SB : 64

452 8 0
                                    

Athena's Pov

"My queen needs me."Saad ko

Nakatingin lamang siya sa akin. Kita ko ang pagkabigla niya.

"Lapitan mo na siya."Walang gana kong saad habang nakatingin sa kanya

Tiningnan niya muna ako at saka siya lakad takbo na lumapit kay Gabriel.

Tiningnan ko naman si Emerald. Nakahalindusay na sa lupa habang umaagos ang dugo. Napangiti naman ako.

'Asintado pa rin talaga ako'

Napatingin naman ako kay Katherine ng marinig ko ang hagulgol nito habang nakayakap kay Gabriel.

Lalapit na sana ako ng mahagip ng mata ko si Rose at Diamond. Lumapit ako sa mga ito at saka kinalagan sa pagkakatali si Diamond. Nang makalagan ko si Diamond ay inutusan ko itong kalagin si Gabriel.

Napatitig naman ako sa kawawang Rose. Nakatingin ito sa akin.

"Hindi ko inaasahan na ganito ang itsura mo sa muli nating pagkikita."Natatawa kong saad

Napairap naman siya na mas lalong ikinatawa ko.

"Nasaan na ang Rose na nakilala ko? Yung Rose na ayaw tumanggap ng tulong? Yung Rose na ayaw madumihan? Yung Rose na ayaw madapuan ng kahit na anong maduming bagay?"Natatawa kong tanong pero irap lamang ang natanggap ko

"Kalagan mo na lamang ako."Parang naiinis niya pang saad

Ginawa ko na lamang ang sinabi niya pero natagalan ako.

"Haaaaay! Salamat."Nakangiting saad ni Rose na winagayway pa ang kamay sa ere.

Nakangiti naman akong pinanuod siya. Para siyang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang araw na nagkakilala kami.

Flashback

Bago pa lamang ako rito sa japan at hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

Hindi ko kasi alam kung nasaan si Kathy ee.

Naglalakad ako ng may mabunggo akong babae.

"What the hell? Hindi ka ba tumitingin?"

"Sorry."

"Sorry? Look? Madumi na yung katawan ko."Naiinis niyang saad

Tiningnan ko naman ang katawan niya.

Wala namang dumi aa?

Ang arte.

End of Flashback

Napabalik ako sa reyalidad ng makarinig ako ng putok ng baril. Agad kong hinanap kung saan galing.

Kay Emerald.

Nakatayo na ito habang nakatutok ang baril kila ...

Agad akong napatingin kila Katherine. Nakaupo si Katherine habang nakayakap naman si Gabriel sa kanya.

Si Gabriel ang sumalo ng bala na dapat ay kay Katherine?

"Baseball bat lamang yun! Hindi yun ang makakapagpatumba sa akin!"Saad ni Emerald (A/N: Kung naguguluhan po kayo kung sino si Emerald? kung sino si Abby? Iisa lamang po sila. Wag po kayong mag-isip masyado kung bakit ganun, ganyan? Masasagot po lahat yan hehe.)

"I.WILL.KILL.ALL.OF.YOU."Sigaw niya habang may diin sa bawat salita

"STOP!"Sigaw ni Katherine

"STOP? WHAT THE FVCK?"Natatawang sigaw ni Emerald

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon