SB : 41 (Athena?)

550 9 0
                                    

Katherine's Pov

Malinis pa rin ang kabuuan ng Kwarto ko. Siguro ay hindi pinabayaan ni Manang ito.

Pumasok ako sa walk in closet ko at kinuha ang box na pinabigay niya pa kay Greyson.

Binuksan ko ito at binasang muli ang sulat.

Dear Kathy Patotie ツ

Opppps. Sareh (Sorry). Sorry kung nagawa kong traydurin ka, nagpadala ako sa inggit at galit ko. Nung nalaman ko kasing isa ka ng Reyna ng dalawang gang ay nainggit talaga ako. Nung unang malaman kong nagtayo ka ng gang sa Japan ay hindi ko iyon pinansin. Kung iniisip mo kung paano ko nalaman na nasa Japan ka ay dahil kay Manang sinabi niya sa akin at sinundan kita dun. Nagmakaawa pa ako nun kay Dad para lang makapuntang Japan. Back Then, nakita kita. Gusto kitang lapitan nun kaso nahihiya ako dahil may bago ka ng kakilala. Nagpasya tuloy akong sa Amsterdam na lang ituloy ang pag-aaral. Tas nagulat pa ako ng magkita tayo dun sa Amsterdam at niyaya mo akong sumali sa gang mo. At dun na ako nakaramdam ng inggit at galit. Sorry talaga ha! Nagpadala ako sa galit ko sayo. But i miss you patotie. Nga pala may hihilingin ako sayo kung sakali mang mamatay ako at hindi ko matupad yung pangarap kong maging Fashion Designer ay sana ikaw ang tumupad. Gusto ko ring magkaevent dito sa pilipinas kung saan ko nakilala ang The Best Buddy in Whole Universe. Hihihi. At ikaw yun. At gusto ko sanang Black and White ang Theme ng event tas gusto ko ring sa mismong Birthday ko gaganapin ha! Thankie Patotie. Sana tuparin mo ito. Thanks. Loveyouuu Patotie.

Love, Chabiik ツ

Tinupi ko ulit yun at inilagay ulit sa box. Kinuha ko naman yung mga pictures namin together. (SEE THE MULTIMEDIA)

Napagtanto ko na lang na umiiyak ako ng biglang may tumulong luha sa isa sa mga pictures.

"Happy Birthday Athena."

Bigla naman akong nakaramdam ng tapik sa pisngi.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Are you okey?"Nag-aalalang tanong niya

Imbis na sagutin ko siya ay inilibot ko ang paningin ko.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?"Sunod na sunod kong tanong

"Wala kang naaalala?"Tanong ni Taylor

"Nagcollapse ako nung maramdaman kong may sinaksak si Kira sa akin."Saad ko

"May tama ka."Natatawang saad ni Mon

"Where's Kira?"Tanong ko sa kanila pero nagkibit balikat lang sila

"She looks familiar. Parang nakita ko na siya? Nakasama? Basta parang pamilyar. Pamilyar ang lahat."Saad ko at saka sila tiningnan.

"Kayo? Pamilyar kayo? Yung lugar kung saan ako unang nakipaglaban? Una nga ba? Yung sigawan ng mga tao? Lahat pamilyar."Saad ko ulit habang nakatingin sa kanilang tatlo

"May naaalala ka na?"Nag-aalalang tanong ni Cola

"Simula ng dumating ako dito, kung ano-anung napapanaginipan ko, tuwing may vision akong makikita sumasakit ang ulo ko. Nagsimula yun nung dumating ako dito."Pagkekwento ko

"Anong napapanaginipan mo? Anong nakikita mo tuwing sasakit ang ulo mo?"sunod sunod na tanong ni Mon

"Alaala ng isang namatay?"Patanong kong saad

Nagkatinginan silang lahat matapos kong sabihin yun.

"Taylor."Pagtawag pansin ko dito

"Kilala mo ako diba?"Pagsisiguro ko

"Sinabi ko na kung sino ka, tapos na ang parte ko."Saad nito

"Hindi pa tapos ang parte mo."Saad ni Cola

Agad naman kaming napatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ni Taylor

"Dalhin mo siya sa Japan at ipaalala ang lahat."Seryosong saad ni Cola

Nagtawanan naman yung dalawa, na kinagulat namin.

Iimik na sana si Cola ng biglang ..

"HELLO."sigaw niya pagkapasok na pagkapasok,

Napatingin naman kaming lahat sa kanila.

Did i know her?

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Cola

Napangiwi naman siya ng mapatingin siya sa akin.

"She's awake?"Patanong niyang saad

"Nakikita mo naman diba?"Asar na saad ni Taylor

"Did i know you?"Takang tanong ko

Maputi.

Matan--

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may sumagi.

Pinagmasdan ko ito ng maigi.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya yung babaeng sumigaw ng pangalang Kathy bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay.

At siya din yung babaeng nakita ko sa litrato.

Ngumisi ako sa kanya at saka dahan dahang bumangon sa higaan ko.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw si Athena. Athena Abigail Baretto."Nakangisi kong saad

Para silang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko.

Hindi nila siguro inaasahang makikilala ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Kamusta na Athena?"Nakangisi kong tanong

Lalakad na sana siya palabas ng bigla akong magsalita.

"Pinsan ka ni Gabriel at Childhood Friend ka ni Kathy. Childhood friend kita?"Nakangisi kong saad

Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Naaalala mo na lahat?"Tanong niya

Ngumisi ako at saka umiling.

Hindi pa lahat pero unti-unti.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon