SB : 66

346 9 0
                                    

Kira's Pov

Kanina pa akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung bakit.

Maaga kaming ginising ni Julia dahil tutulungan daw namin yung event coordinator para lalong mapaganda yung birthday ni Annika.

"Lalim ng iniisip natin aa."

Bigla naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Si DeeJhay.

"Paupo sa tabi mo ha."Nakangiting sambit niya

Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Nasaan na kaya sila Athena noh?"Tanong niya habang nakatingin sa kalangitan

"Hindi ko rin alam."Sagot ko

Ramdam kong napatingin siya sa akin dahil sa sinagot ko.

"Bakit close kayo ni Katherine?"Biglang tanong niya

Napatingin naman ako sa kanya.

"Alam mo ba when I first saw her, akala ko si Kathy siya. Yung blond niyang buhok, yung blue niyang mata. Lahat ng meron si Kathy nakikita ko kay Katherine."Saad nito

Hindi ko alam pero gusto kong maluha. Kita ko sa mata ni DeeJhay ang lungkot at pangungulila.

"Sorry, namiss ko lang kasi si Kathy."Saad nito at saka tumayo't tumakbo papasok

Sinundan ko na lamang ito ng tingin.

Konting tiis na lang, DeeJhay. Sayo na ulit si Kathy.

Tumayo na ako at saka naglakad papasok sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay ay nagdiretso ako agad sa kusina.

Binuksan ko agad ang ref at saka kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa basong kinuha ko at saka uminom. Ilalapag ko na sana sa counter ng biglang dumulas ito sa kamay ko at nabasag.

Tiningnan ko ang basong kanina kong hawak na ngayo'y nasa sahig na. Basag na basag ito. Hindi ko alam pero kinalibutan agad ako ng mapatingin ako sa wall clock na nasa harap ko.

2:55 am.

Hindi ko alam pero dali dali akong tumakbo pataas ng kwartong tinutulugan ko. Nakasalubong ko pa si Mikaela pero hindi ko na ito pinansin pa.

Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong hinanap ang phone ko at agad ko namang hinanap ang number ni Athena ng makita ko ito ay agad kong pinindot ang call.

Nak ng!

"Athena, answer the damn call."

"Sh*t."

"Athena, please answer the call."

Hindi ko alam pero naiiyak na ako.

"Athe---"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"What happened?"

Agad akong napatingin sa taong pinanggalingan ng boses.

It was Aria.

"Nothing."Saad ko at saka ngumiti

"Nothing? Nabasag mo yung baso, Nothing? Nagtatakbo ka paakyat dito, Nothing? Hindi sinasagot ni Athena ang tawag mo, Nothing?"Nakataas ang isang kilay na saad niya

"Look, Aria. Wala nga lang ito."

"Wala? Hindi ako tanga, Kira. Kakadating lang kagabi ni Athena pero agad rin itong umalis? Wala lang ba yun? O may nangyayari na ayaw niyo lang ipaalam?"

Napayuko  na lamang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natameme ako. Nablangko. Ewan ko.

"Kumikilos na ba si Emerald?"Tanong nito

Nang marinig ko ang tanong na yun ay agad akong napatingin sa kanya.

Maaaring kumilos na si Emerald dahil hanggang ngayon ay wala pa ring narating na Athena at Katherine.

"So, tama ako?"

"No, I don't know. I really don't know."Naiiyak ko ng saad

"You really don't know? Hindi mo ba alam na naaawa na ako kay DeeJhay. Minsan nga iniisip ko na lang na sabihing buhay si Kathy ee."Saad nito

"Wala kang karapatang ipagtapat sa kanya ang katotohanan."Saad ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya

"Anong katotohanan?"

Agad kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Deejhay."Sabay naming sambit ni Aria

"Anong katotohanan? Bakit walang karapatan si Aria na sabihin ang katotohanan? May dapat ba akong malaman?"Sunod-sunod nitong tanong

"Kanina ka pa ba?"Naitanong ko na lamang

Agad namang napatingin sa akin si Deejhay.

"No, pinapupuntahan ka ni Julia kasi hindi ka niya makita sa baba. So ako ang inutusan niya at nadatnan ko naman kayong nag-uusap about sa katotohanan."Saad niya

"May dapat ba akong malaman about sa 'katotohanan'."Saad pa niya na sadyang diniinan pa ang huling sinabi

Nagkatinginan kami ni Aria at saka muling tiningnan si Deejhay.

"Si Katherine."Sambit ni Aria

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Aria.

"What about her?"Takang tanong ni Deejhay

Tiningnan muna ako ni Aria at saka tumingin kay Deejhay.

"Siya. Siya ang dapat mong kausapin about sa katotohanan."Saad ni Aria at saka naglakad palabas ng kwarto

Naiwan naman akong nakatingin kay Deejhay.

"I need to go too."Saad ko at saka dali daling lumabas ng kwarto

Athena's Pov

It's been three days simula nung mamatay si Gabriel at mag-agaw buhay naman si Katherine.

Nakaupo ako ngayon at pinagmamasdan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ba dapat ako mag-umpisa.

"Tinatawagan kita, Athena pero hindi mo ako sinasagot."Galit niyang saad

Tiningnan ko lamang ito at saka tumingin kay Katherine.

Bigla na lamang tumulo ang luha ko.

"Hindi mo man lang sinabi na may nangyari na sa kanya."Saad nito at saka naupo sa tabi ko

"Kung sinabi ko ba maagapan ba siya? Mabubuhay ba siya?"Tanong ko rito

"Athena."Sambit niya

"Kasalanan ko itong lahat. Sana hindi na lang ako nagpanggap na patay. Sana hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Gabriel. Kung hindi naman ako papayag mapapahamak siya. Hindi ko naman kasi alam na si Abby pala ay si Emerald dahil ng lagi itong nakamaskara tuwing may laban."Naiiyak kong saad

"Pero alam mo naman na kilala ni Katherine si Emerald, diba?"

"Pero alam mo rin naman na nagka-amnesia si Kathy diba? Kaya nga, wala siyang kamalayan na pagpapanggap lang ang ginagawa nila ni Gabriel diba?"Saad ko

"She' Kathy Fernandez when I met her but now, She's Katherine Williams at hindi niya ako naaalala."Naiiyak na saad ni Kira

"Kilala niya tayo. Kilala tayo ng puso niya, hindi nga lang tayo maalala ng isip niya."Malungkot kong saad

Iimik pa sana ako ng biglang may pumasok na nurse.

"She's awake."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Omay! Sinong nagising?

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon