SB : 50

505 8 0
                                    

Katherine's Pov

Nang nasa tapat na kami ng guard house ng subdivision namin ay itinigil ko ang motor.

"Mam Katherine, gabi na ata po kayo."Saad nito

Pero hindi ko na pinansin yun.

"Yung susi po ng bahay ni Gabriel Barretto?"Saad ko

"Saglit lang po Mam."Saad nito

Tiningnan ko naman ang taong nasa likod ko.

Maybe matutulungan niya ako.

"Mam, ito na po."

Agad ko namang kinuha ang susi at saka pinaharurut paalis.

Nang nasa tapat na kami ng bahay ay agad siyang bumaba at ganun din ako.

Inilagay ko sa bulsa ang susi ng motor.

Napatingin naman ako sa kotse ko.

Buti hindi na carnap. Uso pa naman yun.

Lumakad ako papasok nang maramdaman kong walang nasunod sa akin ay napalingon ako.

"Tss. Diyan ka na lamang ba?"Asar kong tanong

Para naman siyang natauhan kaya sumunod siya sa akin.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay binuksan ko na ito.

Pagkabukas ko ay agad akong pumasok at saka kinapa ang ilaw sa gilid.

"Pasok."Saad ko

Inilibot ko ang paningin ko at saka ako naupo sa couch.

"Upo."Saad ko

Pero imbis na sundin ako ay sinarhan niya ang pinto at saka naglakad patungo sa kusina.

Gutom na ba siya?

Inis akong tumayo, inilagay ko naman ang susi ng bahay sa ibabaw ng cabinet.

Nang papasok na ako sa kusina ay naririnig ko ang pagmumura nito

"Tngna."

"Ugh!"

"Bullsh*t"

Kaya bago pa siya makapagmura ng iba pang mura ay pumasok na ako.

"Anong gusto mong kainin?"Tanong ko dito

"Sandwich."Tipid nitong saad

Tumango naman lamang ako at saka naglakad patungo sa ref.

Siguro naman ay hindi pa expired ang tinapay at saka yung palaman noh?

Kelan lang naman ako umalis ng bahay ee.

Binuksan ko ang ref. At saka kinuha ang tinapay at ang palaman. Kumuha na rin ako ng tubig para panulak.

"Gusto mo hatid muna kita sa kwarto."Pag-aalok ko

Tumango naman ito bilang sagot.

Lumabas kami ng kusina at saka umakyat.

Habang nasa paglalakad kami patungo sa kwarto ay parang hindi ako mapakali.

Hindi ko na lamang pinansin yun.

Nang nasa tapat na kami ng kwarto ay binuksan ko ang pinto.

"Pasok ka. Ito muna ang tutulugan mo. Malinis naman yan, ikaw pa lang naman ang makakagamit ng guest room."Saad ko

Pumasok naman ito. Ganun din ako.

"Yung black door ang c.r. Kuha lang kita ng damit."Saad ko at saka lumabas ng kwarto.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon