SB : 20 (Kat-Kat)

725 12 0
                                    

Katherine's Pov

Hindi ko na lamang ito pinansin. Tiningnan ko sila Manang at saka sila tinanguan.

"Ihahatid na kita iha, sa kwartong lagi mong tinutulugan nung panahong dine ka pa nagbabakasyon kasama si Athena."Manang Nena

Tinanguan ko na lamang siya at saka siya sinundan paakyat.

Nang makarating na kami sa sinasabi niyang kwarto ay agad niya itong binuksan at saka ako inalalayan papasok.

"Buti nga at nalinis ko ito eh."Saad niya

Nilapag ko ang gamit ko sa kama at saka inilibot ang paningin.

"Maiwan na muna kita iha."Saad niya at lumabas ng kwarto

Inilibot ko ulit ang paningin ko, malaki ang kwarto, may malaking kama, may mga frame na nakataob.

Lumapit ako dun at kinuha ang isang frame.

Is this Kat-Kat?

Tinitigan ko pa muna ito, bago ibalik sa pagkakataob.

Now i know, na yung Kat-Kat na sinasabi nila ay si Kathy.

Masyado na ba kaming magkamukha para pati sila pagkamalang ako si Kat-Kat.

Naupo ako sa kama.

Posibilidad kayang ako at si Kathy nga ay iisa?

Pero paano nangyari yun?

Paano kung nagkataon lamang?

Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Inigo nung una kaming nagkita.

"Maniniwala na sana akong buhay si Kathy at peke lamang yung kinirimate na bangkay ee. Kaso sabi nga nila sa buong mundo may anim na tao ka talagang magiging kamukha mo."

Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang bumukas ang pinto.

"Your here lang pala. Andun ako sa kabilang kwarto if you need something."Saad niya at saka isinarado ang pinto

What if, Im not Katherine?

Tss. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip ko.

Tumayo na lamang ako at nag-umpisa ng maglagay ng mga damit ko sa cabinet.

Habang naglalagay ako ng mga damit ko ay bumukas ang pinto at inuluwa nun si Manang.

"Dapat ay tinawag mo ako eh, para naman natulungan kita riyan sa pag-aayos ng gamit mo."Saad niya

"Naku! Nakakahiya po, Kaya ko naman po."Nahihiyang saad ko

"Tsaka tapos na rin po ako."Saad ko at saka inilagay ang huling damit na kinuha ko sa backpack ko

Pagkatapos kong ilagay ang huling damit ay naupo ako sa sofa dito sa kwarto at ganun din naman ang ginawa ni Manang.

"Andiyan ba si Abby sa kabilang kwarto?"Tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Alam mo gang nung panahong dine pa kayo nagbabakasyon ni Athena ay lagi ka dineng natutulog tas dun siya sa kwarto ng mga magulang niya eh."Kwento niya "May tawagan pa nga kayo eh. Ten-ten at Kat-kat pa nga eh. Diga'y kagandang pakinggan."Natutuwa niyang saad

"Manang, Pwede po ba kayong magkwento ng kabataan namin ni Athena? Nakalimutan ko na po kasi."Kamot ulo kong saad

"Hindi na lamang kita kwekwentuhan ha. Dadalhin na lamang kita sa lugar kung saan lagi kayong nagpupuntang dalawa."Saad niya at tumango ako

"Nga pala manang, Saan po ba ang kwarto ni Athena?"Tanong ko rito

"Katabi lamang ng kwarto nitong si Abby."Saad niya

"Ahh. Manang pwede po ba bukas ng umaga tayo pumunta sa lugar kung saan lagi kaming pumupunta ni Athena?"Nahihiya kong tanong

"Aba'y sige ga. Siya ako'y mauna na muna, magluluto pa ako ng makakain natin eh."Saad nito at naglakad na papuntang pinto

Sinundan ko na lamang ito ng tingin hanggang sa magbukas sarado ang pinto.

Tumayo naman ako at nagpunta sa kama at saka nahiga.

Sana.

Sana may sagot akong makuha bukas.

Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang magbukas ang pinto.

"You need to take a bath."Abby sabay pasok sa kwarto

Bumangon ako at kinuha ang nakasabit na tuwalya.

"Dito ka lang ba?"tanong ko sa kanya at tumango naman siya

Binuksan ko ang cabinet at saka inilagay ang phone ko sa bulsa ng jeans na isa ko pang dala, at saka kumuha ng damit na masusuot.

Pagkalagay ko ay agad ko itong sinara. Bago ako pumasok ng cr ay tiningnan ko si Abby. Nakaupo ito sa sofa na kanina kong inupuan.

Nang matapos akong magshower ay nagbihis ako ng pjs. Nang makalabas ako ay wala akong Abby'ng nakita.

Baka habang naliligo ako ay nainip bigla.

Didiretso na sana ako sa cabinet. Nang mapansin kong wala na dun ang mga frame na kaninang nakataob.

Biglang pumasok sa isip ko si Abby.

Ano naman ang dahilan niya para alisin ang mga yun? Kung siya nga ang nag-alis ng mga yun.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon