Katherine's Pov
Andito ako ngayon sa ospital kung saan nakaconfine si Abby.
"Labas muna kami."Saad ni Rose at saka sila lumabas nila Athena
Kumuha ako ng upuan at saka ito dinala sa veranda.
Naupo ako at saka pinagmasdan ang kalangitan.
Tirik na tirik ang araw.
"Katherine, im so sorry."Panimula niya
"Bilisan mo na. May kailangan pa akong puntahan."Saad ko at saka iniharap sa kanya ang silya
Nakaupo siya sa hospital bed habang ako ay nasa veranda at nakaharap sa kanya ang silya.
"The Real Katherine Williams died because of you. Hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan. Aksidente yung nangyari pero sinisisi ko sayo. Fan na fan mo siya. Tuwang tuwa siya pag nakapanuod siya ng laban mo kahit via Gangweb lang. Naiinis na nga ako minsan sa kanya eh. Ikaw at ikaw na lang kasi bukang bibig niya. Kesyo ang galing galing mo daw makipaglaban. Wala daw makatalo sayo. Hangang hanga siya. But then, nalaman niyang may mabibiling mga jacket na may pirma mo, dali dali siya nun. Pinipigilan ko siya pero ayaw niya magpapigil kaya ayun nakaaksidente siya. Nabangga yung sinasakyan niyang taxi. Tapos alam mo ba hate na hate niya si Emerald. Hindi niya alam na ako yun kasi lagi akong nakamaskara pag nalaban. Sinasabi niya na ginagaya daw ni Emerald si Killer Queen. Mas astig pa rin daw si Killer Queen pag nakamaskara kesa kay Emerald. Nasasaktan ako sa sinasabi niya pero hindi ko pinapahalata. Kasi siya na lang ang meron ako eh. Yung kapatid ko, fan na fan mo rin. Si Mommy namatay dahil ko pero sinisisi ko sayo."Kwento niya
"Then?"
Bumuntong hininga muna siya at saka nagsalita ulit.
"Dahil sa inggit, namuo yung galit sa puso ko. Nawala na yun dati eh. Kasi nakilala ko si Katherine pero bumalik ulit yung galit ko sayo nung namatay siya. Nagpursigi ako. Pinalakas ko ang gang ko para makuha ang trono sayo."Natatawa niyang kwento
Natatawa siya pero wala namang nakakatawa. Tss.
"Kaya nung nalaman ko na may fiance pala si Katherine, kinuntyaba ko si Gabriel. Kinausap ko ito. Umuwi siya ng pilipinas para isagawa na yung plano. Nung kasal mo, tama yung araw ng kasal mo dun na namin isinagawa yung plano. Nakastandby na kami nun. Yung sasakyan na sinakyan mo para makapunta sa simbahan pinalitan namin ng second hand na alam namin na kaunti na lang masisira na talaga yun. Sa kainipan ko nun inantayan na kita sa bahay niyo. Tanda ko pa nun, pumasok ako sa garahe niyo ng walang nakakaalam. Sumakay ako sa kotse mo at saka nilagyan ng hmm. Hindi ko na tanda pero alam kong pangpalabo yun ng paningin. Tapos nun dali dali akong lumabas ng kotse na sasakyan mo kasi baka biglang may makakita. Lumabas ako ng bahay niyo ng walang nakakakita. Sumakay naman ako sa kotse ko at hinintay na lang ang pag-alis mo."
"Gusto mo ng tubig?"Alok ko sa kaniya pero umiling ito
"Nung nasa daan ka na hindi mo yata nararamdaman na may nakasunod. Nung may makita akong poste, medyo malapit na yata yun sa simbahan. Pinindot ko ang hawak kong remote at maya maya lang boom. Nakabangga ka na sa poste. Dali dali akong bumaba. Nakita ko na nun na palapit si Gabriel sa pwesto mo. Buti na lang talaga walang cctv nun kung meron yari kami. Dali dali ka naming kinuha sa sasakyan kasi umuusok na ito. Pinalitan naman agad namin ng ibang katawan yung nakasakay. Saktong pagkasakay na pagkasakay namin sayo sa kotse ni Gab ay saktong sabog rin nito. Pagkatapos nun, wala na. Wala na kaming ginawa sayo. Nung araw ring yun agad ka naming dinala sa florida at dun ka pinagamot. At kung siniswerte nga naman kami nun, nagkaamnesia ka pa."
Napairap na lamang sa kawalan.
"Habang nasa amin ka ni Gabriel, ako naman ang nagpapainom ng gamot mo at maling gamot ang pinapainom ko sayo pero hindi mo namamalayan. Pero kalaunan rin, may biglaang bisita ang dumating at si Athena yun. Nakita ka niya. Wala ka pa ring malay nun. Nagpaliwanag kami at sinabi ko sa kanyang pag nalaman ng lahat na buhay ka. Papasabugin ko ang bungo mo. Natakot siguro siya kaya ayun, hindi nga nalaman ng lahat."
"Hindi ka niya nakilala?"Takang tanong ko
"Nope. Kasi tuwing makakaharap ko si Athena nakamaskara ako. Inutusan ko rin siya noon na ipapatay ka pero nabigo siya kaya ako na ang gumawa. Isang taon kang nasa amin. Wala ka na sa florida nung nagkamalay ka. Dinala ka namin sa America dahil ng baka balikan pa kami ni Athena. And then, habang hindi mo namamalayan na hindi ikaw talaga si Katherine. Pinilano ko na ang lahat. Nakaplano na lahat nung makapunta tayo sa pilipinas. Alam kong unti-unti ka ng nakakaalala pero binabayaan ko lang. Alam ko ring nagkakasama na kayo ni DeeJhay at ng anak anakan mong si Steffanie. fast forward natin. Nalaman kong balak ng sabihin ni Gabriel ang lahat sayo kaya nung araw na aalis ka papuntang tagaytay ay kinidnap ka na namin."
"Tapos napatay mo si Gabriel."Walang emosyon kong saad
"Wala ako nung balak na barilin ka o si Gabriel. Gusto ko lang talaga na isuko muna yung trono mo. Sinagad niyo ko eh."Saad niya
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya.
"SINAGAD KA? G*GO KA BA? NAPATAY MO YUNG TAONG MAHALAGA SA AKIN? KUNG WALA KANG BALAK NA BARILIN AKO O SI GABRIEL, EDI SANA HINDI MO NA KAMI KINIDNAP."Galit kong sigaw
Napayuko naman siya.
"Buhay pa sana si Gabriel kung hindi mo ginawa yun."Saad ko at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko
"BUHAY PA SANA SIYA."Sigaw ko sa kanya
"Im so sorry."Saad niya
"Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang buhay ni Gabriel. HINDI."
Iimik pa sana siya ng biglang pumasok si Athena.
"Nasa forever garden si DeeJhay."Saad niya
Tiningnan ko lang siya at saka tiningnan si Abby o Emerald.
"Hinding hindi kita mapapatawad."Saad ko at saka lumabas ng kwartong yun.
Hinding hindi kita mapapatawad, Abby.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.