SB : 68

333 6 0
                                    

Katherine's Pov

"Patay na siya at kailangan mo yung tanggapin."

"Patay na siya at kailangan mo yung tanggapin."

"Patay na siya at kailangan mo yung tanggapin."

Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa isip ang sinabi ni Athena.

"You need to be strong."Rinig kong saad ni Aria

Tiningnan ko naman sila at saka ako natayo, inayos ko ang sarili ko.

"Saan ka pupunta?"Nagtatakang tanong ni Athena

"Pupuntahan si Gab."Simpleng saad ko at saka ako paika-ikang naglakad patungo sa pinto pero humarang sa daan ko si Aria.

"Walang kang pupuntang Gabriel dito dahil nakaburol na siya. Patay na siya and you need to accept that."Saad niya

"Umalis ka sa dadaanan ko."Naluluha kong utos sa kanya

"No. Hindi ka pa magaling."Saad niya

"Alis."

"Kathy, You need to accept that patay na si Gabriel."Saad ni Athena

Napatingin naman ako sa kanya.

"HINDI SABI PATAY SI GABRIEL."Inis kong sigaw at saka itinulak si Aria paalis sa dadaanan ko

"Kathy please."Pagmamakaawa ni Athena

"Pwede ba? Tumigil na kayo! Hindi ako naniniwala sa inyo."Inis kong saad

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa tuloy tuloy na pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Kathy, Im begging you. Magpahinga ka muna. Saka ka namin dadalhin kung saan nakaburol si Gabriel."Saad ni Aria

"Wala akong pupuntahang burol. Hindi sabi siya patay."Inis ko ng saad

Tiningnan ko lang sila at saka ako paika-ikang lumabas ng kwarto

"KATHY."

Rinig ko pang sigaw nila. Wala na akong pake.

Gab, where are you?

Gab, magpakita ka na please.

Gab, please.

"GAB."sigaw ko sa hallway

"GAB, PLEASE. MAGPAKITA KA NA."Naluluha kong sigaw

"Gab."Naiusal ko na lamang

May nadaanan akong nurse pero hindi ko na lamang ito pinansin.

Lumilingon pa ako sa likod ko dahil ng baka sumunod sila Aria.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa garden ng ospital.

"GAB, WHERE ARE YOU?"

"Gab, magpakita ka na. Buhay ka pa diba?"

"Gab, please."

Napaupo na lamang ako sa damo at saka pinagmasdan ang napakadilim na kalangitan.

"Gabriel Barretto, where are you? Bakit sinasabi nilang patay ka na? Buhay ka pa diba?"Lumuluha kong saad

"GAB."Sigaw ko

Maya maya ay bigla na lamang sumabay ang kalangitan sa aking kalungkutan.

"AHHHHHHHH. GAB, BUHAY KA PA DIBA?"Sigaw ko

"GAB, buhay ka pa diba?"

Dahan dahan kong inihiga ang sarili sa damo at saka pinanuod ang patak ng ulan sa katawan at mukha ko.

"Gab, buhay ka pa diba? Bakit mo kasi sinalo ang balang para sa akin? Dapat sa akin yun ee. Gab, please wake me up. Panaginip lang ang lahat ng ito."

Ipinikit ko ang mata ko at saka ninamnam ang pagbuhos ng ulan.

"Gabriel Barretto."Naiusal ko na lamang

Bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi niya sa panaginip ko.

"I love you so much and Im so sorry."

"Im so sorry for everything. I love you. Minahal kita kung sino ka ngayon hindi dahil ng pagpapanggap lang."

"I love you walang halong pagpapanggap. Mahal na mahal kita. Maging si Kathy ka man o si Katherine, mahal na mahal kita. Minahal kita hindi dahil sa ginamit mo ang pangalan ng dati kong fiance. Minahal kita kung sino ka ngayon."

"Humihingi ako ng tawad. Im so sorry."

"I love you, just the way you are."

Naramdaman ko naman ang tuloy tuloy na pagpatak ng mainit na likido sa pisngi ko.

Yung pagluha niya.

Yung ngiti niya.

Yung paghalik niya sa noo ko.

Yung pagluhod niya.

"Kaya mo ba ginawa yun ay dahil tunay nga ang sinasabi nila? Gab."Nakapikit pa ring saad ko

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakahiga sa damo. Basta ang alam ko buhay siya.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Yung patak ng ulan kanina pa yatang natapos pero yung nararamdaman ko ngayon hindi na yata matatapos.

"Kathy."Rinig kong tawag ng isang taong pamilyar ang boses

Hindi ko na lang tiningnan pa ito. Dahan dahan na lamang akong bumangon.

Saktong pagtayo ko ay nakita ko si Ethan. Nakasilong ito sa may puno habang nakatayo't nakatingin sa akin.

"Nagpapakamatay ka ba?"

Hindi ko ito sinagot. Nakatingin lamang ako sa kanya ng diretso.

"Galing sa matinding bakbakan? Tas nagpaulan ka pa? Nagpapakamatay ka?"Nakataas ang isang kilay niyang saad at saka ito naglakad palapit sa akin.

"Hindi ko alam na kaya ka palang itumba ni Emerald?"Nakangisi nitong saad

Agad akong napaiwas ng tingin.

"He killed your so called fiance."

Agad ko namang naibalik ang paningin ko sa kanya.

"Patay na si Gabriel, tatlong araw na."Saad niya

Yung luhang akala ko ay tapos na sa pag-agos ay muling umagos muli.

"Walang magagawa yang pag-iyak mo. Hindi mo mabubuhay si Gabriel ng dahil sa pag-iyak mo."

"Stop."Saad ko

"You need to be strong, Queen."Saad niya at saka ako niyakap

Yayakapin ko na sana pabalik si Ethan ng maramdam kong may biglang tumarak sa may likuran ko na naging dahilan upang mandilim ang paningin ko.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon