Katherine's Pov
"ABBY."sigaw ko pero nanlumo ako ng tuluyang magsara ang elevator
Hindi ako pwedeng magkamali.
Si Abby yung nakita ko.
Bakit siya andito gayung wala pa si Gabriel na nababanggit na uuwi na sila?
Agad kong pinindot ng pinindot ang pindutan ng elevator.
"Pindutin mo man yan ng pindutin wala ka na rin magagawa kundi ang maghintay sa pagbalik."
Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Napataas naman agad ang kilay ko.
"Hindi ko alam kung yung pagbaba ng elevator ang tinutukoy mo."
Agad naman itong napangiti ng mapait na pinagtaka ko.
"Queen?"Patanong niyang tawag
Agad naman akong nagpalinga linga sa paligid pero wala akong nakitang ibang tao. Napabalik naman ang tingin ko kay Cola ng tumawa ito.
Kinunutan ko siya ng noo.
"Ikaw yung Queen."Natatawa niyang saad
"Tss."Naiusal ko na lamang
"Gusto mo malaman lahat? As I said mag-umpisa ka sa umpisa."
"How?"Takang tanong ko sa kanya pero imbis na sumagot siya ay hinila niya ako.
"Wait! ... Ano ba? ... Sila Diamond pa ..."
Agad naman siyang napatigil at saka ako tiningnan.
"Ako ng bahala."Saad niya at saka niya ulit ako hinila
"WAIT!"Sigaw ko
Agad naman siyang tumigil.
"What?"Tanong niya
"Saan mo ba ako dadalhin?"Tanong ko sa kanya
"Nagtanong ka ng How? Ipapaalala ko na sayo lahat."Saad niya
Napatahimik naman agad ako. Hanggang sa makarating kami sa kotse niya, hanggang sa pagsakay, hanggang sa makaandar ito.
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng kotse niya hanggang sa makarating kami sa ..
Fernandez Mansion?
Bigla namang sumagi sa isip ko yung mga nakasulat sa brown envelope.
Mga lugar na maaari mong puntahan para makaalala
Padilla University
Forever Garden
Fernandez's Mansion
UB (Underground Battle?)
Bigla naman akong napatingin sa labas ng bintana.
"No, you can't go."
"Mom, i want to go."
"Kathy, as i said hindi ka pwedeng makaalis. Delikado."
"Mom?"
"No."
Agad akong napabalik sa reyalidad ng biglang may tumapik sa akin.
"You okay? Umiiyak ka?"Nag-aalalang tanong ni Cola
Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay agad akong napahawak sa pisngi ko. Basa nga.
"Im okay."Nakangiti kong saad
Tumango naman siya at saka tiningnan ang Fernandez Mansion.
"Andito na tayo."Nakangiting saad niya at saka tumingin sa akin
"Andito lang ako. Hindi mo man ako makakasama sa pag-alala ng alaala mong na nawala. Tandaan mong lagi akong nakabantay sayo."Nakangiti niyang saad at saka ako hinalikan sa noo
"Stay safe."Saad nito at saka bumaba ng kotse
Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang pinto ng kotse niya.
Agad naman akong bumaba.
"Stay safe."Saad niya ulit at sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ulit ang noo ko
Hindi ko alam pero parang kinabahan agad ako sa inaasal niya.
Nung pasakay na siya ng kotse niya ay agad ko siyang hinabol at saka niyakap mula sa likod.
"Mag-ingat ka rin."Saad ko pero kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko
Alam kong naramdaman niya ang pagtulo ng luha ko kaya dahan-dahan niyang tinagtag ang pagkayakap ko.
Humarap siya sa akin at saka pinunasan ang pisngi ko.
"Don't cry. Sige ka! Pag ako namatay, ikaw ang una kong dadalawin."Natatawa niyang saad
Pinalo ko naman agad siya.
"Joke lang. Sige na, pumasok ka na."Saad niya
Tiningnan ko muna siya at saka naglakad papunta sa gate ng Fernandez Mansion.
Tumayo ako duon at saka pinanuod ang pag-alis niya.
"Miss?"
Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Ano pong kailangan nila?"Magalang na saad nung guard
"Pwede po ba akong pumasok?"Tanong ko sa kanya na pinagtaka niya
"Hindi po ako magnanakaw. Wala lang po akong matutuluyan. Naholdap po kasi kotse ko."Saad ko
"Ganun ba. Sige, pasok ka."Guard
Pumasok muna siya sa guard house at parang may pinindot siya or what kaya nagbukas ang malaking gate.
Pagkapasok ko ay agad akong dinala ng guard sa main door ng FM (Fernandez Mansion).
"Manang! Manang!"Pagtawag nung guard
Nakailang tawag pa ito pero walang tumutugo kaya binuksan na lamang niya ang pinto at saka ako pinapasok.
"Dito ka muna po, pupuntahan ko lang si Manang sa kwarto ng mga Fernandez."Saad nung guard at saka ako napatingin sa paligid
Madilim.
Agad akong naglakad sa kung saan at kinapa kapa kung nasaan ang switch ng ilaw.
Nang mabuksan ko ito ay agad bumungad ang malaking portrait na nasa gitna ng salas.
Isa itong family picture. Kamukha niya ang nanay niya.
Inilibot ko pa ang paningin ko ng matamaan nito ang litratong nagpaluha sa akin.
Ramdam ko ang tuloy tuloy na pag-agos ng luha ko.
Lahat ng pictures na andito sa salas ay naaalala ko na.
Napaupo ako ng manlumo ako.
Ang sakit!
Nasa ganun akong posiyon ng biglang may tumapik sa akin.
Agad akong nagpunas ng luha at saka tumayo.
"Iha, kalamig lamig ng sahig. Ika'y nakaupo ka riyan."Saad nung matandang wari ko ay nasa mid 80's na.
"Manang?"Patanong kong pagtawag sa kanya
"Iha, pagpasensyahan mo na ako. Hindi ako makakilala ng tao na ngayon ee. Mahina na ang memorya ni Manang."Natatawa niyang saad
Imbes na sumagot ako ay niyakap ko siya.
"Namiss ko kayo, Manang."
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.