Katherine's Pov
Nagsuklay na lamang ako ng buhok at saka bumaba na.
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Manang na naghahain na ng pagkain.
"Manang, Nakita niyo po ba si Abby?"Tanong ko dito paglapit ko
"Ay oo. Nakita ko ngang may bitbit na box eh."Saad nito
Box?
"Kahon po?"Takang tanong ko dito
Ano naman kaya ang lamang nung kahon?
"Oo, Kahon. Aba'y tinagalog mo lamang eh."Natatawa nitong saad
"Saan po siya papunta?"Tanong ko dito
"Sa bodega."Saad nito
Tinanguan ko na lamang ito at saka umupo na sa upuan.
Nilalagyan ko na ng kanin ang plato ko ng biglang..
"Are na pala si Abby eh."
Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Manang.
"Saan ka galing?"Tanong ko rito
"Nagpahangin lang."Saad nito at saka naupo sa tabi ko
Tiningnan ko naman kung saan siya ng galing at saka nag-umpisa ng kumain.
Tahimik kaming kumakain ng biglang dumating si Manong Tan.
"Aba'y nakain na pala ang ating magagandang bisita eh."Saad nito
Ngumiti lamang ako dito. Naupo naman ito at saka nag-umpisa na ring kumain.
Habang kumakain kami ay nagkekwento naman si Manong.
"Hindi ko nga akalain na ikaw ang magiging nobya ni Gabriel eh."Saad nito at napatingin naman ako dito.
"Bakit naman po?"Nagtataka kong tanong
"Aba'y paano ga naman ay kayong dalawa nun ay hindi nag-uusap eh. Nung nagbabakasyon kayo dine ni Athena, ay malimit lamang iyong lumabas ng kwarto niya ahh."Mahabang pagsasaad ni Manong
Napatingin naman ako kay Abby'ng patapos ng kumain.
"Tsaka ang sabi niya nun eh, may nobya na daw siya taga florida ga yun."Saad pa nito
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit.
Napatingin ulit ako kay Abby.
Biglang pumasok sa isip ko yung pag-aari niyang private cementery sa Florida.
Natauhan lamang ako ng biglang magtanong si Manang.
"Kat-Kat, Iha, Ayos ka ga lamang?"Nag-aalala nitong tanong
"Oo naman po."Nakangiti ko pang saad at saka tumingin kay Manong
"Nakita niyo na po ba ang nobyang sinasabi ni Gabriel noon?"Taka kong tanong
Bago pa man masagot ni Manong ang tanong ko ay bigla tumayo si Abby at saka nilisan ang hapag kainan ng walang anumang sinasabi.
Taka ko naman itong sinundan ng tingin.
"Baka po sumama ang tiyan bigla ni Abby."Naiilang kong saad
"Baka nga."Saad naman ni Manang
Tiningnan ko ulit si Manong.
"Manong Tan, Nakita niyo na po ang nobya noon ni Gabriel?"Tanong ko ulit rito pero umiling lamang ito.
Weird.
Ngumiti na lamang ako at saka tinapos ang pagkain.
Third Person's Pov
Pagkatapos kumain ni Katherine ay agad itong umakyat para magtoothbrush.
Naiwan naman ang mag-asawang taga pangalaga ng hacienda ng barreto.
"Bakit ga'y hindi mo sinagot ang tanong ni Kat-kat? Mukha pa namang naghihintay ng sagot ang bata."Manang
"Umiling naman ako eh. Tsaka totoo naman yung pag-iling ko eh. Sadya naman digang hindi natin nakita yung nobya ni Gabriel noon eh."Paliwanag naman ni Manong Tan sa asawa
Iiling iling namang nag-imis ng pinagkainan si Manang.
Katherine's Pov
Pagkatapos kong magtoothbrush ay nagpunta ako sa kwarto ni Abby.
Nakailang katok ako pero walang Abby'ng nagbubukas.
Kaya pinihit ko na ang doorknob at saka dahan dahang binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang maraming kalat.
Ano naman ito?
Lumakad naman ako papunta sa kama ni Abby na may mga papel na nakakalat.
Ano ang mga ito?
Kukunin ko na sana ang mga papel ng biglang bumukas ang pinto ng cr.
"Anong ginagawa mo dito?"Tanong niya pero nahihimigan ko sa boses niya ang kaba
"Nakailan kasi akong katok sa pinto pero walang nagbubukas kaya pumasok na ako kaso tumambad itong mga nakakalat na papel. Lilinisin ko sana ng bigla kang lumabas dyan sa cr."Mahabang paliwanag ko
Ngumiti naman siya sa akin at saka naupo sa kama.
"Sadyang nakakalat yang mga yan."Saad nito
Umayos ako ng tayo at saka siya tinitigan.
"Sumama ba ang tiyan mo kaya ka biglang nagwalk out kanina?"Tanong ko rito at tumango naman ito
Sumakit nga ba? O Sadyang ayaw mo lang na may malaman ako?
Tss.
Tinanguan ko na lamang rin siya at saka nagtungo sa pinto.
Pagkalabas ko ng kwarto niya ay agad akong nagtungo pababa.
Hinanap ko kung saan ko siya nakitang nanggaling kanina.
Bumaba ako sa hagdan na nandun.
Pagbaba ko ay tumambad sa akin ang magabok na bodegang sinasabi ni Manang.
Inilibot ko naman ang paningin ko at nahagip naman ng mata ko ang kahong sinasabi ni Manang na dala ni Abby.
Naglakad ako papunta doon. Pagkalapit ko ay agad kong binuksan ang kahon.
Tss. Tama nga ang hinala ko.
Siya nga ang nag-alis ng mga nakataob na frame ni KATHY.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Emeghed 😱😱 Bakit ginawa ni Abby yun?
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.