SB : 34

687 11 0
                                    

Ethan's Pov

Hindi muna ako nagbantay kay Katherine. Pinapabantay ko ito sa isang nurse.

Kailangan ko kasing kausapin sila Inigo.

Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Inigo sa sala, kalaro si Steffie.

Mukhang bumabawi siya.

Nakangiti ako habang naglalakad palapit sa kanila.

"Ang saya natin ahh?"Inigo

"Masaya ako kasi bumabawi ka na kay Steffie. She really need us, you."Nakangiti kong saad at saka naupo sa sofa

"Nasaan si DeeJhay?"Tanong ko dito

"Steffie, go to your room. Mag-uusap lang kami ni Tito Ethan mo."Utos ni Inigo kay Steffie.

Agad din naman itong sumunod.

"Nasa kwarto niya si DeeJhay."Inigo

"Wala ba siyang balak pumasok?"Takang tanong ko dito

"Napakaweird ng kinikilos niya, Simula nung huling bumisita siya kay Katherine ay hindi na ito lumabas pa ng bahay. Bumababa ito pero agad ding umaakyat pagkakain."Pagkekwento ni Inigo

Nangyari na rin ito?

Nung namatay si Kathy.

Tiningnan ko si Inigo, bago ako napatingin sa taong bumababa ng hagdan.

"DeeJhay."Pagtawag ko dito

Tumingin ito pero nagdire-diretso lamang ito papuntang kusina.

Tumayo ako at ganun din si Inigo. Naglakad kami papunta sa kusina.

Nadatnan namin itong nakaupo lamang sa counter habang hawak ang phone niya.

"DeeJhay."Pagtawag ko dito at saka naupo sa tabi niya

"You need to promise me na babawi ka kay Steffie. Nawawalan ka na ng oras sa bata."Saad ko

Tiningnan niya ako at saka ngumiti. Pero halatang pilit.

"May problema ba?"Nag-aalalang tanong ni Inigo

"Wala naman."Saad nito

"Alam naming meron. Sabihin mo na."Pagpupumilit ko

Umiling ito at saka tumayo.

Lalabas na sana ito ng kusina ng biglang nagring ang phone niya.

"Kailangan kong sagutin ito."Saad nito at saka lumabas ng kusina

DeeJhay's Pov

Lalabas na sana ako ng kusina ng biglang nagring ang phone ko.

Tiningnan ko kung sino ito.

Calling Kira

Accept / Decline

"Kailangan kong sagutin ito."Saad ko at saka lumabas ng kusina.

"Hello."Pagbungad ko dito

'Ghad! Buti naman at naisipan mong sagutin ang tawag ko noh!'

"Bakit ka ba napatawag?"

'You need to go to Cebu, ASAP. Nagkaproblema ang isang branch ng DP Mall.'

"Tommorrow? Or Now?"

'Gusto mo bang ngayon na?'

"Yes, At sana pagdaan ko dyan nakahanda na lahat ng kakailanganin ko."Saad ko at saka binaba ang tawag

Pinatay ko ang phone ko at saka umakyat sa kwarto.

Nag-impake lamang ako ng pangtatlong araw. Pagkatapos kong mag-impake ay nagbihis na lamang ako ng long sleeve at saka ripped jeans.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako. Nadatnan ko pa si Ethan sa sala kausap si Steffie.

"Saan po ang punta niyo?"Tanong ni Steffie

"Bussiness trip. Babawi ako pagbalik ko."Saad ko at saka lumabas ng bahay

Sinakay ko sa kotse ko ang bag na dala ko at saka ako sumakay dito't pinaandar ito.

Ethan's Pov

Pagkalabas na pagkalabas ng bahay ni DeeJhay ay napatingin ako kay Steffie na nakatingin sa picture ng Mommy Kathy (See the multimedia) niya habang nakabusangot.

"Steffie."Pagtawag ko pero mukhang hindi niya ako napakinggan dahil nakatingin lamang ito sa picture ni Kathy.

Tumayo ako at saka tumabi sa kanya. Dun ko lang napagtanto na tahimik pala itong umiiyak.

"Steffie."Pagtawag ko ulit dito

"Kung hindi po siguro patay si Mommy Kathy, hindi po ganito yung nangyayari ngayon. Nung namatay po kasi si Mommy Kathy nagbago na lahat. I miss her, I miss my Second Mom."Steffie nakatingin pa rin ito sa litrato ng Mommy Kathy niya

"Lahat ng nangyayari may rason."Simple kong saad

Tiningnan niya ako at saka niya pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Pero hindi po ba lahat nangyayari ay may rason o malalim na dahilan, pero bakit parang ang lahat po ng nangyayari ngayon, parang ang babaw ng dahilan. Wala na pong oras si Daddy Inigo tas pati si Daddy DeeJhay."Saad nito at saka nagtatakbo paakyat

Napabuntong hininga na lamang ako.

Tiningnan ko ang picture ni Kathy.

"Alam kong babalik ka at maghihintay ako sa araw na yun."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Short Update 😘

I hope you like it 😘

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon