SB : 65 (2:55 am)

364 8 0
                                    

Athena's Pov

Nakaupo ako ngayon dito sa upuan dito sa may hallway pero malapit siya sa E.R habang si Katherine ay kanina pang nakatayo't nakasandal sa pader.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Gulo na ang buhok nito.

Ang pang-ibabaw na damit naman niya ay puro mantya na ng dugo.

Ang jeans naman niya ay halatang may mantya na rin ng dugo.

Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang malaking sira sa jeans niya. Pinagmasdan ko yun ng maigi at dun ko lang napagtanto na may saksak siya sa hita.

Napakawalang hiya talaga ni Emerald!

Mapapatay ko talaga ang impaktang yun.

"Ka---"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magring ang phone ko.

Tiningnan ko kung sino ang caller.

Si Julia.

"Hello."

"Athena? Where are you?"

Napabuntong hininga muna ako at saka siya sinagot.

"May inaasikaso lang ako."

"What? Mamaya na ang birthday ni Annika pero wala ka pa dito at si Katherine."

Napatingin naman ako kay Katherine ng mabanggit ni Julia ang pangalan nito.

"Hey, are you still there?"

Muli akong bumuntong hininga bago siya sinagot.

"Im sorry, Hahabol na lamang ako kung makakahabol ako. Maaga pa naman ee."

"What? Hahabol ka? Maaga pa? Nag-aadik ka ba?"

Napairap naman ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Iimik na sana ako ng bigla ulit itong umimik.

"Hahabol ka? It's late! Mamayang 3 na ang start ng party."

Alam kong kahit wala sa harap ko si Julia ay umiirap na ito dahil sa inis.

"Maaga pa. Makakahabol ako. It's 9 pm pa naman ee."

"What? Nag-aadik ka ba? It's what? 9 in the evening? Are you on drugs? It's 2:30 in the morning na!"

Iimik na sana ako ng bigla na lamang akong babaan ni Julia. Bwisit!

Nakatatlo sa akin yun ha!

Are you on drugs?

What the fvck?

Nag-aadik ka ba?

What the fvck?

Dalawang beses niya pang inulit yun. Bwisit!

Napairap na lamang ako sa kawalan ng dahil sa inis.

Itinago ko na lamang phone ko sa bulsa at saka humarap kay Katherine.

"Magpagamot ka na."Saad ko pero hindi man lang ako tiningnan nito

Napabuntong hininga naman ako at saka lumapit kay Katherine.

"Magpagamot ka na."Saad ko ulit pero gaya kanina ay hindi man lang ako tiningnan nito.

"Magpag---"Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lamang itong napahawak sa kamay ko.

"Hey."Naiusal ko na lamang

Tiningnan naman ako ni Katherine at gayun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang itsura niya.

Namumutla na ito.

"DOC! NURSE! DOC!"sigaw ko

"Si Ga--"Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla na lamang itong matumba.

Buti na lamang at nasalo ko agad.

"DOC! DOC!"sigaw ko pero walang lumalapit na Doctor

What the hell?

Nag-uumpisa na rin akong mabwisit!

"DOC! DOC! WE NEED YOUR HELP!"inis na sigaw ko

Maya maya pa ay may lumapit na Nurse sa amin.

"Kanina ko pa kayo tinatawag!"Inis kong bungad rito

Napayuko na lamang ito at saka nagtawag ng isa pang nurse.

Dali dali namang binuhat ng lalaking nurse si Katherine papasok ng E.R.

Sumunod naman ako papasok.

"Mam, sa labas na po kayo."Mahinahong sabi nung nurse na babae pero tiningnan ko lamang ito at saka tiningan si Katherine na ngayon ay nakahiga na sa hospital bed.

"Mam, sa l--"Hindi na natuloy nung nurse ang sasabihin dahil sinamaan ko ito ng tingin

Maya maya pa ay may Doctor ng dumating at saka inasikaso si Katherine.

Nakatayo lamang ako habang pinapanuod ang Doctor sa pag-aasikaso kay Katherine ng bigla na lamang magkagulo dito sa E.R. na kahit ang doctor na nag-aasikaso kay Katherine ay hindi na rin mapakali.

"Doc, yung isa pong pasyente."Saad nung isang nurse

Tiningnan ko ito ng maigi. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung nurse na nakasagutan ni Katherine. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.

Sinundan ko pa ng tingin ang nurse na patungo na sa dulo nitong mga nakahilerang kama kung saan nakahiga si Katherine at dun ko lang narealize ang nangyayari.

Dali dali akong lumakad patungo sa dulong kama. Hindi ko alam pero bawat hakbang ko ay bumibigat. Bigla na lamang akong kinabahan.

Nasa tapat na ako ng dulong kama ng bigla kong marinig ang sinabi ng doctor.

"Time of death, 2:55 Am."

Biglang nanghina ang buong katawan ko matapos kong marinig yun. Parang biglang gumuho ang mundo. Hindi ko alam kung nananaginip ako.

Hindi ko alam pero bigla ko na lamang hinawi ang kurtina at dun ko na nakita kung paanong tinakluban ng doctor si Gabriel ng puting tela.

"He died at 2:55 am."Nakayukong sambit ng Doctor

Nang muli kong marinig yun ay tuluyan ng tumulo ang luhang nagbabadya kaninang tumulo.

Biglang pumasok sumagi sa isip ko si Katherine. Paano ko sasabihin sa kanya to?

Kakausapin ko pa sana ang Doctor ng biglang may sumulpot na nurse.

"Doc, Si Doc Andre kailangan niya ng tulong mo. Nag50/50 ang pasyenteng kanina lamang pinasok."

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay agad akong tumakbo papunta sa kama kung saan nakahiga kanina si Katherine.

Pagkarating ko dun ay bigla akong nanlumo. Nirerevive na ng Doctor si Katherine.

"Miss, sa labas ka muna."Sambit ng lalaking nurse

Sinamaan ko lang ito ng tingin at saka muling binalik ang tingin kay Katherine na ngayon ay nag-aagaw buhay na.

Kailangan mo pang mabuhay, Lumaban ka.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon