James's Pov
Nakapalibot kami ngayon kay Katherine na mahimbing na mahimbing na natutulog ngayon.
Tama nga ako nawalan siya ng malay!
Pero bakit siya nawalan ng malay?
Tiningnan ko naman si Aria ngayon.
Nakatingin lamang ito kay Katherine.
Simula pa kanina ay walang umiimik. Sobrang tahimik at parang walang ayaw bumasag nito.
Agad akong napabuntong hininga, magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Aria.
"Hindi ko alam na maglilihim kayo sa amin gayong kaibigan rin naman namin si Katherine."Panimula niya
Lahat kami ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
"Kung hindi pa marowrong call si Kira ay hindi namin malalaman ang lahat. Hindi ko alam ang dahilan niyo kung bakit niyo nagawang ilihim ang lahat ng gayong kapakanan pala ni Katherine ang nakasalalay dito."Saad ni Aria at agad napatingin sa akin
"James, Alam kong may pinaalala ka sa kanya."Saad ni Aria
Agad naman akong napatingin sa kanya ng diretso.
"Wala akong pinaalala sa kanya, kusang bumabalik ang alaala niya at yun ang kinatatakutan ko."Saad ko pero napataas lamang ang kilay ni Aria
"Buhay pala si Athena! Bakit walang nais magbalita sa inyo?"Tanong ni Inigo
"Kung hindi pa namin siya makikitang nakatayo sa harap ng bahay kanina hindi pa namin malalaman."Saad naman ni Aria
"So, anong plano niyo?"Tanong naman ni Inigo
"Plano?"Takang tanong ko pero napatingin lang siya kay Kira na ngayon nakayuko na
Agad akong napatayo.
"Kira!"Pagtawag ko sa kanya pero nakayuko lamang ito
Lalapitan ko na sana si Kira ng may nagsalita.
"Wala siyang sinabi, dahil sa katagalan kong nakatayo sa harap ng bahay kanina ay nakita nila ako. Huli na ang lahat kung aalis pa ako. At dahil sa kainipang pag-aantay na magbukas ang pinto ay nilitis nila ako na parang may nagawang kasalanan."
Agad kaming napatingin sa taong nakasandal ngayon sa pinto habang nakatingin kay Katherine.
"Malapit na niyang maalala ang lahat. Si Ethan? Alam kong alam niya na ang kalagayan ni Katherine."Saad pa nito
Napaupo naman ako sa kinauupuan ko kanina at napasabunot na lamang sa buhok.
"Hindi ko ginustong magpanggap na patay na ako pero yun lang yung paraan upang makaligtas ako at mailigtas siya"sinadya niyang diinan ang siya
"Alam kong mahirap pero kinakaya kong makita siya sa malayuan para masigurado ang kaligtasan niya. Pipigilan ko sana si Gabriel na huwag ng pumunta dito sa pilipinas pero sadyang matigas ang ulo ng aking pinsan."Saad nito at napairap na lamang sa kawalan
"Alam kong bago dumating ang kaarawan ni Annika, alam kong lahat ng alaalang nakalimutan niya ay maaalala niya ng kusa. Yung mga impormasyong nakalagay sa itim na kahon ay isa lamang clue."Saad pa nito at saka naglakad papunta sa kama ni Katherine
Naupo ito at pinagmasdang maigi si Katherine bago pa humarap sa amin.
"At yung araw na yun ang kinatatakutan ko, maaaring malagay sa panganib lalo ang buhay niya pag nakatunog si Emerald na may naaalala na ito."Saad niya at agad kinuha yung laptop ni Katherine na ipinatong ko kanina sa side table niya
Binuksan ito ni Athena at saka nagkuting ting duon.
"Hindi ko alam na naghahanap na pala ng impormasyon si Katherine about Kathy ay gayong ang hinahanap niya at siya ay iisa."Saad niya at agad muling sinarado ang laptop at saka ipinatong muli sa side table
"Maghanda na lamang kayo, tayo sa araw na siya ay magbabalik."Saad ni Athena at saka tumayo't naglakad patungo sa pintuan pero bago ito makalabas ay biglang nagtaasan ang aming mga balahibo sa huling sinabi niya.
"At sa araw na yun nasisiguro ko na muling dadanak ang dugo makuha lang ang tronong matagal na niyang inaasam."
Napatulala na lamang kami sa pintuang nilabasan niya. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga salitang binitawan niya.
"Deejhay."
Agad kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakapikit pa rin siya pero nasisiguro naming sa kaniya nanggaling ang boses na yun.
Agad kaming nagkatinginan pero agad na naibalik ng bigla kaming makarinig ng paghikbi.
"What's wrong with her?"Nag-aalalang tanong ni Kira
Para akong robot na bigla na lang kumilos. Tinapik tapik ko siya pero hindi pa rin siya nagigising.
"Katherine, wake up!"Saad ko habang tinatapik tapik ang pisngi niya pero hindi pa rin siya gumigising pero andun pa rin ang paghikbi niya
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya gumigising. Itinigil ko ang pagtapik.
Napaluhod na lamang ako at saka hinawakan ang kamay niya.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa paggising ni Katherine.
Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Hinalikan ko ang kamay niya at saka dun binuhos ang sakit na nararamdaman ko.
"Jaime."Rinig kong pagtawag ni Aria
Hindi ko siya nilingon sa halip tiningnan ko si Katherine.
"Please Princess Kathy, wake up!"
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Opx! Hehe
I want to say sorry if hindi po ako nakakapag-update. Busy lang po sa school. Sorry din po if dumaan na yung pasko at new year bago ako makapag-update. Sorry po.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.