SB : 17 (Julia and Diego)

661 14 0
                                    

Katherine's Pov

Kanina pa akong nakalabas ng hospital pero bukas na lamang daw kami babiyahe papuntang hacienda.

Magpahinga daw muna ako dahil kakalabas ko lang daw ng hospital.

Gabi na pero parang wala akong balak na matulog.

Iniisip ko kung may mali ba talaga o masyado lang akong praning?

But, hindi ko maiwasang mapaisip.

Bakit parang biglaan naman ata ang pag-uwi ni Abby?

Kailan lang ng umalis siya?

Ang bilis naman ata ng pag-uwi niya.

Bumangon ako at naglakad papunta sa walk in closet. Kumuha ako ng jacket at isinuot yun.

Pagkasuot ko ay agad akong lumabas ng walk in closet.

Kinuha ko muna ang phone ko at susi ng kotse saka lumabas ng kwarto.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan baka kasi mahuli nila ako.

Nang makababa ako ng hagdan ay tiningnan ko pa kung may tao sa sala pero wala naman.

Baka tulog na sila.

Maglalakad na sana ako papunta sa pinto ng may marinig ako.

"No, Nagulat rin ako, Ang sabi mo sa akin ay hindi siya sasama, Yup, Nagbago siguro ang isip niya, Yeah, Mag-iingat ako/kami. Byee na."

Napakunot ang noo ko sa narinig.

Ako ba ang pinag-uusapan nila?

Tsk.

Dahan dahan na lamang akong nagtungo sa pinto at lumabas ng bahay.

Pagkasakay ko sa kotse ay agad ko itong pinaandar paalis.

Bakit parang ang big deal naman sa kanila ng pagsama ko sa Hacienda?

Big deal nga ba? O May tinatago lamang sila?

Mag-iingat siya/ako?

Kanino? Saan?

Masyado na akong maraming tanong na kailangan ng masagot.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng pagmamaneho ko sa park kung saan nangyari yung kanina.

Hindi ako bumaba ng kotse. Nakatigil lamang ito sa tapat ng bench kung saan ako nahimatay kanina.

Annika?

Julia and Diego?

Sino kayo?

Bakit parang kilala ko kayo na hindi?

Papaandarin ko na sana ang kotse ko ng mapukaw ng mga mata ko ang dalawang taong naglalakad.

Hindi ko alam kung bakit ako bumaba at nilapitan sila.

"Hey."Wala sarili kong pagbati sa kanilang dalawa.

Hindi agad sila nakapagsalita, mukhang nagulat ko sila.

Kahit ako magugulat kung may isang tulad kong lalapit din sa akin.

Feeling close kumbaga?

"H--Hey."Nauutal na saad nung babae

Natawa naman ako at tinap ang balikat nito.

"Chill, Im not a killer."Natatawa kong saad

"Alam namin."

Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita.

Tinitigan ko ito ng maigi, nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon