SB : 23 (Sean)

741 13 0
                                    

Katherine's Pov

Hingal na hingal kong minulat ang mga mata ko.

Was what that?

Napatitig ako sa kisame at inalala ang imaheng nakita ko.

Nakahiga si Athena at naliligo sa sarili niyang dugo.

Napabuntong hininga ako.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

Bakit sa tuwing sumasakit ang ulo ko ay may nakikita akong vision? May napapanaginipan ako?

Napamulat ang mga mata ko ng maramdaman kong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang.

Pangalawang araw na namin at alam kong bukas ay aalis na kami.

Hindi ko lang alam kung hapon o umaga o madaling araw?

"Magandang Umaga Kat-Kat."Nakangiting pagbati ni Manang

Naupo ako, at saka sinandal sa headboard ang ulo ko.

"Mag-ayos ka na Iha, at tayo ay aalis na maya maya."Saad nito at saka lumabas

Bumangon naman na ako, At saka kinuha sa sabitan ang tuwalya.

Pumasok na ako sa c.r at saka naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lamang ako ng White na v-neck tas nagshort na lamang ako at sinuot ang tsinelas.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na agad ako.

Saktong pagbaba ko ay nadatnan ko si Abby may mga kausap na trabahador.

"Where are you going?"Takang tanong niya

"Somewhere."Simpleng saad ko

"With?"Takang tanong niya

Nginiwian ko na lamang siya at saka nginisian.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga nalaman ko kaninang madaling araw.

"Manang?"Patanong kong saad pero tinanguan niya lamang ako

"Iha, Tara na't baka mamaya ay hapunin tayo eh."Pagtawag pansin ni Manang sa akin

Tinanguan ko lamang siya at saka nagpaumunang lumabas ng bahay.

Paglabas ko ay agad bumungad sa akin ang napakagandang hacienda barreto.

Pumikit ako at sinimot ang napakasariwang hangin.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang dumating si Manang.

Taka ko naman siyang sinundan ng tingin.

"Iha, maglalakad tayo."Nakangiting saad ni Manang

Napangiwi ako sa narinig ko pero pinilit ko pa rin ngumiti at saka sumunod sa kanya.

Tahimik lamang akong nakasunod kay Manang habang nagtitingin sa paligid hanggang sa tumigil kami sa ilog.

Nilibot ko ang paningin ko. Namangha ako sa nakikita ko.

Ngayon lamang ako nakakita ng ilog at ang nakakamangha pa dito ay may water falls ito.

"Napakagandang tanawin."

Napalingon naman ako sa nagsalita.

At sino naman ito?

Nginiwian ko lamang siya at pinagmasdan ang pag-agos ng tubig.

"Ang ganda ng view noh?"

Tiningnan ko naman ito at saka ko inilibot ang paningin ko.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon