akong maglakad. Habang naglalakad, inililibot ko ang paningin ko.

Ito yung nasa litrato.

Liliko na sana ako ng may makita akong lalaking nakaharap sa batis.

Naglakad ako palapit dito. Hindi niya siguro napapansing andito ako. Nakapikit siya habang nakasandal sa bench.

Nahagip naman ng mata ko. Ang lata ng beer.

Nag-iinom siya. Para namang kinirot ang puso ko ng makita ko ang kalagayan niya.

"Mahal na mahal kita, Kathy. Miss na miss."Rinig kong bulong niya

Kita ko ang biglaang pagtulo ng luha niya. Napatingala naman ako dahil kaunti na lang lalabas na ang luha ko.

"DeeJhay."Pagtawag ko

Napamulat naman siya, kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong niya

Imbis na sagutin ko siya naupo ako sa tabi niya.

"Pinuntahan ka."Saad ko

Kita kong kumunot ang noo niya.

"Bakit?"Tanong niya

"Wala lang. Siguro, gusto lang kitang makita."Saad ko

Napatingin naman siya sa akin.

"Bakit gusto mo akong makita?"Tanong niya at nakatingin siya sa mata ko ng diretso

"DeeJhay."Naiusal ko na lamang

"Tutal andyan ka na. Kwentuhan na lang kita."Natatawa niyang saad

"Tungkol kay Kathy at sa akin."Dagdag pa niya

Bumuntong hininga muna siya at saka nagsalita.

"When I first met her, irita ako sa kanya nun ee. Paano ba naman hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya? Kaya yun nagkabungguan kami at ito pa ang malala sa akin niya pa sinisisi na kesyo ako daw yung hindi tumitingin sa dinadaanan. Tapos na gulat ako nun, kaklase ko siya sa isang subject ata, basta naging kaklase ko siya. Hinding hindi ko makakalimutan yung itsura niya nung araw na nakaupo siya sa tabi ko. Napakaganda niya. Matangos ang ilong. Yung pilik mata niya ang pilantik tas yung buhok niya blonde. Tapos kung titigan mo yung mata niya para kang mahihipnotismo dahil sa pagkaasul pero wala akong gusto sa kanya nun ahh. Tapos naglaro kami ng barkada ng Dare. Dinare nila ako na painlabin si Kathy in 30 days then ibreak ko daw ang heart nito. Pag nagawa ko daw yun may black corvette car ako kaya ayun, ginawa ko ang inutos nila. Tapos ginawa ko naman yung dare. Ang hirap niyang painlabin. Para kasing bato ang puso niya. But then, nahulog ako sa kanya at ganun rin siya. Ang kaso narinig niya kaming nag-uusap usap tungkol dun sa Dare at nalaman niyang laro lang pala ang lahat ng pinakita ko sa kanya. Gusto ko nun magpaliwanag kaso natatakot ako."

"Natatakot kang magpaliwanag sa kanya pero hindi ka natakot na gawin yung dare na inutos sayo ng barkada mo. Lame excuse."Walang emosyong saad ko

Napatingin naman siya sa akin.

Lahat ng kinikwento niya ngayon ay unti-unting naaalala ng puso at isip ko.

Bumuntong hininga muna ito at saka ininom ang hawak na beer.

"Duwag ko nga nun ee. Tatlong araw. Tatlong araw na raw na pumapasok si Kathy pero lagi itong may inom."Saad niya at saka ininom ulit ang beer

"Ang tanga tanga ko nun. Nasaktan ko yung babaeng mahal na mahal ko."

Pinanuod ko siyang ubusin ang beer. Kitang kita ko sa mata niya ang lungkot at pangungulila.

Bigla ko namang naramdaman ang mainit na likido na nanggagaling sa gilid ng mata ko.

"Pero naging okay naman kayo nun diba? Ikakasal pa nga kayo ee."Nauutal kong saad

Konting konti na lang magbebreakdown na ako.

Hindi ko man maalala ang lahat nararamdaman ko naman sa puso ko ang kirot, saya, lungkot na nararamdaman ko noon. Nung nangyari lahat ng pagsubok sa relasyon namin ni DeeJhay.

"Alam mo bang siya ang nagdala sa akin dito. Siya ang kauna unahang tao na nagdala sa akin dito sa Forever Garden. Sobrang sarap nun sa feeling. Parang ako na yata ang swerteng lalaki nun. Tas nung pangalawang punta ko dito, sinurpresa niya ako. Sinurpresa niya ako nung 3rd monthsarry namin. Tandang tanda ko pa nun. Nakalubog siya diyan sa batis habang kinakantahan ako. Napakaganda ng boses niya. Tapos nun, ako naman ang nagsurpresa sa kanya. Lahat ng taong mahalaga sa buhay niya, kinuntyaba ko. Nagpropose ako sa kanya. At yun na ang napakasayang araw sa buhay ko."Nakangiti nitong pagkekwento

Napangiti naman ako.

"Pero nung araw ng kasal namin, namatay siya. Sinisisi ko ang sarili ko nun, na sana pumayag na lang pala akong beach wedding para buhay pa siya kaso mas sinunod ko yung gusto ko kesa sa gusto niya."

Tumingala siya sa langit at pinagmasdan ito.

"Mahal na mahal ko siya."Rinig kong saad niya habang nakatingin sa langit

"Hanggang ngayon siya pa rin at hindi magbabago yun kailanman."Saad niya at nahihimigan kong naiyak siya

Yung luhang kaninang pinipigilan kong tumulo ay unti-unti ng tumulo.

Bumuntong hininga muna ako at saka pinunasan ang pisngi ko.

"Paano kung bumalik siya?"Kinakabahan kong tanong

Ramdam kong napatingin siya sa akin pero agad niya ring inalis.

"Hindi na siya babalik."Simpleng saad niya

"Why?"Napapalunok kong tanong

Kinakabahan ako sa maaaring maging sagot niya.

"Because she's already dead."Saad niya

Bigla namang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

No, Im not.

Gusto kong sabihin yan sa kanya pero hindi ko kaya.

"I need to go na. Maaga pa ako bukas ee."Saad ko at saka tumayo

Tiningnan naman niya ako at saka ngumiti.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Tumalikod na ako at saka naglakad paalis ng hardin na yun pero bago ako tuluyang makalayo sa kanina naming kinatatayuan ay nilingon ko ulit siya.

"Aayusin ko muna lahat at pagbalik ko. Handa na akong muli para makasama ka."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon