SB : 19 (Unknown Number)

685 14 0
                                    

Katherine's Pov

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko.

"Nagstop over ako. Kain muna tayo."Saad ni Abby at saka lumabas ng kotse.

Sinundan ko ito ng tingin at saka sumunod sa kanya papasok ng fast food.

Pagkapasok ko sa fast food ay agad akong naupo sa bakanteng table na nakita ko.

Saktong pagkaupo ko ay siyang pagvibrate naman ng phone ko.

Inis ko itong inilabas at saka tiningnan kung sino ang nagtext.

The Unknown Number again.

What the heck?

From : Unknown Number

Please Answer my calls.

Damn.

Tiningnan ko ang 50 missed calls at lahat ng yun ay galing sa kanya.

Tss. Ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko ang phone ko.

Wala ako sa mood para makipagtext kung kani-kanino.

Tumingin ako sa labas ng fast food at inalala ang sinabi ni Diego kanina.

"She's Kathy Fernandez. She's one of the famous fashion designer in whole world. Fiance siya ni DeeJhay Padilla. Siya ang nagmamay-ari ng Kathena Adorable."

"Kaibigan namin siya. May anak-anakan siya si Steffanie. Kaya nakataob yan ay dahil ni DeeJhay. Tuwing makikita niya yan ay nasasaktan pa rin siya. Why? Simple lang. She's dead."

Paano namatay si Kathy?

Fiance?

So, hindi pa sila naikakasal ng mamatay ito?

Bigla ko namang naalala yung vision na nakita ko.

Posible kayang ako yun?

Na car accident din ako one year ago, kaya posibleng ako yung babaeng nakita ko sa vision ko.

Napailing na lamang ako. Alam kong hindi ko basta basta masasagot ang mga katanungan sa isip ko, kung hindi ako kikilos para alamin ang mga kasagutan sa mga katanungan ko.

Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang umupo si Abby, dala na ang mga kakainin namin.

Inihain niya ang mga pagkain namin at saka kami nag-umpisang kumain.

Walang umiimik sa amin habang kumakain, siguro dahil pagod na rin sa biyahe.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa kanyang sa kotse na lang ako habang hinihintay siya.

Pagkapasok ko sa kotse ay agad kong sinandal ang ulo ko sa kinauupuan ko. Pipikit na sana ako ng may nagring. Tiningnan ko kung phone ko, pero hindi naman.

Hinanap ko kung saan, Kay Abby pala. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang caller.

Calling .. Gabriel

Accept || Decline

Hinayaan ko na lamang na magring at saka binalik kung saan ko kinuha.

Bakit naman tumatawag si Gab?

Tss. Isinandal ko na lamang ulit ang ulo ko at saka pinikit ang mga mata.

Maya maya ay naramdaman ko ng umandar ang kotse.

Hindi ko na lamang minulat ang mga mata ko para makita ang dinadaanan. Matutulog na lamang ako, hanggang sa makarating sa hacienda barreto.



She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon