Katherine's Pov
Kanina pa akong nakababad sa bath tub. At iniisip kung bakit parang naiinis ako sa sinagot ni DeeJhay kanina.
Ee, tama naman siya ee. I have a fiance so bakit pa nga ba niya ako ipiflirt? Diba?
Napasabunot na lamang ako dahil sa kainisan.
"Ghad! He is made me crazy."Bulong ko sa sarili ko
Umiling ako at saka umahon sa bath tub at saka nagshower.
DeeJhay's Pov
Hindi ko alam kung bakit ko siya niyayang makipagdate sa akin.
Maybe i miss her?
Tss. Hindi pwede may fiance siya.
Nasa ganun akong posisyon ng biglang may pumasok sa kwarto ko.
"Saan ang lakad mo?"Tanong ni Ethan pagkapasok
"Date?"Patanong kong tugon
"Then, who's the lucky girl?"Nakangisi nitong saad
"Itinago na lamang natin sa pangalan Ka."Nakangisi kong saad
"Oohh! Btw, ngayon na pala yung dating nila Yna. Hindi mo ba sila susunduin?"Tanong nito
"I have a date. Ikaw na lang."Saad ko at saka sinuot ang wrist watch ko
"Okey. But wag ka na lang magrelo. Hindi bagay sa outfit mong ripped jeans with white t-shirt na pinatungan mo ng black leather jacket."Saad nito at saka lumabas ng kwarto
Tinagtag ko naman ang relo at saka kinuha ang susi ng kotse at saka lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Inigo nakaupo ito sa couch habang naglalaptop.
"Bussiness again?"Tanong ko dito, pagkalapit ko
"Kailangan ee, nababa na kasi ang rate ng Kathena. Nawala na kasi si Katherine ee."Saad nito habang tutok na tutok sa laptop niya
"Nawala? As in hindi na siya nagmomodel?"Takang tanong ko dito
"Yup, tumigil na siya sa pagmomodela."Saad nito at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa
"You have a date?"Tanong nito ng matapos niyang suriin ang buong suot ko
"Yes."Nakangiti kong saad
"Who's the unlucky girl?"Natatawa nitong tanong
Iimik na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Itago na lamang natin sa pangalang Katherine."
Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses.
Si Ethan, nakangisi ito sa akin habang nakasandal sa hagdanan.
"Paano mo nalaman?"Takang tanong ko dito
"Maybe i'll call her."Nakangisi nitong saad
"May number ka niya?"Takang tanong ko ulit
"Of course i have. She's Kathena Adorable's former model right?"Saad nito
Napailing na lamang ako, nagpunta pa ako kila Julia para hingin ang number ni Katherine kay Zyrus tas meron pala siya. Tss. Wais ahh.
"I call her, then she answered. Wala pa akong sinasabi, sinabi niya agad ang 'I have a date with DeeJhay, byee'"Panggagaya niya ng boses ni Katherine
"Are you inlove with her?"Tanong ni Inigo sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya
"Im not."Pagdepensa ko
"Masyado kang defensive ee."Natatawang saad ni Inigo
"Hindi daw pero kung makatago ka ng pangalan ng idadate mo, akala mo naman aagawin ko."Natatawang saad ni Ethan
"Tss. Wala akong ganung intensyon, may fiance na siya."Saad ko
"Ang layo ng sinabi mo, sa sinabi ko."Natatawang saad ni Ethan at saka naupo sa couch
"Tss. I need to go."Saad ko pero hindi pa ako nakakalapit sa pinto ng bigla na namang magsalita si Ethan.
"I need to tell you a short story, It's not a love story but it's so exciting."Nakangiti nitong saad
Tiningnan ko naman ito ng may pagtataka.
"I date Katherine, nung ipakilala siya sa akin ni Inigo nung nasa America kami. But i stop date her nung nalaman kung may fiance siya. Kaya ikaw hangga't maaga pa, paiibigin mo na siya para iwanan na niya si Gabriel Barreto."Nakangisi nitong saad
"Anong exciting dun?"Pambabara ko dito
"Edi yung agagawin mo si Katherine kay Gabriel."Saad nito
Kinuha ko yung malapit na bagay na maibabato sa kanya.
"Wag mong ibato yan. Masakit yan ohh."Mangiyak ngiyak niyang saad
Tss. Inilapag ko na ulit ang vase at saka naglakad palabas ng bahay.
Pagkalabas ko ay sumakay na agad ako sa kotse ko at saka ito pinaandar papuntang DP Mall.
Pagdating ko sa DP Mall ay inintay ko na lamang si Katherine sa may bench.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Katherine kanina.
Are you trying to flirt with me?
Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng saya nung sabihin niya yan.
Para bang marinig ko lang boses niya parang kabayong kumakabog ang puso ko.
Inlove na kaya ako sa kanya?
Tss. Napailing naman ako sa naisip ko.
Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya, mahal ko si Kathy at saka may fiance na siya.
She made me crazy.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Ooohh!
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.