Kira's Pov
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko hindi ko alam kung bakit haays.
"Hoy! Ano ba? Kanina ka pa likot ng likot sa kinauupuan mo!"Iritableng saad ni Aria
Napairap naman agad ako sa kawalan.
"Ilang beses na naman tayong nakasama sa Rest House nila sa Tagaytay aa."Saad pa niya habang nakatingin sa bintana
Ilang beses?
Tss.
"Saka bakit ba parang kating kati kang bumalik dun sa headquarters niyo dati?"Takang tanong ni Aria na siya namang kinagulat ko
"Ako kating kati? What do you mean?"Mataray kong tanong sa kanya
Agad naman siyang napataas ng kilay.
"Look, hindi ka naman maglilikot diyan sa kinauupuan mo kung hindi ka kating kati na bumalik dun aa!"Saad niya
Natulala naman ako sa sinabi niya.
Si Kathy kasi. Naiwan siya mag-isa dun. Ginigising kasi siya kanina pero ayaw niyang gumising kaya sinabihan namin si Ethan na intayin ito pero hanggang ngayon ay wala kaming natatanggap na reply galing sa kanya.
"Where's Ethan nga pala?"Tanong ko kay Ronnie
"Idunno, where he is."Simpleng saad niya
Agad naman akong napatingin sa daan at saka inalala ang lagay ni Kathy. Anumang oras o araw ay pwede siyang balikan ni Emerald at yun ang kinatatakot ko ngayon.
Nasa ganun akong posisyon ng may tumapik sa akin. Kinunutan ko ito ng noo.
"Ethan."Ronnie sabay nguso sa unahan
Agad naman akong napatingin sa unahan.
Si Ethan nga. Naghahanap pa ito ng bakanteng mauupuan.
Tiningnan ko naman agad kung may kasunod siya pero wala akong nakita.
Nang wala pa itong mahanap na maupuan ay agad kong itinaas ang kamay ko at saka itinuro ang tabi ko.
Hindi naman niya agad napansin ang pagtaas ng kamay ko kaya tinawag ko siya with may pagtaas ng kamay.
Nakakunot noo naman itong tumabi sa akin.
"Bakit mo ko dito pinaupo?"Tanong niya agad ng makaupo siya
Napatingin naman ako kay Ronnie na matalim ang tingin sa akin, hindi ko na lamang iyon pinansin.
"Akala ko kasama mo si Kathy?"Takang tanong ko pero mas kinataka naman niya ang tanong ko sa kanya
"Kasama ko si Kathy?"Takang tanong pa niya sa akin habang nakaturo sa sarili
Tumango naman ako bilang sagot.
"No."Simpleng sagot niya
"Nagtext ako."Saad ko na kinagulat naman niya
Imbes na sumagot siya ay tiningnan niya ang phone niya. Pinanuod ko lamang ito sa pagkutingting hanggang sa mahanap ang text ko.
Agad siyang napatingin sa akin.
"Sorry, ngayon ko lang nabasa. Ang dami kasing text ee."Saad niya at saka pinakita sa akin ang messages niya.
Tumango na lamang ako. Natuon na lamang sa daan ang paningin ko. Napabuntong hininga pa ako ng malalim kasi kinakabahan na ako ngayon.
"You okay?"Narinig kong tanong ni Ethan
Tiningnan ko naman siya.
"Don't worry, I text her naman ee. I text the address too."Nakangiti niyang saad na nakapagpagaan naman ng kalooban ko pero alam ko sa sarili kong hindi ko maaalis ang pag-aalala.
"Btw, Tumawag siya sa akin last time. Hindi ko nasagot, si Miles ang sumagot nun kasi nasa meeting ako nung araw na yun."Saad niya
Naitaas ko naman agad ang kilay ko.
"Sa akin mo pinapaalam? Bakit hindi kay Kathy este Katherine?"Tanong ko
Napangiti naman siya. Sa hindi ko malamang dahilan.
"Don't worry, before you know everything I knew it first."Nakangisi niyang saad na ang naging dati sa akin ay pagyayabang
Batok gusto niya? Tss.
Itutuon ko na sana ulit sa daan ang paningin ko ng magsalita siya ulit.
"Did you see Emerald?"Tanong niya
"I mean her real face?"Paglilinaw niya sa tanong
Agad naman akong napaisip at saka napailing.
"Bakit mo natanong?"Tanong ko naman sa kaniya
"Ano bang malay natin kung yung Emerald na yun pala ay isa sa mga nakakasalamuha natin?"
Agad naman akong natigilan dun.
Merong punto si Ethan, dahil kagaya ni Kathy noon ay lagi itong nakamaskara.
Nasa ganun naman akong pag-iisip ng biglang sumagi sa isip ko si Diamond.
Magkapatid sila ni Emerald kaya malabong hindi maging magkahawigin ang dalawa pero may posibilidad ding hindi sila magkamukha o magkahawigin man lang.
Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip ko.
Muli kong tinuon ang paningin sa daan hanggang sa makarating kami sa Rest house nila Julia.
Katherine's Pov
Nagising ako ng may magbuhos sa akin ng malamig na tubig.
"You okay?"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Diamond?"Hindi ko siguradong sambit
"Ako nga."Saad nito
Agad akong napakunot ng noo ng maalala kong nakahiga ako sa kama ko pero bakit ngayong paggising ko ay nakaupo na ako at nakatali na. Napatingin naman agad ako kay Diamond. Nakatali rin ito gaya ko.
Nginitian niya lamang ako ng mapait at saka tumingin kung saan.
Inilibot ko naman ang paningin ko.
Madilim ang lugar na ito at parang pamilyar ito sa akin.
May kaunting liwanag na nanggagaling sa isang bombilya, ayos na yun para magkakitaan ang mga tao sa loob nito.
Pero bakit ako nandito?
"Binuhusan ka ng tauhan niya kaya ka nagising."
Napatingin naman akong muli kay Diamond.
"Niya?"Takang tanong ko dito pero imbis na sumagot ito ay nginitian na lamang ako
"Diamond?"Pagtawag ko dito
"Po?"Magalang niyang tugon
"Bakit ako/tayo nandito?"Tanong ko sa kanya
"Kaya ako nandito ay dahil tinulungan kita. Kaya ka naman and---"
Hindi na natapos ni Diamond ang sasabihin ng may lumabas na babae, kung saan man siya lumabas ay hindi ko alam, nakamaskara ito kaya hindi ko makita ang buong mukha niya.
Naglakad ito palapit sa akin pero agad itong tumigil, may isang dipa ang layo niya.
"Kamusta?"Tanong niya
Hindi agad ako nakasagot dahil parang pamilyar ang boses niya.
"It's been a long long time, Killer Queen."Saad niya
Sasagot na sana ako ng bigla niyang tagtagin ang maskara niya.
Abby?
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.